Tito 1:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
1 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
3 Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas;
Read full chapter
Tito 1:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula kay Pablo, alipin ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo. Sinugo ako upang patibayin ang pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos at kanilang malaman ang katotohanang aakay sa kabanalan, 2 upang sila'y magkaroon ng pag-asa sa buhay na walang hanggan, na bago pa nagsimula ang mga panahon ay ipinangako na ng Diyos, ang Diyos na hindi nagsisinungaling. 3 At sa takdang panahon ay ipinahayag niya ang kanyang salita sa pamamagitan ng pangangaral na ipinagkatiwala sa akin ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.