1 Tesalonica 5:11-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Kaya nga patatagin ninyo at palakasin ang loob ng bawat isa tulad ng ginagawa na ninyo.
Mga Huling Tagubilin at Pagbati
12 Hinihiling namin, mga kapatid, na igalang ninyo ang mga pinuno ninyong nagpapakahirap sa pamamahala at pangangaral sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng angkop na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa sa bawat isa. 14 Pinapakiusapan din namin kayo, mga kapatid, na paalalahanan ang mga tamad, palakasin ang mga mahihinang-loob, tulungan ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 15 Tiyakin ninyo na walang sinuman ang naghihiganti sa gumawa sa inyo ng masama; sa halip, gawin ninyo ang para sa kabutihan ng bawat isa at ng lahat. 16 Magalak kayong lagi. 17 Lagi kayong manalangin. 18 Ipagpasalamat ninyo sa Diyos ang lahat ng pangyayari, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.
Read full chapter
1 Thessalonians 5:11-18
English Standard Version
11 Therefore encourage one another and build one another up, just as you are doing.
Final Instructions and Benediction
12 We ask you, brothers, (A)to respect those who labor among you and (B)are over you in the Lord and admonish you, 13 and to esteem them very highly in love because of their work. (C)Be at peace among yourselves. 14 And we urge you, brothers, admonish (D)the idle,[a] (E)encourage the fainthearted, (F)help the weak, (G)be patient with them all. 15 See that (H)no one repays anyone evil for evil, but always (I)seek to do good to one another and to everyone. 16 (J)Rejoice always, 17 (K)pray without ceasing, 18 (L)give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you.
Read full chapterFootnotes
- 1 Thessalonians 5:14 Or disorderly, or undisciplined
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

