腓立比书 3
Chinese New Version (Traditional)
以認識基督為至寶
3 最後,我的弟兄們,你們要靠著主喜樂。我寫這些話給你們,在我並不困難,對你們卻是妥當的。
2 你們要提防那些“狗”,提防作惡的,提防行割禮的。 3 其實我們這些靠 神的靈來敬拜,在基督耶穌裡誇口而不倚靠肉體的人,才是受割禮的, 4 雖然我有理由可以倚靠肉體。如果別人認為可以倚靠肉體,我就更加可以了; 5 我第八天受割禮,屬於以色列民族便雅憫支派,是希伯來人所生的希伯來人。按著律法來說,我是個法利賽人; 6 按著熱誠來說,我是迫害教會的;按著律法上的義來說,我是無可指摘的。 7 然而以前對我有益的,現在因著基督的緣故,我都當作是有損的。 8 不但這樣,我也把萬事當作是有損的,因為我以認識我主基督耶穌為至寶。為了他,我把萬事都拋棄了,看作廢物,為了要得著基督。 9 並且得以在他裡面,不是有自己因律法而得的義,而是有因信基督而得的義,就是基於信心,從 神而來的義, 10 使我認識基督和他復活的大能,並且在他所受的苦上有分,受他所受的死; 11 這樣,我也許可以從死人中復活。
向著目標竭力追求
12 這並不是說我已經得著了,已經完全了,而是竭力追求,好使我可以得著基督耶穌所以得著我的(“所以得著我的”或譯:“要我得著的”)。 13 弟兄們,我不以為自己已經得著了,我只有一件事,就是忘記背後,努力前面的事, 14 向著目標竭力追求,為要得著 神在基督耶穌裡召我往上去得的獎賞。 15 所以,我們中間凡是成熟的人,都應當這樣思想。即使你們不是這樣思想, 神也會把這事指示你們。 16 不過,我們到了甚麼程度,就要照著甚麼程度去行。
切望救主再臨
17 弟兄們,你們要一同效法我,也要留意那些照著我們給你們的榜樣而行的人。 18 我常常告訴你們,現在又流著淚說,有許多人行事為人,是基督十字架的仇敵, 19 他們的結局是滅亡,他們的神是自己的肚腹,他們以自己的羞辱為榮耀,所思想的都是地上的事。 20 但我們是天上的公民,切望救主,就是主耶穌基督,從天上降臨; 21 他要運用那使萬有歸服自己的大能,改變我們這卑賤的身體,和他榮耀的身體相似。
Filipos 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Tunay na Katuwiran
3 Kahuli-hulihan, mga kapatid ko, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kalabisan para sa akin ang muli kong isulat sa inyo ang dati ko nang naisulat, sa halip, ito'y upang kayo'y ingatan.
2 Mag-ingat kayo sa mga aso, sa mga gumagawa ng masasama, at sa mga sumusugat sa kanilang katawan. 3 Sapagkat tayo ang mga tunay na tuli, na naglilingkod sa tulong ng Espiritu ng Diyos at ang ating pagmamalaki ay nakay Cristo Jesus, at hindi sa anumang ginagawa sa ating katawan. 4 Bagaman maaari kong gawin iyon. Kung sa palagay ng iba may dahilan silang magmalaki, lalo na ako: 5 tinuli ako (A) nang ikawalong araw, akong mula sa lahi ng Israel, mula sa lipi ni Benjamin, isang tunay na Hebreo, at tungkol sa kautusan, ako'y isang Fariseo. 6 Kung ang pag-uusapan (B) ay sigasig, ako ay naging tagausig ng iglesya; at tungkol naman sa katuwirang ayon sa kautusan, ako ay walang kapintasan. 7 Subalit ang mga bagay na maaari ko sanang pakinabangan ay itinuring kong kalugihan dahil kay Cristo. 8 Sa katunayan, ang lahat ng bagay ay itinuring kong kalugihan dahil sa hindi matatawarang halaga ng pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kanya'y pinawalang-halaga ko ang lahat ng bagay, at itinuring kong basura, upang makamtan ko si Cristo, 9 at ako'y matagpuan na nasa kanya. Wala akong sariling katuwiran batay sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang buhat sa Diyos na nakabatay sa pananampalataya. 10 Ang naisin ko'y makilala siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay at makibahagi sa kanyang mga pagdurusa, at matulad ako sa kanya maging sa kanyang kamatayan, 11 upang hangga't maaari ay makamtan ko ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan.
Pagpapatuloy sa Mithiin
12 Hindi sa ito'y nakamit ko na, o ako'y nakarating na sa hangganan; sa halip ay nagpapatuloy ako upang makamit ko ang bagay na ito, yamang ako ay nakamit na ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko itinuturing na iyon ay nakamit ko na; ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang mga bagay na nakaraan, at sinisikap kong abutin ang mga bagay na hinaharap. 14 Patuloy akong tumatakbo patungo sa hangganan para sa gantimpala ng makalangit[a] na pagtawag ng Diyos bunga ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 15 Kaya't tayong mga nasa hustong gulang ay dapat magkaroon ng gayunding pananaw. At kung hindi ganito ang inyong pananaw, ito man ay ipahahayag sa inyo ng Diyos. 16 Gayunman, magpatuloy tayong mamuhay ayon sa pamantayang naabot na natin.
17 Mga (C) kapatid, sama-sama ninyong tularan ang aking halimbawa, at bigyan ninyo ng pansin ang mga lumalakad nang ayon sa huwarang ibinigay namin sa inyo. 18 Sapagkat maraming namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo gaya ng madalas kong sabihin sa inyo noon, at ngayo'y muli kong sinasabi na may kasama pang luha. 19 Ang wakas nila ay kapahamakan; ang diyos nila ay ang sarili nilang tiyan; ang ipinagmamalaki nila ay mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at ang tanging iniisip nila ay ang mga bagay na makalupa. 20 Ngunit tayo'y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21 Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa kanya upang maipailalim niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay.
Footnotes
- Filipos 3:14 Sa Griyego, paitaas.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.