法利赛人与撒都该人的酵

16 有些法利赛人和撒都该人前来试探耶稣,要求他把一个从天上来的神迹显给他们看。

耶稣回答他们,说:“黄昏的时候你们说:‘天要晴了,因为天色通红’; 清晨的时候你们说:‘今天会有风雨,因为天色通红又变得阴沉。’[a]你们能分辨天象,却不能分辨时代的征兆。[b] 一个邪恶、淫乱的世代会寻求神迹,可是除了[c]约拿的神迹以外,不会有神迹赐给它了。”然后耶稣就离开他们走了。

门徒们到了对岸,忘了带饼。

耶稣对他们说:“你们要注意,要提防法利赛人和撒都该人的酵母。”

门徒们就彼此讨论说:“这是因为我们没有带饼吧。”

耶稣知道了,就说:“小信的人哪,你们为什么彼此讨论没有带[d]饼的事呢? 你们还不明白吗?难道不记得那五个饼给五千人,你们收拾了几个篮子的碎块[e]吗? 10 也不记得那七个饼给四千人,你们收拾了几个筐子的碎块[f]吗? 11 你们怎么不明白,我对你们说的不是饼的事,而是要你们提防法利赛人和撒都该人的酵母呢?” 12 门徒们这才领悟耶稣所说的不是要他们提防饼的酵母,而是要他们提防法利赛人和撒都该人的教导。

彼得认耶稣为基督

13 耶稣来到凯撒里亚菲利彼地区,就问他的门徒们,说:“人们说[g]人子是谁?”

14 他们回答说:“有的说是施洗者[h]约翰,有的说是以利亚,另有的说是耶利米或是先知中的一位。”

15 耶稣问他们:“那么你们呢?你们说我是谁?”

16 西门彼得回答说:“你是基督,是永生神的儿子!”

17 耶稣对他说:约拿的儿子西门,你是蒙福的,因为这不是任何人[i]启示你的,而是我在天上的父启示你的。 18 我还告诉你:你是彼得,我要在这磐石上建立我的教会,阴间的门[j]不能胜过它。 19 我要把天国的钥匙赐给你,你在地上所捆绑的,在天上将是已经被捆绑了的;你在地上所释放的,在天上将是被释放了的。”

20 接着耶稣吩咐门徒们,不要对任何人说他就是基督。

预言受难与复活

21 从那时候起,耶稣开始向他的门徒们指示他必须到耶路撒冷去,经受长老们、祭司长们和经文士们的很多苦害,并且被杀,然后在第三天要复活。 22 彼得把耶稣拉到一边,开始劝阻他,说:“主啊,千万不可,这事绝不能临到你身上。”

23 但耶稣转身对彼得说:撒旦,退到我后面去!你是我的绊脚石,因为你不是思想神的事,而是思想人的事。”

背起你的十字架

24 于是,耶稣对他的门徒们说:“如果有人想要来跟从我,他就当舍弃自己,背起自己的十字架,然后跟从我。 25 因为凡想要保全[k]自己生命的,将失去生命;凡为我的缘故失去自己生命的,将寻得生命。 26 一个人就是赚得了全世界,却赔上了自己的生命[l],到底有什么益处呢?人还能拿什么来换回自己的生命呢? 27 人子将要在他父的荣耀中,与他的天使们一起来临。那时候,他要按照各人的所作所为回报每个人。 28 我确实地告诉你们:站在这里的有些人,在还没有尝到死的滋味之前,必定见到人子在他的国度中来临。”

Footnotes

  1. 马太福音 16:3 有古抄本附“你们这些伪善的人!”
  2. 马太福音 16:3 有古抄本没有“黄昏……征兆。”
  3. 马太福音 16:4 有古抄本附“先知”。
  4. 马太福音 16:8 有古抄本没有“带”。
  5. 马太福音 16:9 的碎块——辅助词语。
  6. 马太福音 16:10 的碎块——辅助词语。
  7. 马太福音 16:13 有古抄本附“我”。
  8. 马太福音 16:14 施洗——或译作“施浸”。
  9. 马太福音 16:17 任何人——原文直译“血和肉”。
  10. 马太福音 16:18 门——或译作“势力”。
  11. 马太福音 16:25 保全——原文直译“救”。
  12. 马太福音 16:26 生命——或译作“灵魂”。

Humingi ng Mahimalang Tanda kay Jesus(A)

16 Dumating (B) ang mga Fariseo at ang mga Saduceo, at upang subukin si Jesus, hiniling nila sa kanya na magpakita sa kanila ng isang himala mula sa langit. Sinabi niya sa kanila, “[Sa dapithapon ay sinasabi ninyo, ‘Maganda ang panahon bukas, sapagkat mapula ang langit.’ At sa umaga, ‘Maulan ngayon, sapagkat mapula ang langit at makulimlim.’ Marunong kayong bumasa ng anyo ng langit, subalit hindi kayo marunong umunawa ng mga palatandaan ng mga panahon.][a] Ang (C) isang masama at taksil na lahi ay humahanap ng mahimalang tanda, ngunit walang mahimalang tanda na ibibigay rito, maliban sa tanda ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan niya sila at siya ay umalis.

Ang Pampaalsang Gamit ng mga Fariseo at ng mga Saduceo(D)

Nang tumawid sa kabilang pampang ang mga alagad ay nakalimutan nilang magdala ng tinapay. Sinabi (E) ni Jesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at iwasan ninyo ang pampaalsang ginagamit ng mga Fariseo at ng mga Saduceo.” Pinag-usapan nila iyon at sinabi nila, “Dahil hindi tayo nagdala ng tinapay.” Ngunit batid ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Kayong mahina ang pananampalataya! Bakit pinagtatalunan ninyo na kayo'y walang tinapay? Hindi (F) pa ba kayo nakauunawa? Hindi ba ninyo naaalala ang limang tinapay na ipinakain sa limang libo at kung ilang kaing ang inyong natipon; 10 o (G) iyong pitong tinapay na ipinakain sa apat na libo at kung ilang kaing ang inyong natipon? 11 Paanong hindi ninyo nauunawaan na hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Fariseo at mga Saduceo!’ ” 12 Noon ay naunawaan nila na hindi niya sinabing mag-ingat sila sa pampaalsa ng tinapay, kundi sa itinuturo ng mga Fariseo at mga Saduceo.

Ang Pahayag ni Pedro tungkol kay Jesus(H)

13 Nang dumating si Jesus sa pook ng Cesarea Filipos, nagtanong siya sa kanyang mga alagad ng ganito, “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” 14 At (I) sumagot sila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias, at ang iba naman ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” 15 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?” 16 Sumagot (J) si Simon Pedro, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” 17 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang nagpahayag nito sa iyo ay hindi laman at dugo kundi ang aking Amang nasa langit. 18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro,[b] at sa ibabaw ng batong[c] ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay (K) ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay ang natalian na sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay ang nakalagan na sa langit.” 20 Pagkatapos ay mahigpit niyang pinagbilinan ang mga alagad na huwag sasabihin kaninuman na siya ang Cristo.

Sinabi ni Jesus ang Kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay(L)

21 Mula noon ay nagsimula si Jesus na tahasang sabihin sa kanyang mga alagad na kailangang pumunta siya sa Jerusalem, at magdusa ng maraming bagay sa kamay ng matatandang pinuno, at sa mga pinunong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Doon, siya'y papatayin at sa ikatlong araw ay muling bubuhayin. 22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Kahabagan ka nawa, Panginoon! Hindi po kailanman mangyayari iyon sa iyo.” 23 Hinarap niya si Pedro at sinabihan ito, “Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Sagabal ka sa akin, sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa Diyos, kundi ang mga bagay ng tao.”

Pasanin ang Krus at Sumunod kay Jesus

24 Pagkatapos (M) ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa akin, talikuran niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Sapagkat (N) sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay[d] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay kanyang matatagpuan ito. 26 Sapagkat ano ang magiging pakinabang ng tao, kung makamtan niya ang buong daigdig subalit buhay naman niya ang kapalit? O ano ang maibibigay ng tao, kapalit ng kanyang buhay? 27 Sapagkat (O) darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel sa kaluwalhatian ng kanyang Ama; at gagantihan niya ang lahat ng tao ayon sa kanilang mga gawa. 28 Tinitiyak ko sa inyo, may ilan sa nakatayo rito, na hindi makalalasap ng kamatayan, hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating na naghahari sa kanyang kaharian.”

Footnotes

  1. Mateo 16:3 Sa ibang manuskrito wala ang mga talatang ito.
  2. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petros.
  3. Mateo 16:18 Sa Griyego, Petra.
  4. Mateo 16:25 o kaluluwa.