Font Size
Roma 1:30-32
Magandang Balita Biblia
Roma 1:30-32
Magandang Balita Biblia
30 mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos,[a] walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. 31 Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. 32 Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.
Read full chapterFootnotes
- Roma 1:30 nasusuklam sa Diyos: o kaya'y kinasusuklaman ng Diyos .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.