Mateo 2
Biblia del Jubileo
2 ¶ Y cuando nació Jesús en Belén de Judea en días del rey Herodes, he aquí unos sabios vinieron del oriente a Jerusalén,
2 diciendo: ¿Dónde está el Rey de los Judíos, que ha nacido? Porque su estrella hemos visto en el oriente, y venimos a adorarle.
3 Y oyendo esto el rey Herodes, se turbó, y toda Jerusalén con él.
4 Y convocados todos los príncipes de los sacerdotes, y los escribas del pueblo, les preguntó dónde había de nacer el Cristo.
5 Y ellos le dijeron: En Belén de Judea; porque así está escrito por el profeta:
6 Y tú, Belén, de tierra de Judá, no eres muy pequeña entre los príncipes de Judá; porque de ti saldrá un Guiador, que apacentará a mi pueblo Israel.
7 Entonces Herodes, llamando en secreto a los sabios, entendió de ellos diligentemente el tiempo de la aparición de la estrella;
8 y enviándolos a Belén, dijo: Andad allá, y preguntad con diligencia por el niño; y después que le hallaréis, hacédmelo saber, para que yo también vaya y le adore.
9 ¶ Y ellos, habiendo oído al rey, se fueron; y he aquí la estrella que habían visto en el oriente, iba delante de ellos, hasta que llegando, se puso sobre donde estaba el niño.
10 Y viendo la estrella, se regocijaron con muy grande gozo.
11 Y entrando en la casa, vieron al niño con su madre María, y postrándose, le adoraron; y abriendo sus tesoros, le ofrecieron dones: oro, e incienso y mirra.
12 Y siendo avisados por revelación Divina en sueños que no volvieran a Herodes, se volvieron a su tierra por otro camino.
13 ¶ Y partidos ellos, he aquí el ángel del Señor aparece en sueños a José, diciendo: Levántate, y toma al niño y a su madre, y huye a Egipto, y permanece allá hasta que yo te lo diga; porque ha de acontecer, que Herodes buscará al niño para matarlo.
14 Y él despertando, tomó al niño y a su madre de noche, y se fue a Egipto;
15 y estuvo allá hasta la muerte de Herodes: para que se cumpliera lo que fue dicho por el Señor, por el profeta que dijo: De Egipto llamé a mi Hijo.
16 ¶ Herodes entonces, viéndose burlado de los sabios, se enojó mucho, y envió, y mató a todos los niños que había en Belén y en todos sus términos, de edad de dos años abajo, conforme al tiempo que había entendido de los sabios.
17 Entonces se cumplió lo que fue dicho por el Señor por el profeta Jeremías, que dijo:
18 Voz fue oída en Ramá, lamentación, lloro y gemido grande; Raquel que llora sus hijos, y no quiso ser consolada, porque perecieron.
19 ¶ Mas muerto Herodes, he aquí el ángel del Señor aparece en sueños a José en Egipto,
20 diciendo: Levántate, y toma al niño y a su madre, y vete a tierra de Israel; que muertos están los que procuraban la muerte del niño.
21 Entonces él se levantó, y tomó al niño y a su madre, y se vino a tierra de Israel.
22 Y oyendo que Arquelao reinaba en Judea en lugar de Herodes su padre, temió ir allá; mas amonestado por revelación Divina en sueños, se fue a las partes de Galilea.
23 Y vino, y habitó en la ciudad que se llama Nazaret, para que se cumpliera lo que fue dicho por los profetas, que había de ser llamado Nazareno.
Mateo 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Dumalaw ang mga Pantas
2 Nang isilang si Jesus sa Bethlehem ng Judea, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may mga pantas na dumating sa Jerusalem mula sa silangan. 2 Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang isinilang na Hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya.” 3 Nang marinig ito ni Haring Herodes, labis siyang nag-alala, at gayundin ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. 4 Pinulong niya ang lahat ng mga pinunong pari at ang mga tagapagturo ng kautusan sa sambayanan at itinanong sa kanila kung saan isisilang ang Cristo. 5 At sumagot sila, “Doon po sa Bethlehem ng Judea, tulad ng isinulat ng propeta:
6 ‘At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
ay hindi páhuhulí sa mga pinuno ng Juda;
sapagkat manggagaling sa iyo ang isang pinuno
na siyang magpapastol ng aking bayang Israel.’ ”
7 Pagkatapos ay lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at tiniyak mula sa kanila ang panahon ng paglitaw ng bituin. 8 Sila'y kanyang pinapunta sa Bethlehem at pinagbilinan ng ganito, “Pumunta kayo at hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag siya'y nakita na ninyo, balitaan ninyo ako, upang makapunta rin ako at sumamba sa kanya.” 9 Pagkatapos marinig ang hari ay umalis na sila. At biglang lumitaw ang bituing nakita nila sa silangan at nanguna ito sa kanila hanggang sa huminto sa tapat ng kinaroroonan ng bata. 10 Labis ang kagalakan nila nang makita nila ang bituin. 11 At pagpasok nila sa bahay ay nakita nila ang bata, kasama ang ina nitong si Maria. Sila'y yumukod at sumamba sa bata. Binuksan nila ang mga sisidlan ng kanilang kayamanan at naghandog sa kanya ng mga regalong ginto, kamanyang, at mira. 12 At dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes, dumaan sila sa ibang daan pauwi sa kanilang sariling bayan.
Ang Pagtakas Patungo sa Ehipto
13 Nang makaalis ang mga pantas, nagpakita kay Jose sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. “Bumangon ka,” sabi nito sa kanya. “Dalhin mo ang bata at ang kanyang ina. Tumakas kayo at pumunta sa Ehipto. Manatili kayo roon hanggang sabihin ko sa iyo, sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin.” 14 Bumangon nga siya at nang gabi ring iyon ay dinala ang bata at ang ina nito papuntang Ehipto. 15 Sila'y nanatili roon hanggang sa mamatay si Herodes. Naganap ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.”
Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki
16 Galit na galit si Herodes nang mabatid niyang nalinlang siya ng mga pantas. Kaya't ipinapatay niya ang lahat ng mga batang lalaki may dalawang taong gulang pababa na nasa Bethlehem at sa mga karatig-pook, batay sa panahong tiniyak niya mula sa mga pantas. 17 Kaya't natupad ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias:
18 “May tinig na narinig sa Rama,
pananangis at matinding panaghoy.
Tumatangis si Raquel dahil sa kanyang mga anak;
magpaaliw ay ayaw niya, sapagkat sila ay wala na.”
19 Pagkamatay ni Herodes, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa isang panaginip doon sa Ehipto, na nagsasabi, 20 “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kanyang ina at umuwi na kayo sa Israel. Namatay na ang mga nagnanais pumatay sa bata.” 21 Bumangon nga siya at iniuwi ang bata at ang ina nito sa Israel. 22 Ngunit nang mabalitaan niyang naghahari si Arquelao sa Judea, kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Dahil binalaan siya ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip, pumunta sila sa lalawigan ng Galilea. 23 Nanirahan sila sa Nazareth upang matupad ang sinabi ng mga propeta tungkol sa bata: “Siya'y tatawaging isang taga-Nazareth.”
Biblia del Jubileo 2000 (JUS) © 2000, 2001, 2010, 2014, 2017, 2020 by Ransom Press International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
