约翰福音 6
Chinese New Version (Simplified)
给五千人吃饱的神迹(A)
6 这些事以后,耶稣渡过加利利海,就是提比里亚海。 2 有一大群人,因为看见了他在病人身上所行的神迹,就跟随了他。 3 耶稣上了山,同门徒坐在那里。 4 那时犹太人的逾越节近了。 5 耶稣举目观看,见一大群人向他走过来,就对腓力说:“我们从哪里买饼给这些人吃呢?” 6 他说这话,是要试验腓力,因他自己早已知道要怎样作。 7 腓力回答:“就算二百银币买的饼,每人分一点,也是不够的。” 8 有一个门徒,就是西门.彼得的弟弟安得烈,对耶稣说: 9 “这里有个小孩子,带着五个大麦饼、两条鱼;只是分给这么多人,有甚么用呢?” 10 耶稣吩咐他们:“你们叫众人坐下。”原来那地方的草很多,众人就坐下,单是男人的数目约有五千。 11 耶稣拿起饼来,祝谢了,就分给坐着的人;分鱼也是这样,都是随着他们所要的。 12 他们吃饱了之后,耶稣对门徒说:“把剩下的零碎收拾起来,免得浪费。” 13 门徒就把众人吃剩那五个大麦饼的零碎收拾起来,装满了十二个篮子。 14 众人看见耶稣所行的神迹,就说:“这真是那要到世上来的先知。” 15 耶稣知道群众要来强迫他作王,就独自又退到山上去了。
耶稣在海面上行走(B)
16 到了晚上,他的门徒下到海边去。 17 他们上了船,要渡海往迦百农去。那时天已经黑了,耶稣还没有到他们那里。 18 忽然海上起了狂风,波浪翻腾。 19 门徒摇橹约行了五六公里,看见耶稣在海面上行走,渐渐靠近船,就害怕起来。 20 耶稣对他们说:“是我,不要怕。” 21 他们这才把他接上船,船就立刻到了他们要去的地方。
耶稣是生命的食物
22 第二天,站在海那边的群众,看见只有一只小船留在那里,并且知道耶稣没有和他的门徒一同上船,门徒是自己去的; 23 不过有几只从提比里亚来的船停在那里,靠近他们在主祝谢以后吃饼的地方。 24 群众见耶稣和门徒都不在那里,就上船往迦百农去找耶稣。 25 他们在对岸找到了耶稣,就问他:“拉比,你几时到这里来的?” 26 耶稣回答:“我实实在在告诉你们,你们找我,不是因为看见了神迹,而是因为吃了饼又吃饱了。 27 不要为那必朽坏的食物操劳,却要为那存到永生的食物操劳,就是人子所要赐给你们的,因为人子是父 神所印证的。” 28 众人又问他:“我们应该作甚么,才算是作 神的工作呢?” 29 耶稣回答:“信 神所差来的,就是作 神的工了。” 30 于是他们就说:“你要行甚么神迹,让我们看了就信你呢?你到底能作甚么呢? 31 我们的祖宗在旷野吃过吗哪,正如经上所记:‘他把从天上来的食物赐给他们吃。’” 32 耶稣对他们说:“我实实在在告诉你们,不是摩西把那从天上来的食物赐给你们,而是我父把天上来的真食物赐给你们; 33 因为 神的食物就是从天上降下来,把生命赐给世人的那一位。”
34 他们对耶稣说:“主啊,求你常把这食物赐给我们。” 35 耶稣说:“我就是生命的食物,到我这里来的,必定不饿;信我的,永远不渴。 36 但我告诉你们,你们虽然见了我,还是不信。 37 凡是父赐给我的人,必到我这里来;到我这里来的,我决不丢弃他, 38 因为我从天上降下来,不是要行自己的意思,而是要行那差我来者的旨意。 39 那差我来者的旨意就是:他所赐给我的人,我连一个也不失落,并且在末日我要使他们复活。 40 因为我父的旨意,是要使所有看见了子而信的人有永生,并且在末日我要使他们复活。”
41 犹太人因为耶稣说“我是从天上降下来的食物”,就纷纷议论他。 42 他们说:“这不是约瑟的儿子耶稣吗?他的父母我们不都认识吗?他现在怎么说‘我是从天上降下来的’呢?” 43 耶稣回答:“你们不要彼此议论。 44 如果不是差我来的父吸引人,就没有人能到我这里来;到我这里来的,在末日我要使他复活。 45 先知书上记着:‘众人都必受 神的教导。’凡听见从父那里来的教训而又学习的,必到我这里来。 46 这不是说有人见过父;只有从 神那里来的那一位,他才见过父。 47 我实实在在告诉你们,信的人有永生。 48 我就是生命的食物, 49 你们的祖宗在旷野吃过吗哪,还是死了。 50 这是从天上降下来的食物,使人吃了就不死。 51 我就是从天上降下来生命的食物,人若吃了这食物,就必活到永远。我要赐的食物就是我的肉,是为了世人的生命而赐的。”
52 于是,犹太人彼此争论,说:“这个人怎能把他的肉给我们吃呢?” 53 耶稣就对他们说:“我实实在在告诉你们,你们若不吃人子的肉,不喝人子的血,就没有生命在你们里面。 54 吃我肉、喝我血的,就有永生,在末日我要使他复活; 55 因为我的肉是真正的食物,我的血是真正的饮料。 56 吃我肉、喝我血的人,就住在我里面,我也住在他里面。 57 正如永活的父差遣了我,我也因父活着;照样,吃我肉的人也必因我而活。 58 这就是从天上降下来的食物,不像吗哪,你们的祖宗吃过,还是死了;吃这食物的,必活到永远。” 59 这些话是耶稣在迦百农会堂里教导人的时候说的。
永生之道
60 他的门徒中,有许多人听了,就说:“这话很难,谁能接受呢?” 61 耶稣心里知道门徒为了这事议论纷纷,就对他们说:“这话使你们动摇吗? 62 如果你们看见人子升到他原来所在的地方,又怎样呢? 63 使人活的是灵,肉体是无济于事的。我对你们所说的话是灵、是生命。 64 然而你们中间却有不信的人。”原来从起初耶稣就知道那些不信的是谁,那要把他出卖的又是谁。 65 耶稣跟着说:“所以我对你们说过,如果不是父所赐的,没有人能到我这里来。”
66 从此,他的门徒中有许多人退去了,不再与他同行。 67 于是耶稣对十二门徒说:“你们也想离去吗?” 68 西门.彼得回答:“主啊,你有永生之道,我们还跟从谁呢? 69 我们已经相信,并且知道你是 神的圣者。” 70 耶稣说:“我不是拣选了你们十二个人吗?但你们中间有一个是魔鬼。” 71 耶稣这话是指着加略人西门的儿子犹大说的,因为他虽然是十二门徒之一,却要出卖耶稣。
Juan 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinakain ni Jesus ang Limang Libo
6 Matapos ang mga pangyayaring ito pumunta si Jesus sa kabilang bahagi ng lawa ng Galilea na tinatawag ding lawa ng Tiberias. 2 Napakaraming tao ang sumunod sa kanya, dahil nakita nila ang mga himala na kanyang ginawa sa mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok at doo'y naupo kasama ng kanyang mga alagad. 4 Nalalapit na noon ang Paskuwa na pista ng mga Judio. 5 Paglingon ni Jesus, nakita niyang lumalapit sa kanya ang napakaraming tao kung kaya sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” 6 Alam na ni Jesus ang kanyang gagawin, ngunit sinabi niya iyon upang subukin si Felipe. 7 Sumagot ito, “Kulang po ang tinapay na mabibili ng dalawang daang denaryo[a] upang makakain kahit kaunti ang mga taong ito.” 8 Si Andres na kapatid ni Simon Pedro, isa sa kanyang mga alagad ay nagsabi sa kanya, 9 “May isang bata po rito na may limang tinapay na sebada[b] at dalawang isda, ngunit sapat ba ito para sa napakaraming tao?” 10 Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Sa lugar na iyon ay maraming damo, kaya naupo ang mga lalaking may limang libo ang bilang. 11 Kinuha ni Jesus ang mga tinapay, at matapos magpasalamat, ipinamigay niya sa mga nakaupo; ganoon din ang ginawa niya sa mga isda. Kumuha ang mga tao hangga't ibig nila. 12 Nang mabusog sila, inutusan niya ang kanyang mga alagad, “Tipunin ninyo ang mga sobrang pagkain upang walang masayang.” 13 Kaya tinipon nga nila ang mga sumobrang pagkain, at mula sa limang pinagpira-pirasong tinapay ay nakapuno sila ng labindalawang kaing. 14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, “Ito nga talaga ang propetang darating sa sanlibutan!” 15 Nang makita ni Jesus na lumalapit ang mga tao at sapilitan siyang kukunin upang gawing hari, lumayo siya at muling pumuntang mag-isa sa bundok.
16 Kinagabihan, pumunta sa lawa ang kanyang mga alagad. 17 Sumakay sila ng bangka at nagsimulang baybayin ang lawa patungong Capernaum. Madilim na noon, at hindi pa dumarating sa kanila si Jesus. 18 Lumaki ang alon sa lawa dahil sa malakas na ihip ng hangin. 19 Nang makasagwan sila nang lima hanggang anim na kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig ng lawa papalapit sa bangka, at sila'y natakot. 20 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!” 21 Kaya pinasakay nila si Jesus sa bangka; at nakarating agad ang bangka sa lugar na kanilang pupuntahan.
22 Kinabukasan, nakita ng mga taong nakatayo sa kabilang dako ng lawa na isang bangka lamang ang naroon. Nakita din nilang hindi sumama si Jesus sa bangkang iyon nang umalis ang kanyang mga alagad. 23 Gayunman, may mga bangka mula sa Tiberias na dumating malapit sa lugar na kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat ang Panginoon. 24 Kaya nang makita ng mga tao na wala roon si Jesus pati ang kanyang mga alagad, sumakay sila sa mga bangka at pumuntang Capernaum upang hanapin si Jesus. 25 At nang matagpuan nila si Jesus sa ibayo ng lawa, sinabi nila sa kanya, “Rabbi, kailan pa kayo rito?” 26 Sinagot sila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hinahanap ninyo ako hindi dahil nakakita kayo ng mga himala, kundi dahil nabusog kayo sa tinapay. 27 (A)Huwag kayong magpagod para sa pagkaing nabubulok, kundi para sa pagkaing nananatili tungo sa buhay na walang hanggan, na siyang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.” 28 Kaya sinabi nila, “Ano ang dapat naming gawin upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?” 29 Sinagot sila ni Jesus, “Ito ang gawain ng Diyos, na kayo ay manampalataya sa kanyang isinugo.” 30 Kaya sinabi nila sa kanya, “Ano pong himala ang maipapakita ninyo sa amin upang maniwala kami sa iyo? Ano pong ginagawa ninyo? 31 (B)Ang mga ninuno namin ay kumain ng manna sa ilang; tulad ng nasusulat, ‘Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang makain.’ ” 32 Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Ito ang katotohanan, sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama ang nagbigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay siya na bumaba mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.” 34 Sinabi nila sa kanya, “Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na iyon.” 35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw. 36 Sinabi ko sa inyo na nakita na ninyo ako subalit hindi kayo naniniwala. 37 Ang lahat ng ibinibigay ng Ama sa akin ay lalapit sa akin, at ang lumalapit sa akin ay hinding-hindi ko itataboy. 38 Bumaba ako mula sa langit hindi upang gawin ang nais ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. 39 Ito ang kalooban ng nagsugo sa akin—na hindi ko maiwala ang isa man sa mga ibinigay niya sa akin, kundi, ito’y buhaying muli sa huling araw. 40 Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat tumitingin sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.” 41 Kaya't nagbulung-bulungan ang mga Judio tungkol sa kanya sapagkat sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si Jesus na anak ni Jose, at kilala natin ang kanyang ama't ina? Paano niya nasasabing bumaba siya mula sa langit?” 43 Sumagot si Jesus, “Huwag na kayong magbulung-bulungan. 44 Walang makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin. Siya'y muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 (C)Sinulat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang sinumang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lumalapit sa akin. 46 Ang nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama. Siya lamang ang nakakita sa Ama. 47 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga ninuno sa ilang, gayunma'y namatay sila. 50 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, upang ang sinumang kumain nito ay hindi mamatay. 51 Ako ang tinapay na nabubuhay na bumaba mula sa langit; sinumang kumain sa tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na ibibigay ko para sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking katawan.” 52 Kaya nagtalu-talo ang mga Judio na nagsasabing, “Paano ibibigay ng taong ito ang kanyang katawan para kainin natin?” 53 Dahil dito, sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyong sarili. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at bubuhayin ko siyang muli sa huling araw. 55 Sapagkat tunay na pagkain ang aking katawan, at totoong inumin ang aking dugo. 56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako ay mananatili rin sa kanya. 57 Kung paanong sinugo ako ng buhay na Ama at nabubuhay ako dahil sa Ama, ganoon din naman, ang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng inyong mga ninuno na namatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” 59 Ito ang mga sinabi niya nang siya'y magturo sa bahay-pulungan ng mga Judio sa Capernaum. 60 Nang marinig nila ito, marami sa kanyang mga alagad ang nagsabing, “Mahirap na turo ito, sino ang may kayang tumanggap nito?” 61 Alam ni Jesus na nagbubulungan sila tungkol dito kaya sinabi niya, “Ikinagalit ba ninyo ang sinabi ko? 62 Paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat sa dati niyang kinaroroonan? 63 (D)Ang espiritu ang nagbibigay ng buhay, ang laman ay walang pakinabang; ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. 64 Subalit may ilan sa inyo na hindi naniniwala.” Sapagkat alam na ni Jesus sa simula pa lamang ang mga hindi naniniwala, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. 65 At sinabi niya, “Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ito ng Ama.” 66 Pagkatapos nito marami sa mga alagad niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya. 67 Sinabi ni Jesus sa labindalawa, “Nais din ba ninyong umalis?” 68 (E)Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salita ng buhay na walang hanggan, 69 at sumasampalataya kami, at nakatitiyak kami na kayo nga ang Banal ng Diyos.” 70 Sumagot si Jesus, “Hindi ba pinili ko kayong labindalawa, at isa sa inyo ay diyablo?” 71 Ang tinutukoy niya ay si Judas, anak ni Simon Iscariote, ang isa sa labindalawa na magkakanulo sa kanya.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
