马可福音 2
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
治好瘫子
2 几天后,耶稣回到迦百农。祂在家的消息一传开, 2 立刻有许多人蜂拥而来,连门外也挤满了人。耶稣正给他们讲道的时候, 3 有四个人抬着一个瘫痪的人来见祂。 4 但因为人太多,他们无法抬到耶稣跟前,就拆掉屋顶,对准耶稣所坐的地方,将瘫子连垫子一起缒下去。 5 耶稣看见他们的信心,就对瘫子说:“孩子,你的罪被赦免了!” 6 有几个律法教师坐在那里,心里议论说: 7 “这是什么话?简直是亵渎上帝!除了上帝之外,谁能赦罪呢?”
8 耶稣立刻看透了他们的心思,就说:“你们为什么这样心里议论呢? 9 对瘫子说‘你的罪得到赦免了’容易呢,还是说‘起来,收拾你的垫子走吧’容易呢? 10 但我要让你们知道人子在世上有赦罪的权柄。”于是祂对瘫子说: 11 “我吩咐你起来收拾你的垫子回家去吧。” 12 那人就站起来,马上收拾好垫子,当着众人的面走了出去。众人都十分惊奇,赞美上帝说:“我们从来没见过这样的事!”
呼召利未
13 耶稣又出去到了湖边。有一大群人围拢过来,祂就教导他们。 14 耶稣往前走的时候,看见亚勒腓的儿子利未坐在收税站里工作,就对他说:“跟从我!”利未就起来跟从了耶稣。
15 后来,利未请耶稣和祂的门徒到家里坐席,同席的还有很多已经跟随耶稣的税吏和罪人。 16 有几位法利赛人的律法教师看见耶稣跟税吏和罪人同席,就问耶稣的门徒:“祂怎么会跟这些税吏和罪人一起吃饭呢?”
17 耶稣听见了,就说:“健康的人不需要医生,有病的人才需要。我来不是要召义人,乃是要召罪人。”
论禁食
18 约翰的门徒和法利赛人都在禁食的时候,有人来问耶稣:“约翰的门徒和法利赛人的门徒禁食,为什么你的门徒不禁食呢?”
19 耶稣对他们说:“新郎还在的时候,宾客怎能在婚宴中禁食呢?新郎还跟他们在一起的时候,他们不该禁食。 20 但有一天新郎将被带走,那时他们就要禁食了。
21 “没有人会用新布来补旧衣服,因为新布会把旧衣服扯破,破洞会更大; 22 也没有人把新酒倒进旧皮囊里,否则新酒会胀破旧皮囊,酒和皮囊都毁了。所以,新酒一定要装在新皮囊里。”
安息日的主
23 一个安息日,耶稣和门徒走过一片麦田,门徒一边走一边搓麦穗吃。 24 法利赛人批评耶稣说:“看看你的门徒,他们为什么做安息日不准做的事?”
25 耶稣回答说:“大卫和他的部下在饥饿、缺粮时所做的事,你们没有读过吗? 26 在亚比亚他做大祭司时,他进入上帝的殿吃了献给上帝的供饼,还给他的部下吃。这饼只有祭司才可以吃。 27 安息日是为人设立的,人不是为安息日设立的。 28 所以,人子也是安息日的主。”
Marcos 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagpapagaling sa Paralitiko(A)
2 Nang magbalik si Jesus sa Capernaum pagkaraan ng ilang araw, kumalat ang balitang siya'y nasa kanilang bahay. 2 Nagtipon doon ang maraming tao, kaya't wala nang lugar kahit sa may pintuan. Ipinangangaral niya sa kanila ang salita. 3 Dumating ang apat na lalaking may buhat na lalaking paralitiko. 4 Dahil sa dami ng tao ay hindi nila mailapit ang paralitiko kay Jesus, kaya't binakbak nila ang bubungan sa tapat niya. Pagkatapos nito'y ibinaba nila ang paralitikong nakaratay sa higaan. 5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinapatawad na ang iyong mga kasalanan.” 6 Ang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon ay nag-iisip ng ganito: 7 “Bakit ganyan ang salita ng taong iyan? Kalapastanganan iyan! Hindi ba't Diyos lamang ang makapagpapatawad ng kasalanan?” 8 Kaagad nabatid ni Jesus sa kanyang kalooban ang tanong sa kanilang pag-iisip, kaya't sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 9 Alin ba ang mas madali, ang sabihin sa paralitiko, ‘Pinapatawad na ang iyong mga kasalanan;’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka, damputin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?’ 10 Ngunit upang malaman ninyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan”—sinabi niya sa paralitiko, 11 “Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka, damputin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!” 12 Bumangon nga ang lalaki, agad na dinampot ang higaan at umalis sa harapan nilang lahat. Dahil dito'y namangha ang lahat at niluwalhati ang Diyos. Sinabi nila, “Wala pa kaming nakitang tulad nito!”
Ang Pagtawag kay Levi(B)
13 Nagbalik si Jesus sa dalampasigan ng Galilea. Pinuntahan siya roon ng napakaraming tao at nagturo siya sa mga ito. 14 Sa kanyang paglalakad, nakita niyang nakaupo sa bayaran ng buwis si Levi na anak ni Alfeo. “Sumunod ka sa akin,” sabi sa kanya ni Jesus. Tumayo naman si Levi at sumunod sa kanya.
15 Habang naghahapunan si Jesus sa bahay ni Levi, kasalo niya at ng kanyang mga alagad ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Marami sa kanila ang sumunod sa kanya. 16 Nang makita ng mga tagapagturo ng Kautusan na[a] kabilang sa mga Fariseo ang mga makasalanan at ang mga maniningil ng buwis, na kasalo ni Jesus, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit siya nakikisalo sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” 17 Narinig sila ni Jesus, kaya't sinabi sa kanila, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(C)
18 Nag-aayuno noon ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo. May mga lumapit kay Jesus at nagtanong, “Bakit nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ng mga Fariseo, ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?” 19 Sumagot si Jesus, “Maaari bang mag-ayuno ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal, hindi sila maaaring mag-ayuno. 20 Ngunit darating ang panahong kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal; doon pa lamang sila makapag-aayuno. 21 Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit sapagkat kapag umurong ang bagong tela, hahatakin nito ang luma, at lalong lalaki ang punit. 22 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat sapagkat papuputukin ng bagong alak ang lumang balat. Matatapon lamang ang alak at masisira ang mga sisidlang-balat. Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa bagong sisidlang-balat.”
Ang Pamimitas ng Trigo sa Araw ng Sabbath(D)
23 Isang (E) araw ng Sabbath, napadaan sina Jesus sa isang bukirin ng trigo. Sa kanilang paglalakad, namitas ng uhay ang kanyang mga alagad. 24 Sinabi sa kanya ng mga Fariseo, “Tingnan mo, bakit ginagawa ng mga alagad mo ang ipinagbabawal sa araw ng Sabbath?” 25 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya at ang kanyang mga kasamahan ay nagutom at nangailangan ng pagkain? 26 Noong (F) si Abiatar ang Kataas-taasang Pari, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang tinapay na handog sa Diyos. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan, gayong ang mga pari lamang ang pinahihintulutang kumain niyon.” 27 Sinabi ni Jesus, “Nagkaroon ng Sabbath para sa tao, at hindi ng tao para sa Sabbath. 28 Kaya't ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Sabbath.”
Footnotes
- Marcos 2:16 Sa ibang mga kasulatan at.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.