John 12
English Standard Version
Mary Anoints Jesus at Bethany
12 Six days before (A)the Passover, (B)Jesus therefore came to Bethany, (C)where Lazarus was, whom Jesus had raised from the dead. 2 So they gave a dinner for him there. (D)Martha served, and Lazarus was one of those reclining with him at table. 3 (E)Mary therefore took a pound[a] of expensive ointment made from pure nard, and anointed the feet of Jesus and wiped his feet with her hair. The house was filled with the fragrance of the perfume. 4 But Judas Iscariot, one of his disciples (he who was about to betray him), said, 5 “Why was this ointment not sold for three hundred denarii[b] and (F)given to the poor?” 6 He said this, not because he cared about the poor, but because he was a thief, and (G)having charge of the moneybag he used to help himself to what was put into it. 7 Jesus said, “Leave her alone, so that she may keep it[c] for the day of my burial. 8 For the poor you always have with you, but you do not always have me.”
The Plot to Kill Lazarus
9 When the large crowd of the Jews learned that Jesus[d] was there, they came, not only on account of him but also to see Lazarus, (H)whom he had raised from the dead. 10 (I)So the chief priests made plans to put Lazarus to death as well, 11 because (J)on account of him many of the Jews were going away and believing in Jesus.
The Triumphal Entry
12 The next day (K)the large crowd that had come to the feast heard that Jesus was coming to Jerusalem. 13 So they took branches of (L)palm trees and went out to meet him, crying out, (M)“Hosanna! Blessed is (N)he who comes in the name of the Lord, even (O)the King of Israel!” 14 And Jesus found a young donkey and sat on it, just as it is written,
15 (P)“Fear not, daughter of Zion;
behold, your king is coming,
sitting on a donkey's colt!”
16 (Q)His disciples did not understand these things at first, but (R)when Jesus was glorified, then (S)they remembered that these things had been written about him and had been done to him. 17 (T)The crowd that had been with him when he called Lazarus out of the tomb and raised him from the dead continued to bear witness. 18 The reason why the crowd went to meet him (U)was that they heard he had done this sign. 19 So the Pharisees said to one another, (V)“You see that you are gaining nothing. Look, (W)the world has gone after him.”
Some Greeks Seek Jesus
20 Now (X)among those who went up to worship at the feast were some (Y)Greeks. 21 So these came to (Z)Philip, who was from Bethsaida in Galilee, and asked him, “Sir, we wish to see Jesus.” 22 Philip went and told (AA)Andrew; Andrew and Philip went and told Jesus. 23 And Jesus answered them, (AB)“The hour has come (AC)for the Son of Man to be glorified. 24 Truly, truly, I say to you, (AD)unless a grain of wheat falls into the earth and dies, it remains alone; but if it dies, it bears much fruit. 25 (AE)Whoever loves his life loses it, and (AF)whoever (AG)hates his life in this world will keep it for eternal life. 26 If anyone serves me, he must (AH)follow me; and (AI)where I am, there will my servant be also. (AJ)If anyone serves me, (AK)the Father will honor him.
The Son of Man Must Be Lifted Up
27 (AL)“Now is my soul troubled. And what shall I say? ‘Father, (AM)save me from (AN)this hour’? But (AO)for this purpose I have come to (AP)this hour. 28 Father, glorify your name.” Then (AQ)a voice came from heaven: “I have glorified it, and I will glorify it again.” 29 The crowd that stood there and heard it said that it had thundered. Others said, (AR)“An angel has spoken to him.” 30 Jesus answered, (AS)“This voice has come for your sake, not mine. 31 (AT)Now is the judgment of this world; now will (AU)the ruler of this world (AV)be cast out. 32 And I, (AW)when I am lifted up from the earth, (AX)will draw (AY)all people to myself.” 33 He said this (AZ)to show by what kind of death he was going to die. 34 So the crowd answered him, “We have heard from the Law that (BA)the Christ remains forever. How can you say that (BB)the Son of Man must be lifted up? Who is this Son of Man?” 35 So Jesus said to them, (BC)“The light is among you (BD)for a little while longer. (BE)Walk while you have the light, lest darkness (BF)overtake you. (BG)The one who walks in the darkness does not know where he is going. 36 While you have the light, believe in the light, that you may become (BH)sons of light.”
The Unbelief of the People
When Jesus had said these things, he departed and hid himself from them. 37 Though he had done so many signs before them, they still did not believe in him, 38 (BI)so that the word spoken by the prophet Isaiah might be fulfilled:
(BJ)“Lord, who has believed what he heard from us,
and to whom has the arm of the Lord been revealed?”
39 Therefore they (BK)could not believe. For again Isaiah said,
40 (BL)“He has blinded their eyes
and (BM)hardened their heart,
lest they see with their eyes,
and understand with their heart, and turn,
and I would heal them.”
41 Isaiah said these things because (BN)he saw his glory and (BO)spoke of him. 42 Nevertheless, (BP)many even of the authorities believed in him, but (BQ)for fear of the Pharisees they did not (BR)confess it, so that they would not be (BS)put out of the synagogue; 43 (BT)for they loved the glory that comes from man more than the glory that comes from God.
Jesus Came to Save the World
44 And Jesus cried out and said, (BU)“Whoever believes in me, believes not in me but (BV)in him who sent me. 45 And (BW)whoever (BX)sees me sees him who sent me. 46 (BY)I have come into the world as light, so that whoever believes in me may not remain in darkness. 47 If anyone (BZ)hears my words and does not keep them, (CA)I do not judge him; for (CB)I did not come to judge the world but to save the world. 48 (CC)The one who rejects me and does not receive my words has a judge; (CD)the word that I have spoken will judge him (CE)on the last day. 49 For (CF)I have not spoken on my own authority, but the Father (CG)who sent me has himself given me (CH)a commandment—what to say and what to speak. 50 And I know that his commandment is eternal life. What I say, therefore, I say as the Father has told me.”
Juan 12
Ang Biblia, 2001
Pinahiran ng Pabango si Jesus sa Betania(A)
12 Anim na araw bago magpaskuwa ay pumunta si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na muling binuhay ni Jesus mula sa mga patay.
2 Siya'y ipinaghanda nila roon ng isang hapunan. Si Marta ay naglilingkod, at si Lazaro ay isa sa nakaupo[a] sa may hapag-kainan na kasalo niya.
3 Si(B) Maria ay kumuha ng isang libra[b] ng mamahaling pabango mula sa purong nardo at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at pinunasan ang mga paa nito ng kanyang mga buhok. At ang bahay ay napuno ng amoy ng pabango.
4 Subalit si Judas Iscariote, isa sa kanyang mga alagad na magkakanulo sa kanya, ay nagsabi,
5 “Bakit hindi ipinagbili ang pabangong ito ng tatlong daang denario,[c] at ibinigay sa mga dukha?”
6 Ngunit ito'y sinabi niya, hindi dahil nagmamalasakit siya sa mga dukha, kundi sapagkat siya'y isang magnanakaw. At palibhasa'y nasa kanya ang supot ay kinukuha niya ang inilalagay doon.
7 Kaya't sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya. Inilaan niya ito sa araw ng paglilibing sa akin.
8 Sapagkat(C) ang mga dukha ay laging nasa inyo; ngunit ako'y hindi laging nasa inyo.”
Sabwatan Laban kay Lazaro
9 Nang malaman ng maraming mga Judio na siya'y naroroon, sila'y pumunta hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro, na muling binuhay mula sa mga patay.
10 Kaya't pinanukala ng mga punong pari na kanilang patayin din si Lazaro,
11 sapagkat dahil sa kanya'y marami sa mga Judio ang umaalis at naniniwala kay Jesus.
Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(D)
12 Kinabukasan, nang mabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay darating sa Jerusalem,
13 sila'y(E) kumuha ng mga palapa ng puno ng palma, at lumabas upang sumalubong sa kanya, na sumisigaw, “Hosana! Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon, ang Hari ng Israel.”
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno, at sumakay siya roon, gaya ng nasusulat,
15 “Huwag(F) kang matakot, anak na babae ng Zion, tingnan mo, ang iyong Hari ay dumarating, na nakasakay sa isang anak ng asno.”
16 Sa simula ang mga bagay na ito ay hindi naunawaan ng kanyang mga alagad. Ngunit nang si Jesus ay niluwalhati na, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kanya, at nangyari ang mga bagay na ito sa kanya.
17 Kaya't ang maraming tao na kasama niya, nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y buhayin mula sa mga patay, ay siyang nagpapatunay.
18 Ang dahilan kung bakit ang maraming tao ay sumalubong sa kanya ay sapagkat nabalitaan nila na ginawa niya ang tandang ito.
19 Sinabi ng mga Fariseo sa isa't isa, “Tingnan ninyo, wala kayong magagawa. Ang sanlibutan ay sumusunod sa kanya.”
Hinanap ng Ilang Griyego si Jesus
20 Kabilang sa mga umahon upang sumamba sa kapistahan ay ilang mga Griyego.
21 Ang mga ito'y lumapit kay Felipe, na taga-Bethsaida ng Galilea, at sinabi sa kanya, “Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.”
22 Umalis si Felipe at sinabi kay Andres. Sumama si Andres kay Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
23 Sinagot sila ni Jesus, “Dumating na ang oras upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.
24 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay mananatiling nag-iisa. Ngunit kung ito'y mamatay, ay nagbubunga ng marami.
25 Ang(G) umiibig sa kanyang buhay ay mawawalan nito, at ang napopoot sa kanyang buhay sa sanlibutang ito ay maiingatan ito para sa buhay na walang hanggan.
26 Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at kung saan ako naroroon, ay naroroon din ang lingkod ko. Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, siya'y pararangalan ng Ama.
Nagsalita si Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan
27 “Ngayon ay nababagabag ang aking kaluluwa. At ano ang aking sasabihin? ‘Ama, iligtas mo ako sa oras na ito?’ Ngunit dahil dito ay dumating ako sa oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” At dumating ang isang tinig mula sa langit, “Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.”
29 Narinig ito ng maraming taong nakatayo roon at sinabi nilang kumulog. Sinabi naman ng iba na, “Isang anghel ang nakipag-usap sa kanya.”
30 Sumagot si Jesus, “Ang tinig na ito'y dumating para sa inyo, hindi para sa akin.
31 Ngayon ang paghatol sa sanlibutang ito. Ngayon ang pinuno ng sanlibutang ito ay palalayasin.
32 At ako, kapag ako'y itinaas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay papalapitin ko sa aking sarili.”
33 Ito'y sinabi niya, upang ipahiwatig kung sa anong uri ng kamatayan ang ikamamatay niya.
34 Sinagot(H) siya ng mga tao, “Aming narinig mula sa kautusan na ang Cristo ay nananatili magpakailanman. Paano mong nasabi na ang Anak ng Tao ay kailangang itaas? Sino itong Anak ng Tao?”
35 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang ilaw ay kasama ninyo ng kaunti pang panahon. Kayo'y lumakad habang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng dilim. Ang lumalakad sa dilim ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
36 Samantalang nasa inyo ang ilaw, sumampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw.” Nang masabi ni Jesus ang mga bagay na ito siya'y umalis at nagtago sa kanila.
37 Bagama't gumawa siya sa harapan nila ng maraming mga tanda, sila ay hindi naniwala sa kanya;
38 upang(I) matupad ang sinabi ni propeta Isaias:
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39 Kaya't hindi sila makapaniwala, sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40 “Binulag(J) niya ang kanilang mga mata,
at pinatigas niya ang kanilang mga puso;
upang sila'y huwag makakita sa pamamagitan ng kanilang mga mata,
at makaunawa sa pamamagitan ng kanilang puso, at magbalik-loob,
at sila'y pagalingin ko.”
41 Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagkat nakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at nagsalita tungkol sa kanya.
42 Gayunman, maging sa mga pinuno ay maraming sumampalataya sa kanya; subalit dahil sa takot sa mga Fariseo ay hindi nila ito ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga,
43 sapagkat inibig nila ang papuri ng mga tao kaysa papuri ng Diyos.
Paghatol sa Pamamagitan ng mga Salita ni Jesus
44 Si Jesus ay sumigaw at nagsabi, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
45 At ang nakakita sa akin ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
46 Ako'y naparito na isang ilaw sa sanlibutan, upang ang sinumang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
47 Kung ang sinuman ay nakikinig sa aking mga salita, at hindi tumutupad ng mga iyon ay hindi ko siya hinahatulan, sapagkat hindi ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan.
48 Ang nagtatakuwil sa akin at hindi tumatanggap sa aking mga salita ay mayroong isang humahatol sa kanya. Ang salitang aking sinabi ang siyang hahatol sa kanya sa huling araw.
49 Sapagkat ako'y hindi nagsasalita mula sa aking sarili kundi ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong bigkasin.
50 Nalalaman ko na ang kanyang utos ay buhay na walang hanggan. Kaya't ang mga bagay na sinasabi ko ay aking sinasabi ayon sa sinabi ng Ama.”
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

