I Am the True Vine

15 “I am the (A)true vine, and my Father is (B)the vinedresser. (C)Every branch in me that does not bear fruit (D)he takes away, and every branch that does bear fruit he prunes, (E)that it may bear more fruit. Already (F)you are clean (G)because of the word that I have spoken to you. (H)Abide (I)in me, and I in you. As the branch cannot bear fruit by itself, unless it abides in the vine, neither can you, unless you abide in me. I am the vine; (J)you are the branches. Whoever abides in me and I in him, he it is that (K)bears much fruit, for apart from me you can do nothing. If anyone does not abide in me, (L)he is thrown away like a branch and withers; (M)and the branches are gathered, thrown into the fire, and burned. If (N)you abide in me, and my words abide in you, (O)ask whatever you wish, and it will be done for you. (P)By this my Father is glorified, that you (Q)bear much fruit and so prove to be my disciples. (R)As the Father has loved me, (S)so have I loved you. Abide in my love. 10 (T)If you keep my commandments, you will abide in my love, just as (U)I have kept (V)my Father's commandments and abide in his love. 11 These things I have spoken to you, (W)that my joy may be in you, and that (X)your joy may be full.

12 (Y)“This is my commandment, that you love one another as I have loved you. 13 (Z)Greater love has no one than this, (AA)that someone lay down his life for his friends. 14 You are (AB)my friends (AC)if you do what I command you. 15 (AD)No longer do I call you servants,[a] for the servant (AE)does not know what his master is doing; but I have called you friends, for (AF)all that I have heard from my Father (AG)I have made known to you. 16 You did not choose me, but (AH)I chose you and appointed you that you should go and (AI)bear fruit and that your fruit should abide, so that (AJ)whatever you ask the Father in my name, he may give it to you. 17 These things I command you, (AK)so that you will love one another.

The Hatred of the World

18 (AL)“If the world hates you, know that it has hated me before it hated you. 19 (AM)If you were of the world, the world would love you as its own; but because (AN)you are not of the world, but I chose you out of the world, therefore the world hates you. 20 Remember the word that I said to you: (AO)‘A servant is not greater than his master.’ If they persecuted me, (AP)they will also persecute you. (AQ)If they kept my word, they will also keep yours. 21 But (AR)all these things they will do to you (AS)on account of my name, (AT)because they do not know him who sent me. 22 If I had not come and spoken to them, (AU)they would not have been guilty of sin,[b] but now they have no excuse for their sin. 23 (AV)Whoever hates me hates my Father also. 24 (AW)If I had not done among them the works that no one else did, (AX)they would not be guilty of sin, but now they have (AY)seen and hated both me and my Father. 25 But (AZ)the word that is written in their Law must be fulfilled: (BA)‘They hated me without a cause.’

26 “But (BB)when the Helper comes, whom I will send to you from the Father, the Spirit of truth, who proceeds from the Father, (BC)he will bear witness about me. 27 And (BD)you also will bear witness, (BE)because you have been with me (BF)from the beginning.

Footnotes

  1. John 15:15 Or bondservants, or slaves (for the contextual rendering of the Greek word doulos, see Preface); likewise for servant later in this verse and in verse 20
  2. John 15:22 Greek they would not have sin; also verse 24

Ang Tunay na Puno ng Ubas

15 “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga nito. Tinatanggal niya sa akin ang bawat sangang hindi namumunga. Bawat sangang namumunga ay nililinis niya upang lalo pa itong mamunga. Malilinis na kayo dahil sa salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at ako'y mananatili sa inyo. Hindi makapamumungang mag-isa ang sanga malibang manatili ito sa puno, gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay namumunga nang sagana, sapagkat hindi kayo makagagawa ng anuman kung kayo'y hiwalay sa akin. Ang sinumang hindi nananatili sa akin ay itinatapon tulad ng sanga. Ito'y natutuyo, at ang gayong mga sanga ay tinitipon at inihahagis sa apoy, at sinusunog. Kung nananatili kayo sa akin, at ang mga salita ko'y nananatili sa inyo, hilingin ninyo anumang ibig ninyo, at ito'y ipagkakaloob sa inyo. Kayo'y mamunga nang sagana at maging mga alagad ko, sa ganitong paraan ay napaparangalan ang aking Ama. Kung paanong minahal ako ng Ama, minamahal ko rin kayo; manatili kayo sa aking pagmamahal. 10 Kung tutuparin ninyo ang mga utos ko, mananatili kayo sa pag-ibig ko, kung paanong tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig. 11 Sinabi ko ang mga ito sa inyo upang mapasainyo ang aking kagalakan, at ang kagalakan ninyo ay maging lubos. 12 (A)Ito ang aking utos: kayo’y magmahalan gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Walang hihigit pa sa pag-ibig ng taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. 14 Kayo'y mga kaibigan ko kung sumusunod kayo sa ipinag-uutos ko sa inyo. 15 Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip itinuturing ko kayong mga kaibigan, sapagkat lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko na sa inyo. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin sa halip ako ang pumili sa inyo. Isinugo ko kayo upang humayo at mamunga ng mga bungang nananatili sa inyo. Sa gayon, anumang hilingin ninyo sa Ama sa pangalan ko ay ipagkakaloob sa inyo. 17 Ito ang ipinag-uutos ko sa inyo: mahalin ninyo ang isa't isa. 18 Kung kinapopootan kayo ng sanlibutan, dapat ninyong malaman na ako muna ang kinapootan nito bago kayo. 19 Kung kayo ay kabilang sa sanlibutan, mamahalin kayo ng sanlibutan bilang kabahagi nito. Dahil hindi kayo kabilang sa sanlibutan, sa halip ay pinili ko kayo mula sa sanlibutan, kaya kinapopootan kayo nito. 20 (B)Tandaan ninyo ang salitang sinabi ko sa inyo: ‘Walang aliping mas dakila kaysa kanyang panginoon.’ Kung ako ay pinahirapan nila, pahihirapan din nila kayo. Kung sinunod nila ang salita ko, susunod din sila sa salita ninyo. 21 Subalit gagawin nila ang lahat ng ito sa inyo dahil sa taglay ninyo ang pangalan ko, at hindi nila nakikilala ang nagsugo sa akin. 22 Kung hindi ako dumating at nagsalita sa kanila, hindi mahahayag na sila'y nagkasala, ngunit ngayon, wala na silang maidadahilan para sa kanilang pagkakasala. 23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din sa Ama. 24 Kung hindi ko ginawa sa harap nila ang mga gawang wala pang sinumang nakagawa, hindi mahahayag na sila'y nagkasala. Ngunit ngayo'y nakita na nila ang mga gawa ko, gayunma'y kinapopootan nila ako at ang aking Ama. 25 (C)Ito ay katuparan ng salita na nakasulat sa kanilang kautusan, ‘Kinapootan nila ako nang walang dahilan.’ 26 Pagdating ng Kaagapay na aking isusugo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na darating mula sa Ama, siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. 27 At maging kayo ay magpapatotoo sapagkat kayo ay kasama ko mula pa sa simula.