Add parallel Print Page Options

Ang Paratang ng mga Judio kay Pablo

24 Pagkaraan ng limang araw, dumating ang Kataas-taasang Paring si Ananias kasama ang ilang matatandang pinuno, at isang tagapagsalitang si Tertulio. Nagharap sila ng sakdal sa gobernador laban kay Pablo. Nang maiharap na si Pablo, nagsimula si Tertulio sa kanyang pagsasakdal laban dito. Sinabi niya,

“Kagalang-galang na Felix, dahil sa iyo'y nagtamo kami ng matagal na kapayapaan, at dumating ang mga pagbabago sa bansang ito dahil sa iyong pagtanaw sa hinaharap. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng dako ay kinikilala namin ito nang may lubos na pasasalamat. Ngunit upang kayo ay huwag nang labis na maabala, hinihiling ko sa inyo ang inyong kabutihan na pakinggan kami ng ilang sandali. Natagpuan namin na ang taong ito'y mapanligalig at nanggugulo sa lahat ng mga Judio sa buong daigdig. Isa siyang pinuno sa sekta ng mga Nazareno. Nagtangka pa siyang lapastanganin ang Templo kaya dinakip namin siya. [Nais sana namin siyang hatulan ayon sa aming Kautusan. Ngunit dumating ang kapitang si Lisias at sapilitan siyang inagaw sa aming mga kamay, at inutusan ang mga nagbintang sa kanya na humarap sa inyo.][a] Sa pagtatanong ninyo sa kanya, mula sa kanyang bibig ay kayo mismo ang makaaalam na totoo ang lahat ng aming paratang laban sa kanya.” Sinang-ayunan naman ng lahat ng mga Judiong naroon ang mga ito.

Ang Pagtatanggol ni Pablo sa Harapan ni Felix

10 Nang hudyatan ng gobernador si Pablo upang magsalita, siya'y sumagot:

“Yamang nalalaman kong kayo ay naging hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, buong tiwala kong gagawin ang aking pagtatanggol. 11 Matitiyak ninyo sa inyong pagsisiyasat na wala pang labindalawang araw nang ako'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba. 12 Minsan man ay hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo kahit kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa Templo man o sa mga sinagoga, o saanmang dako ng lungsod. 13 Hindi rin nila mapapatunayan sa inyo ang mga ibinibintang nila sa akin ngayon. 14 Ngunit ito ang inaamin ko sa inyo: Ayon sa Daan na tinatawag nilang sekta ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga propeta. 15 At tulad nila'y umaasa rin ako sa Diyos na muli niyang bubuhayin ang lahat, maging matuwid at di-matuwid. 16 Dahil dito'y lagi akong nagsisikap magkaroon ng malinis na budhi sa harap ng Diyos at sa lahat ng tao. 17 Pagkaraan ng ilang taon, (A) bumalik ako upang magdala ng tulong sa aking mga kababayan at mag-alay ng mga handog sa Diyos. 18 Natapos ko nang gawin ang seremonya ng paglilinis nang ako'y kanilang matagpuan sa templo, na walang kasamang maraming tao at wala ring kaguluhan. 19 Ngunit ilang Judiong galing sa Asia ang naroroon. At kung mayroon man silang sasabihin laban sa akin, dapat silang naririto sa inyong harapan at magsakdal. 20 O kaya'y hayaan ninyong ang mga taong naririto ang magsabi kung may natagpuan silang masama na ginawa nang ako'y humarap sa Sanhedrin. 21 Ang tanging maisasakdal nila laban sa akin (B) ay ang bagay na ito na aking isinigaw habang nakatayo sa gitna nila, ‘Nililitis ako ngayon tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay.’ ” 22 Palibhasa'y may sapat na kaalaman si Felix tungkol sa Daan, ipinagpaliban muna niya ang pagdinig, at sinabi, “Magpapasya ako pagdating ng kapitang si Lisias.” 23 Pagkatapos ay iniutos niya sa senturyon na bantayan si Pablo, ngunit huwag higpitan kundi hayaang dalawin ng kanyang mga kaibigan.

Si Pablo sa Harap nina Felix at Drusila

24 Pagkaraan ng ilang araw, dumating si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Judio. Ipinatawag niya si Pablo at pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. 25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katarungan, pagpipigil sa sarili, at sa darating na paghuhukom, nangilabot si Felix at sumagot, “Makaaalis ka na. Ipatatawag kitang muli kapag nagkaroon ako ng panahon.” 26 Madalas niyang ipinatatawag at kinakausap si Pablo sa pag-asang susuhulan siya nito. 27 Sa pagnanais na bigyang kasiyahan ang mga Judio, pinabayaan ni Felix si Pablo sa bilangguan. Lumipas ang dalawang taon at si Felix ay pinalitan ni Porcio Festo.

Footnotes

  1. Mga Gawa 24:7 Sa ibang mas naunang manuskrito, wala ang bahaging ito.

保羅在腓利斯面前受審

24 五天後,大祭司亞拿尼亞帶著幾個長老和一位叫帖土羅的律師下到凱撒利亞,向總督控告保羅。 保羅被傳來後,帖土羅指控他說:「腓利斯大人深謀遠慮,在大人的領導下,國中有許多改革,我們常享太平。 我們對大人的恩德感激不盡。 我不敢耽誤大人太久,只求大人容我們簡單敘述。 我們發現這個人惹事生非,到處煽動猶太人鬧事。他是拿撒勒教派的一個頭目, 企圖玷污聖殿,被我們抓住了。我們想按照猶太律法處置他, 不料呂西亞千夫長卻硬把他從我們手中搶走, 並命令告他的人到大人這裡來。[a]大人親自審問他,就會知道我們告他的事了。」 在場的猶太人也隨聲附和,表示這些事屬實。

保羅的申辯

10 總督點頭示意保羅可以發言,於是保羅說:「我知道大人在猶太執法多年,我很樂意在你面前為自己辯護。 11 大人明鑒,從我上耶路撒冷禮拜至今不過十二天。 12 這些人根本沒有見過我在聖殿、會堂或城裡與人爭辯,聚眾鬧事。 13 他們對我的指控毫無根據。 14 但有一點我必須承認,就是我依循他們稱之為異端的道事奉我們祖先的上帝,我也相信律法書和先知書的一切記載, 15 並且我與他們在上帝面前有同樣的盼望,就是義人和不義的人都要復活。 16 因此,我一直盡力在上帝和人面前都做到問心無愧。

17 「我離開耶路撒冷已有多年,這次回來是帶著捐款要賙濟同胞,並獻上祭物。 18 他們看見我的時候,我已行過潔淨禮,正在聖殿裡獻祭,沒有聚眾,也沒有作亂。 19 當時只有幾個從亞細亞來的猶太人在那裡,如果他們有事要告我,應該到你這裡告我; 20 不然,請這些出庭的人指出他們在公會審問我時發現了什麼罪。 21 如果有,也無非是當時我站在他們當中喊了一句,『我今天在你們面前受審與死人復活有關。』」

22 腓利斯原本對這道頗有認識,於是下令休庭,說:「等呂西亞千夫長抵達後,我再斷你們的案子。」 23 他派百夫長看守保羅,給他一定的自由,也允許親友來供應他的需要。

24 幾天後,腓利斯和他的妻子猶太人土西拉一同來了,召見保羅,聽他講信基督耶穌的事。 25 當保羅講到公義、節制和將來的審判時,腓利斯十分恐懼,說:「你先下去吧,改天有機會,我再叫你來。」 26 腓利斯希望保羅賄賂他,所以經常召他來談話。 27 過了兩年,波求·非斯都接任總督,腓利斯為了討好猶太人,仍然把保羅留在監裡。

Footnotes

  1. 24·8 有古卷無「我們想按照猶太律法處置他,不料呂西亞千夫長卻硬把他從我們手中搶走,並命令告他的人到大人這裡來。」