1 Cronica 15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Inilipat sa Jerusalem ang Kaban ng Tipan
15 Nagpagawa si David para sa kanyang sarili ng maraming bahay sa Jerusalem. Naghanda rin siya ng isang lugar para sa Kaban ng Tipan at nagpatayo ng isang tolda para rito. 2 Sinabi(A) niya, “Walang maaaring bumuhat sa Kaban ng Tipan ng Diyos maliban sa mga Levita, sapagkat sila ang pinili ni Yahweh upang magdala ng kanyang kaban at maglingkod sa kanya habang panahon.” 3 Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito. 4 Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita: 5 sa angkan ni Kohat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya; 6 sa angkan ni Merari, si Asaias at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak; 7 sa angkan ni Gershon ay si Joel at ang 130 kasama niya; 8 sa angkan ni Elizafan, si Semaias at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan; 9 sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya; 10 at sa angkan ni Uziel, si Aminadab at ang pinamumunuan niyang 112 mga kamag-anak.
11 Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar, at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel, at Aminadab. 12 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga pinuno ng angkan ng mga Levita. Linisin ninyo ang inyong sarili pati ang inyong mga kapatid at dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito. 13 Dahil hindi namin kayo kasama nang unang buhatin ito, nagalit ang Diyos nating si Yahweh sapagkat hindi namin ginawa ang ayon sa ipinag-uutos niya.”
14 Kaya nilinis ng mga pari at ng mga Levita ang kanilang sarili upang dalhin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. 15 Pinasan(B) ito ng mga Levita sa pamamagitan ng mga kahoy na pambuhat, ayon sa iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
16 Inutusan din ni David ang mga pinunong Levita na pumili ng mga kapwa nila Levita upang umawit at tumugtog ng lira, alpa at pompiyang. 17 Kaya kinuha nila si Heman na anak ni Joel, si Asaf na anak ni Berequias; sa angkan ni Merari, si Etan, anak ni Cusaias. 18 Sa pangalawang hanay ng mang-aawit at manunugtog ay pinili nila sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maasias, Matitias, Elifelehu, Micneias at sina Obed-edom at Jeiel, mga bantay sa pinto. 19 Sina Heman, Asaf at Etan ang pinili nilang tumugtog ng pompiyang. 20 Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias at Benaias ang tutugtog ng mga lirang mataas ang tono. 21 At sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias naman ang sa mga lirang mababa ang tono. 22 Ang kukumpas sa pagtugtog ay si Quenanias, pinuno ng mga manunugtog na Levita, sapagkat siya ang sanay sa gawaing ito. 23-24 Sina Berequias at Elkana kasama sina Obed-edom at Jehias ay ang mga bantay sa pinto sa kinalalagyan ng kaban. Ang iihip naman ng mga trumpeta sa harap ng Kaban ng Tipan ay ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nathanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer.
Dinala sa Jerusalem ang Kaban ng Tipan(C)
25 Pagkatapos, si David, ang pinuno ng Israel at ang mga pinuno ng libu-libong kawal ay masayang nagpunta sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. 26 Sa tulong ng Diyos, nadala ng mga Levita ang Kaban ng Tipan, kaya't sila'y naghandog ng pitong toro at pitong tupang lalaki. 27 Si David ay nakasuot ng kamisetang yari sa magandang telang lino, gayundin ang mga Levitang may dala sa Kaban, ang mga manunugtog at si Kenaniaz, ang pinuno ng mga manunugtog. Suot din ni David ang isang efod na lino. 28 Ang buong Israel ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Sila'y nagsisigawan sa galak, hinihipan ang tambuli at trumpeta, at tinutugtog ang pompiyang, lira at alpa.
29 Habang ipinapasok sa Lunsod ni David ang Kaban ng Tipan, si Mical, anak na babae ni Saul ay dumungaw sa bintana. Nang makita niyang si David ay nagsasayaw sa tuwa, siya'y labis na nainis.
1 Chronicles 15
New International Version
The Ark Brought to Jerusalem(A)
15 After David had constructed buildings for himself in the City of David, he prepared(B) a place for the ark of God and pitched(C) a tent for it. 2 Then David said, “No one but the Levites(D) may carry(E) the ark of God, because the Lord chose them to carry the ark of the Lord and to minister(F) before him forever.”
3 David assembled all Israel(G) in Jerusalem to bring up the ark of the Lord to the place he had prepared for it. 4 He called together the descendants of Aaron and the Levites:(H)
5 From the descendants of Kohath,
Uriel(I) the leader and 120 relatives;
6 from the descendants of Merari,
Asaiah the leader and 220 relatives;
7 from the descendants of Gershon,[a]
Joel the leader and 130 relatives;
8 from the descendants of Elizaphan,(J)
Shemaiah the leader and 200 relatives;
9 from the descendants of Hebron,(K)
Eliel the leader and 80 relatives;
10 from the descendants of Uzziel,
Amminadab the leader and 112 relatives.
11 Then David summoned Zadok(L) and Abiathar(M) the priests, and Uriel, Asaiah, Joel, Shemaiah, Eliel and Amminadab the Levites. 12 He said to them, “You are the heads of the Levitical families; you and your fellow Levites are to consecrate(N) yourselves and bring up the ark of the Lord, the God of Israel, to the place I have prepared for it. 13 It was because you, the Levites,(O) did not bring it up the first time that the Lord our God broke out in anger against us.(P) We did not inquire of him about how to do it in the prescribed way.(Q)” 14 So the priests and Levites consecrated themselves in order to bring up the ark of the Lord, the God of Israel. 15 And the Levites carried the ark of God with the poles on their shoulders, as Moses had commanded(R) in accordance with the word of the Lord.(S)
16 David(T) told the leaders of the Levites(U) to appoint their fellow Levites as musicians(V) to make a joyful sound with musical instruments: lyres, harps and cymbals.(W)
17 So the Levites appointed Heman(X) son of Joel; from his relatives, Asaph(Y) son of Berekiah; and from their relatives the Merarites,(Z) Ethan son of Kushaiah; 18 and with them their relatives next in rank: Zechariah,[b] Jaaziel, Shemiramoth, Jehiel, Unni, Eliab, Benaiah, Maaseiah, Mattithiah, Eliphelehu, Mikneiah, Obed-Edom(AA) and Jeiel,[c] the gatekeepers.
19 The musicians Heman,(AB) Asaph and Ethan were to sound the bronze cymbals; 20 Zechariah, Jaaziel,[d] Shemiramoth, Jehiel, Unni, Eliab, Maaseiah and Benaiah were to play the lyres according to alamoth,[e] 21 and Mattithiah, Eliphelehu, Mikneiah, Obed-Edom, Jeiel and Azaziah were to play the harps, directing according to sheminith.[f] 22 Kenaniah the head Levite was in charge of the singing; that was his responsibility because he was skillful at it.
23 Berekiah and Elkanah were to be doorkeepers for the ark. 24 Shebaniah, Joshaphat, Nethanel, Amasai, Zechariah, Benaiah and Eliezer the priests were to blow trumpets(AC) before the ark of God. Obed-Edom and Jehiah were also to be doorkeepers for the ark.
25 So David and the elders of Israel and the commanders of units of a thousand went to bring up the ark(AD) of the covenant of the Lord from the house of Obed-Edom, with rejoicing. 26 Because God had helped the Levites who were carrying the ark of the covenant of the Lord, seven bulls and seven rams(AE) were sacrificed. 27 Now David was clothed in a robe of fine linen, as were all the Levites who were carrying the ark, and as were the musicians, and Kenaniah, who was in charge of the singing of the choirs. David also wore a linen ephod.(AF) 28 So all Israel(AG) brought up the ark of the covenant of the Lord with shouts,(AH) with the sounding of rams’ horns(AI) and trumpets, and of cymbals, and the playing of lyres and harps.
29 As the ark of the covenant of the Lord was entering the City of David, Michal daughter of Saul watched from a window. And when she saw King David dancing and celebrating, she despised him in her heart.
Footnotes
- 1 Chronicles 15:7 Hebrew Gershom, a variant of Gershon
- 1 Chronicles 15:18 Three Hebrew manuscripts and most Septuagint manuscripts (see also verse 20 and 16:5); most Hebrew manuscripts Zechariah son and or Zechariah, Ben and
- 1 Chronicles 15:18 Hebrew; Septuagint (see also verse 21) Jeiel and Azaziah
- 1 Chronicles 15:20 See verse 18; Hebrew Aziel, a variant of Jaaziel.
- 1 Chronicles 15:20 Probably a musical term
- 1 Chronicles 15:21 Probably a musical term
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.