约翰福音 14
Chinese Standard Bible (Simplified)
道路、真理、生命
14 “你们心里不要愁烦,要信神,也要信我。 2 在我父家里有很多住处。如果没有,我怎么会告诉你们说,我去是要为你们预备地方呢? 3 我如果去为你们预备了地方,就会再来,接你们到我那里,好使我在哪里,你们也能在哪里。 4 我往哪里去,你们知道;那条路,你们也知道。”
5 多马说:“主啊,我们不知道你要到哪里去,怎么能知道那条路呢?”
6 耶稣说:“我就是道路、真理、生命。要不是藉着我,没有人能到父那里去。
耶稣显明父
7 “如果你们认识我,也就会认识我的父。从今以后,你们就认识他,并且已经看到他了。”
8 腓力说:“主啊,请给我们看看父,我们就满足了。”
9 耶稣回答说:“腓力,我与你们在一起这么久了,你还不认识我吗?一个人看到了我,就是看到了父。你怎么还说‘请给我们看看父’呢? 10 难道你不相信我就在父里面,父也在我里面吗?我对你们说的话,不是凭自己说的,而是住在我里面的父,在做他的工作。 11 你们当相信我:我在父里面,父也在我里面。即使不信,也当因我所做的事而相信[a]。
奉耶稣的名祈求
12 “我确确实实地告诉你们:我所做的事,信我的人也要做,而且要做比这些更大的事。这是因为我就要到父那里去了。 13 你们奉我的名无论求什么,我将行这事,好使父藉着子得荣耀。 14 如果你们奉我的名向我[b]求什么,我将成就。[c]
应许赐圣灵
15 “你们如果爱我,就会遵守我的命令。[d] 16 我也要向父祈求,他就将赐给你们另一位慰助者,让他与你们在[e]一起,直到永远。 17 他就是真理的灵,是世界不能接受的,因为世界看不到他,也不认识他。而你们认识他,因为他与你们同在,并且要在你们里面。 18 我不会撇下你们为孤儿,我要回到你们这里来。
父、子、圣灵
19 “再过一会儿,世人不再看到我了,而你们将看到我。因为我活着,你们也将活着。 20 在那一天,你们就会明白:我在我父里面,你们在我里面,我也在你们里面。 21 那领受我命令并遵守的人,就是爱我的。爱我的会蒙我父所爱,我也会爱他,并且会向他显明我自己。”
22 不是加略人的那个犹大问耶稣:“主啊,怎么会这样呢?你为什么要向我们显明自己,而不向世人显明呢?”
23 耶稣回答说:“如果有人爱我,他就会遵守我的话语,我父也会爱他,而且我们将要来到他那里,并且在他那里安置我们的住处。 24 不爱我的人,就不遵守我的话语。事实上,你们所听见的话语,不是我的,而是那派我来的父的话语。
25 “我还与你们在一起的时候,已经把这些事告诉了你们。 26 但那位慰助者,就是父以我的名所要派遣的圣灵,将要把一切的事教导你们,并且让你们想起我对你们说过的一切。
耶稣赐平安
27 “我把平安留给你们,我把我的平安赐给你们。我给你们的,不像世界所给的。你们心里不要愁烦,也不要胆怯。 28 你们听过我对你们说:‘我去了,还要回到你们这里来。’如果你们爱我,就会为了我到父那里去而感到欢喜。这是因为父比我更大。 29 如今,在事情发生以前我已经告诉你们了,好让你们在事情发生的时候能相信。 30 我不再对你们多说了。要知道,世界的那掌权者就要来了,而他对我毫无作用。 31 不过我照着父的吩咐如此去做,是为要世界知道我爱父。
“起来,我们走吧!
Footnotes
- 约翰福音 14:11 有古抄本附“我”。
- 约翰福音 14:14 有古抄本没有“向我”。
- 约翰福音 14:14 有古抄本没有此节。
- 约翰福音 14:15 就会遵守我的命令。——有古抄本作“就应当遵守我的命令。”
- 约翰福音 14:16 在——有古抄本作“住在”。
Juan 14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay
14 “Huwag ninyong hayaang mabagabag ang inyong kalooban. Sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya rin kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi ito totoo, bakit ko pa sasabihin sa inyo na aalis ako upang ipaghanda kayo ng lugar? 3 At kung aalis ako at ipaghahanda kayo ng lugar para sa inyo, babalik ako at isasama ko kayo sa aking sarili, upang kung nasaan ako, naroon din kayo. 4 At nalalaman ninyo ang daan tungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan kayo pupunta. Paano po namin malalaman ang daan?” 6 (A)Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung kilala ninyo ako, makikilala rin ninyo ang Ama ko. Mula ngayon, siya'y kilala na ninyo at siya'y nakita na ninyo.” 8 Sinabi ni Felipe, “Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama, at sapat na iyon sa amin.” 9 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Matagal na tayong magkasama Felipe, at hindi mo pa rin ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Bakit mo sinasabing, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng kanyang mga gawain. 11 Maniwala kayo sa akin na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin; ngunit kung hindi, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. 12 Tinitiyak ko sa inyo, ang sumasampalataya sa akin ay makagagawa rin ng mga bagay na ginagawa ko, at higit pa sa mga ito ang magagawa niya sapagkat ako'y pupunta sa Ama. 13 Gagawin ko anumang hilingin ninyo sa aking pangalan, upang ang Ama ay maluwalhati sa pamamagitan ng Anak. 14 Anuman ang hilingin ninyo sa aking pangalan, ako ang gagawa nito.
15 (B)“Kung minamahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga utos. 16 At hihiling ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Kaagapay na makakasama ninyo magpakailanman. 17 Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan sapagkat siya'y hindi nito nakikita o nakikilala. Kilala ninyo siya, dahil nananatili siya sa inyo, at siya ay sasainyo. 18 Hindi ko kayo iiwang parang mga ulila. Darating ako sa inyo. 19 Sandaling panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan, ngunit makikita ninyo ako. Dahil ako ay buháy, kayo rin ay mabubuhay. 20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo. 21 (C)Ang nagtataglay ng mga utos ko at tumutupad sa mga ito ay siyang nagmamahal sa akin. At siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama. Mamahalin ko siya at ihahayag ko ang aking sarili sa kanya.” 22 Si Judas, hindi si Iscariote, ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, bakit po ninyo ihahayag ang inyong sarili sa amin, at hindi sa sanlibutan?” 23 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sinumang nagmamahal sa akin ay tutupad sa aking salita, at mamahalin siya ng aking Ama. Darating kami sa kanya at maninirahan kaming kasama niya. 24 Ang hindi nagmamahal sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita, at ang salitang naririnig ninyo ay hindi sa akin, kundi mula sa Ama na nagsugo sa akin.
25 “Sinabi ko ang mga ito sa inyo habang kasama pa ninyo ako. 26 Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi tulad ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag ninyong hayaang mabagabag ang inyong kalooban o kaya'y matakot. 28 Narinig ninyo na sinabi ko sa inyo, ‘Aalis ako, at darating ako sa inyo.’ Kung minamahal ninyo ako, magagalak kayo na pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin. 29 At ngayon, sinabi ko na ito sa inyo, bago pa ito mangyari, upang kapag nangyari na ito, ay maniwala kayo. 30 Kaunti na lang ang masasabi ko sa inyo, dahil dumarating na ang pinuno ng sanlibutan. Ngunit wala siyang karapatan sa akin. 31 Ngunit upang malaman ng sanlibutan na minamahal ko ang Ama, ginagawa ko kung ano ang iniutos niya sa akin. Tumayo na kayo. Umalis na tayo.
Copyright © 2011 by Global Bible Initiative
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
