Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

44 Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. 45 Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.

Read full chapter

44 At pagkatapos, sumigaw si Jesus, “Ang sinumang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 45 At ang nakakikita sa akin ay nakakakita sa kanya na nagsugo sa akin.

Read full chapter

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain.

Read full chapter

Sinabi ni Jesus sa kanya, “Matagal na tayong magkasama Felipe, at hindi mo pa rin ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Bakit mo sinasabing, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ba kayo naniniwalang ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi galing sa akin; ang Amang nananahan sa akin ang gumagawa ng kanyang mga gawain.

Read full chapter

32 Narito, dumarating na ang oras at dumating na ngayon, na kayo ay maghihiwa-hiwalay at iiwanan ninyo akong mag-isa. Gayunman ako ay hindi nag-iisa sapagkat ang Ama ay kasama ko.

Read full chapter

32 Dumarating na ang oras, at ngayon na nga, na kayo’y magkakawatak-watak at magkakanya-kanya, at iiwan ninyo akong nag-iisa. Subalit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama.

Read full chapter

30 Ako at ang Ama ay iisa.

Read full chapter

30 Ako at ang Ama ay iisa.”

Read full chapter

38 Kung ginagawa ko, kahit hindi kayo sumam­palataya sa akin, sampalatayanan ninyo ang mga gawa. Ito ay upang malaman ninyo at sumampalataya na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa kaniya.

Read full chapter

38 Subalit kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi ninyo ako pinaniniwalaan, paniwalaan ninyo ang mga gawa, upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa Ama.”

Read full chapter

23 Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. 24 Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.

25 Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba?

Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa.

26 Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.

27 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. 28 Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalit kung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29 Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya. 30 Habang sinabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya.

Read full chapter

23 Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mula sa ibaba, ako ay mula sa itaas; kayo ay tagasanlibutang ito, ako ay hindi tagarito. 24 Sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan; sapagkat mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan malibang maniwala kayo na Ako’y Ako Nga.” 25 Sinabi nila sa kanya, “Sino ka?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit ba ako nakipag-usap pa sa inyo. 26 Marami pa akong sasabihin at huhusgahan tungkol sa inyo; subalit ang nagsugo sa akin ay totoo, at sinasabi ko sa sanlibutan kung ano ang narinig ko mula sa kanya.” 27 Hindi nila naintindihan na ang tinutukoy niya ay ang Ama. 28 Kaya sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko, kundi, sinasabi ko ang mga bagay na ito na ayon sa itinuro sa akin ng Ama. 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi niya ako iniwang mag-isa, sapagkat lagi kong ginagawa ang bagay na nakalulugod sa kanya.” 30 Maraming nanampalataya sa kanya habang sinasabi niya ang mga bagay na ito.

Read full chapter