Add parallel Print Page Options

Narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit. Pumunta siya sa libingan at iginulong ang bato papalayo sa bukana ng libingan at umupo sa ibabaw nito. Ang anyo niya ay parang kidlat. Ang damit niya ay kasimputi ng niyebe. Dahil sa takot sa anghel, ang mga bantay ay nanginig at naging parang mga patay.

Sumagot ang anghel sa mga babae, na sinasabi: Huwag kayong matakot sapagkat alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.

Read full chapter

At biglang lumindol nang malakas, sapagkat may isang anghel ng Panginoon na bumaba mula sa langit. Pumunta iyon sa libingan, iginulong ang bato, at umupo sa ibabaw nito. Parang kidlat ang kanyang anyo at parang busilak sa kaputian ang kanyang pananamit. At dahil sa takot sa anghel, nanginig at hinimatay ang mga bantay. Subalit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot. Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.

Read full chapter