约书亚记 2
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
喇合营救探子
2 嫩的儿子约书亚暗中从什亭派出两个探子去侦察对岸,特别是耶利哥的情况。他们来到一个名叫喇合的妓女家中,就住在那里。 2 有人告诉耶利哥王说:“今天晚上有以色列人来这里刺探。” 3 耶利哥王便派人到喇合那里,对她说:“把来到你家里的人交出来,因为他们是来刺探我们的。” 4 但喇合已经把二人藏起来了,她答道:“不错,他们来过,可是我不知他们是从哪里来的。 5 天黑要关闭城门的时候,他们就离开了,我不知道他们去了哪里。你们快去追吧,还可以追得上。” 6 其实喇合已经把二人带到屋顶上,藏在那里的麻秆堆里了。 7 搜查的人便沿着通往约旦河渡口的路追去,他们一出城,城门便关闭了。
8 在两个探子睡觉前,喇合上到屋顶对他们说: 9 “我知道耶和华已经把这地方赐给你们,我们十分害怕。这里所有的居民都吓得胆战心惊。 10 因为你们离开埃及过红海的时候,耶和华怎样使红海在你们面前成为干地,你们怎样对付约旦河东的两个亚摩利王西宏和噩,怎样把他们彻底消灭,我们都听说了。 11 我们听了这些事,感到心惊胆战、勇气尽失。你们的上帝耶和华是天地万物的上帝。 12 我既然恩待了你们,现在请你们凭耶和华向我起誓,你们也照样恩待我家,并且给我一个可靠的凭据, 13 保证让我的父母、兄弟、姐妹和他们所有的亲人免于一死。” 14 二人便对她说:“如果你不泄露我们的事,我们愿意用性命担保,当耶和华把这地方赐给我们的时候,我们一定守信善待你。”
15 喇合的房子就在城墙边,她就住在城墙上,于是她用绳子把二人从窗口缒下去, 16 并对他们说:“你们往山上去,免得被追捕的人发现。你们要在那里躲三天,等追捕的人回城以后才可以走。” 17 二人对她说:“要让我们信守誓言,你必须这样做, 18 我们来攻占这座城的时候,你要把这条朱红色的绳子系在缒我们下去的窗户上,并且把你的父母、兄弟、姊妹和他们的亲人都召集到你家里。 19 倘若有人因离开这房子跑到街上而遭遇不测,我们不负任何责任。我们一定保证屋内所有人的性命安全。 20 如果你泄露我们的事,你要我们起的誓也就作废了。” 21 喇合答道:“一言为定!”于是她送走他们,把朱红色的绳子系在窗户上。
22 二人到山上躲藏了三天,等待追捕的人回去。追捕的人沿途搜索,毫无所获,便回去了。 23 二人便下山,过河回到嫩的儿子约书亚那里,向他禀告整个经过, 24 又说:“耶和华确实将那整片土地交给我们了,那里的居民听到我们的消息,都吓得胆战心惊。”
Josue 2
Ang Biblia, 2001
Nagpadala ng Espiya si Josue sa Jerico
2 Si(A) Josue na anak ni Nun ay palihim na nagsugo mula sa Shittim ng dalawang lalaki bilang tiktik, na sinasabi, “Humayo kayo, tingnan ninyo ang lupain, at ang Jerico.” At sila'y humayo at pumasok sa bahay ng isang upahang babae[a] na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.
2 At ito'y ibinalita sa hari sa Jerico, na sinasabi, “Tingnan ninyo, may mga lalaki mula sa Israel na pumasok dito ngayong gabi upang siyasatin ang lupain.”
3 Kaya't ang hari ng Jerico ay nagpasugo kay Rahab, na sinasabi, “Ilabas mo ang mga lalaking dumating sa iyo, at pumasok sa iyong bahay. Sila'y naparito upang siyasatin ang buong lupain.”
4 Subalit isinama ng babae ang dalawang lalaki at naikubli na sila. Pagkatapos ay sinabi niya, “Oo, ang mga lalaki ay naparito sa akin, ngunit hindi ko alam kung taga-saan sila.
5 Sa oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, ang mga lalaki ay lumabas at hindi ko alam kung saan sila pumunta. Habulin ninyo sila kaagad, sapagkat aabutan ninyo sila.”
6 Gayunman, kanyang napaakyat na sila sa bubungan, at ikinubli sila sa mga tangkay ng lino na kanyang inilagay na maayos sa bubungan.
7 Hinabol sila ng mga tao sa daang patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran, at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuan.
8 Bago sila natulog ay kanyang inakyat sila sa bubungan;
9 at sinabi niya sa mga lalaki, “Nalalaman ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at ang pagkatakot sa inyo ay dumating sa amin, at ang lahat ng nanirahan sa lupain ay nanghihina sa harapan ninyo.
10 Sapagkat(B) aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Pula sa harapan ninyo, nang kayo'y lumabas sa Ehipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amoreo, na nasa kabila ng Jordan, kay Sihon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
11 Nang mabalitaan namin iyon ay nanlumo ang aming puso, ni walang tapang na naiwan sa sinumang tao dahil sa inyo, sapagkat ang Panginoon ninyong Diyos ay siyang Diyos sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.
12 Kaya't ngayon, sumumpa kayo sa akin sa Panginoon, yamang ako'y nagmagandang-loob sa inyo ay magmagandang-loob naman kayo sa sambahayan ng aking magulang. Bigyan ninyo ako ng tunay na tanda
13 na ililigtas ninyong buháy ang aking ama, ang aking ina, ang aking mga kapatid na lalaki at babae, at ang lahat nilang ari-arian, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.”
14 At sinabi ng mga lalaki sa kanya, “Ang aming buhay ay sa iyo kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay. Kapag ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang-loob at magiging tapat sa inyo.”
15 Nang magkagayo'y kanyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa bintana, sapagkat ang kanyang bahay ay nasa pader ng bayan, at siya'y nakatira sa pader.
16 Sinabi niya sa kanila, “Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng mga humahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon ng tatlong araw, hanggang sa bumalik ang mga humahabol, at pagkatapos ay makakahayo na kayo ng inyong lakad.”
17 At sinabi ng mga lalaki sa kanya, “Kami ay mapapalaya mula sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.
18 Kapag kami ay pumasok sa lupain, itatali mo itong panaling pula sa bintana na ginamit mo sa pagpapababa sa amin. Titipunin mo sa loob ng bahay ang iyong ama, ang iyong ina, ang iyong mga kapatid, at ang buong sambahayan ng iyong ama.
19 Kung may sinumang lumabas sa mga lansangan mula sa pintuan ng iyong bahay, sila ang mananagot sa sarili nilang kamatayan, at kami ay magiging walang kasalanan. Ngunit kung may magbuhat ng kamay sa sinumang kasama mo sa bahay, kami ang mananagot sa kanyang kamatayan.
20 Ngunit kung iyong ihayag itong aming pakay ay magiging malaya kami sa sumpa na iyong ipinagawa sa amin.”
21 At kanyang sinabi, “Ayon sa inyong mga salita ay siya nawang mangyari.” At kanyang pinapagpaalam sila at sila'y umalis, at itinali niya ang panaling pula sa bintana.
22 Sila'y umalis at pumaroon sa bundok, at nanatili roon ng tatlong araw, hanggang sa bumalik ang mga humahabol. Hinanap sila ng mga humahabol sa lahat ng daan, ngunit hindi sila natagpuan.
23 Pagkatapos ay bumalik ang dalawang lalaki mula sa bundok. Sila'y tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun at kanilang isinalaysay sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanila.
24 Kanilang sinabi kay Josue, “Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nanghina sa takot ang lahat ng naninirahan sa lupain sa harapan natin.”
Footnotes
- Josue 2:1 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center
