Tito 1:15-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di-sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan. 16 Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit ito'y pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi nababagay sa gawang mabuti.
Read full chapter
Tito 1:15-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Malinis ang lahat ng bagay sa taong malinis, ngunit sa marurumi at di sumasampalataya, walang bagay na malinis dahil marumi ang kanilang budhi at isipan. 16 Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit ikinakaila naman ng kanilang gawain ang Diyos. Sila'y kasuklam-suklam sa Diyos, mga suwail, at hindi nararapat para sa anumang mabuting gawa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.