Add parallel Print Page Options

24 Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. 25 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang mga hari ng mga Gentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. 26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. 27 Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. 28 Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. 29 Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo.

Read full chapter

Ang Pagtatalu-talo tungkol sa Kadakilaan

24 Nagkaroon ng pagtatalo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. 25 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Ang pinuno ng mga Hentil ay naghahangad na sila'y paglingkuran bilang mga panginoon ng kanilang mga nasasakupan; at ang mga nasa kapangyarihan ay itinuturing nilang mga tagatangkilik. 26 Ngunit hindi ganoon sa inyo; sa halip, ang pinakadakila sa inyo ang kailangang maging parang pinakabata, at ang namumuno ay maging tagapaglingkod. 27 Sapagkat sino ba ang higit na dakila? Ang nakaupo sa hapag o ang naglilingkod? Hindi ba ang nakaupo sa hapag? Ngunit ako ay kasama ninyo bilang tagapaglingkod. 28 Kayo ang nanatiling kasama ko sa aking mga pagsubok. 29 At inilalaan ko sa inyo ang isang kaharian, kung paano rin inilaan ng Ama ang isang kaharian para sa akin,

Read full chapter