Add parallel Print Page Options
'Isaias 16 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

16 摩押人从西拉穿过旷野,来到锡安城的山,

把羊羔献给那里的掌权者。
在亚嫩河渡口,
摩押人[a]如同被赶离巢穴的飞鸟。
他们对犹大人说:“给我们出个主意,伸张正义吧!
请让你们的影子在正午如黑夜,
遮盖逃难的人,
不要出卖逃亡者。
让我们这些逃难的摩押人留在你们那里,
好躲避毁灭者。”
欺压和毁灭之事终必停止,
入侵者终必从地上消失。
那时,必有一个宝座在爱中坚立,
大卫家的人必坐在上面以信实治国,
秉公审判,速行公义。

我们听说摩押人心骄气傲、狂妄自大,
然而他们所夸耀的都是虚假的。
他们必为摩押哀哭,
人人都必哀哭,
为不再有吉珥·哈列设的美味葡萄饼而哀叹、悲伤。

因为希实本的农田荒废,
西比玛的葡萄树枯萎。
各国的君王都来践踏这些上好的葡萄树。
它们的枝子曾经伸展到雅谢和旷野,
嫩枝一直蔓延到死海。
因此,我像雅谢人一样为西比玛的葡萄树哀哭。
希实本和以利亚利啊,
我用眼泪来浇灌你们,
因为再无人为你们的果品和庄稼而欢呼了。
10 肥美的田园里听不到快乐的声音,
葡萄园里也无人歌唱欢呼,
榨酒池里无人榨酒。
我已经使欢呼声止息。
11 我的内心为摩押,
为吉珥·哈列设哀鸣,
好像凄凉的琴声。
12 摩押人上丘坛祭拜,
却落得筋疲力尽;
在庙宇里祷告,
却毫无用处。

13 以上是耶和华所说有关摩押的预言。 14 现在,耶和华说:“正如一个雇工的工作年限是三年,摩押的荣耀也必在三年之内消失,那里的人民必遭藐视,残存的人必寥寥无几、软弱无力。”

Footnotes

  1. 16:2 摩押人”希伯来文是“摩押的女子”。

16 Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.

Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.

Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.

Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.

At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.

Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.

Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.

Sapagka't ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.

Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.

10 At ang kasayahan ay naalis, at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.

11 Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.

12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.

13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan.

14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.