Deuteronomio 1
Magandang Balita Biblia
Sinariwa ni Moises ang Pangako ni Yahweh
1 Ito ang tagubilin ni Moises sa buong Israel nang sila'y nasa ilang sa ibayo ng Jordan, sa Araba. Ito ay nasa tapat ng Suf, sa pagitan ng bayan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di-zahab. 2 (Labing-isang araw ang paglalakbay mula sa Sinai[a] hanggang sa Kades-barnea kung sa kaburulan ng Seir dadaan.) 3 Nang unang araw ng ikalabing-isang buwan ng ikaapatnapung taon mula nang sila'y umalis sa Egipto, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang mga utos na ibinigay sa kanya ni Yahweh. 4 Nalupig(A) na niya noon ang mga haring Amoreo na sina Sihon ng Hesbon, at Og ng Bashan na nakatira sa Astarot at Edrei. 5 Ipinaliwanag ni Moises ang kautusang ito nang sila'y nasa lupain ng Moab sa silangan ng Jordan.
Ang sabi niya, 6 “Nang tayo'y nasa Sinai,[b] ganito ang sinabi sa atin ni Yahweh na ating Diyos, ‘Matagal-tagal na rin kayong nakatigil sa bundok na ito. 7 Magpatuloy na kayo ng paglalakbay papunta sa kaburulang tinitirhan ng mga Amoreo at sa mga karatig na lugar sa Araba, sa kaburulan, kapatagan, sa katimugang disyerto at sa baybay-dagat, samakatuwid ang buong lupain ng Canaan at Lebanon hanggang sa Ilog Eufrates. 8 Sakupin ninyo ang lupaing ito na inihanda ko para sa inyo. Iyan ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’”
Ang Pagpili sa mga Hukom(B)
9 Patuloy pa ni Moises, “Sinabi ko sa inyo noon na hindi ko na kayo kayang pamahalaang mag-isa. 10 Pinarami kayo ni Yahweh na ating Diyos, at ngayon ay sindami na tayo ng bituin sa langit. 11 Nawa'y pagpalain niya kayo, at tulad ng kanyang pangako, paramihin nawa niya kayo ng sanlibo pang ulit. 12 Ngunit paano ko pa magagampanan ang aking tungkulin sa inyo at maigagawad ang angkop na hatol para sa inyong mga usapin? 13 Kaya, pinapili ko kayo ng mga taong matalino, maunawain at may sapat na karanasan upang italaga kong tagapamahala ninyo, 14 at sumang-ayon naman kayo sa akin. 15 Kaya't pumili kayo noon ng mga lalaking kilala sa inyong mga lipi, mga lalaking may talino at sapat na karanasan. Sila'y inilagay kong tagapamahala ng bawat angkan. Ang ilan sa kanila ay naging tagapamahala sa libu-libo, sa daan-daan, sa lima-limampu, at sa sampu-sampu.
16 “Ipinagbilin ko sa kanila noon na pag-aralang mabuti ang usaping idudulog sa kanila, at igawad ang kaukulang hatol nang walang kinikilingan, maging sa katutubong Israelita o sa dayuhan man. 17 Dapat maging pantay-pantay ang kanilang paghatol sa mga tao; ibibigay nila ang katarungan sa bawat tao, maging sinuman siya. Huwag silang matatakot kaninuman sapagkat ang ihahatol nila ay mula sa Diyos. Kung inaakala nilang mabigat ang usapin, dalhin nila ito sa akin at ako ang hahatol. 18 Sinabi ko rin sa inyo noon ang lahat ng dapat ninyong gawin.
Isinugo ang mga Espiya(C)
19 “Bilang pagsunod sa utos ni Yahweh, nagpatuloy tayo ng paglalakbay mula sa Sinai.[c] Pinasok natin ang napakalawak at nakakatakot na ilang bago tayo nakarating sa kaburulan ng mga Amoreo. At narating nga natin ang Kades-barnea. 20 Sinabi ko sa inyo noon, ‘Narito na tayo sa kaburulan ng mga Amoreo, sa lupaing ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos. 21 Ang lupaing ito'y inihanda na niya sa atin. Huwag na kayong mag-atubili ni matakot man. Sakupin na ninyo agad iyon tulad ng ipinagbilin sa atin ng Diyos ng ating mga ninuno.’ 22 Ngunit hiniling ninyo na magpadala muna tayo ng mga espiya upang pag-aralan kung paano natin papasukin ang lugar na iyon. 23 Sa tingin ko'y mabuti ang sinabi ninyo, kaya pumili ako ng labindalawang kalalakihan, isa sa bawat lipi. 24 Pumunta sila sa kaburulang iyon hanggang sa libis ng Escol at doo'y nagsiyasat. 25 Nang sila'y magbalik, may dala silang mga prutas mula roon, at sinabi nilang maganda ang lupaing ibinibigay sa atin ni Yahweh.
26 “Ngunit(D) hindi kayo nagpunta; sa halip ay sinuway ninyo ang utos ni Yahweh. 27 Lihim kayong nag-usap-usap sa inyong mga tolda. Ang sabi ninyo, ‘Marahil ay galit sa atin si Yahweh kaya niya tayo inilabas sa Egipto at dinala rito upang ipapatay sa mga Amoreo. 28 Paano tayo makakarating sa lupaing iyon. Nakakatakot palang pumunta roon. Mas malalaki pala kaysa sa atin ang mga tao roon, malalaki ang lunsod, at ang pader ay abot sa langit; may mga higante pa roon!’
29 “Ang sabi ko naman sa inyo, ‘Huwag kayong matakot sa kanila 30 sapagkat si Yahweh ang mangunguna sa inyo at ipaglalaban niya kayong tulad ng nakita ninyong ginawa niya sa Egipto at sa ilang. 31 Dinala(E) niya kayong ligtas hanggang sa lugar na ito tulad ng pagkalong ng isang ama sa kanyang anak.’ 32 Sa(F) kabila ng sinabi ko'y hindi pa rin kayo nagtiwala sa kanya 33 gayong siya ang nanguna sa inyo. Pinatnubayan niya kayo sa pamamagitan ng haliging apoy kung gabi, at haliging ulap kung araw, at itinuro sa inyo ang inyong daraanan at ang inyong pagkakampuhan.
Pinarusahan ni Yahweh ang Israel(G)
34 “Narinig(H) ni Yahweh ang usapan ninyo, at siya'y nagalit. Dahil dito, isinumpa niya: 35 ‘Isa man sa inyo ay hindi makakarating sa lupaing aking ipinangako sa inyong mga ninuno, 36 maliban kay Caleb na anak ni Jefune. Siya lamang ang makakapasok doon. Ibibigay ko sa kanya at sa kanyang magiging angkan ang lupaing maaabot niya sapagkat lubusan siyang sumunod sa akin.’ 37 Nagalit din sa akin si Yahweh dahil sa inyo. Sinabi niya, ‘Kahit ikaw, Moises, ay hindi makakapasok sa lupaing iyon. 38 Ang kanang kamay mong si Josue ang papasok doon. Palakasin mo ang kanyang loob sapagkat siya ang mangunguna sa Israel sa pagsakop nila sa lupaing iyon.’
39 “Sinabi rin niya, ‘Makakarating doon ang mga maliliit ninyong anak na hindi pa nakakaalam ng mabuti at masama—ang inyong mga anak na sinasabi ninyong mabibihag ng mga kaaway. Ibibigay ko sa kanila ang lupain at sasakupin nila ito. 40 Ngunit kayo'y babalik sa ilang papuntang Dagat na Pula.’[d]
Ang Pagkatalo ng Israel sa Horma(I)
41 “Sinabi naman ninyo sa akin noon, ‘Nagkasala kami kay Yahweh. Pupunta na kami roon at makikipaglaban tulad ng iniutos niya sa amin.’ At kayong lahat ay dali-daling nagsakbat ng sandata sapagkat akala ninyo'y madali lamang ang paglusob sa kaburulan ng mga Amoreo.
42 “Ipinapigil kayo sa akin ni Yahweh sapagkat hindi niya kayo papatnubayan, at malulupig lamang kayo ng inyong sasalakayin. 43 Ngunit hindi kayo nakinig sa akin. Sinuway ninyo ang utos ni Yahweh at nagpatuloy kayo sa inyong paglusob. 44 Kaya naman parang mga bubuyog na dinagsa kayo ng mga Amoreo; ginapi nila kayo at tinugis hanggang Horma. 45 Dumaing kayo kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo pinakinggan o pinansin man lamang.
Ang mga Taon sa Ilang
46 “Kaya, napilitan kayong tumigil nang matagal sa Kades.
Footnotes
- Deuteronomio 1:2 Sinai: o kaya'y Horeb .
- Deuteronomio 1:6 Sinai: o kaya'y Horeb .
- Deuteronomio 1:19 Sinai: o kaya'y Horeb .
- Deuteronomio 1:40 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
Deuteronomy 1
New International Version
The Command to Leave Horeb
1 These are the words Moses spoke to all Israel in the wilderness east of the Jordan(A)—that is, in the Arabah(B)—opposite Suph, between Paran(C) and Tophel, Laban, Hazeroth and Dizahab. 2 (It takes eleven days to go from Horeb(D) to Kadesh Barnea(E) by the Mount Seir(F) road.)(G)
3 In the fortieth year,(H) on the first day of the eleventh month,(I) Moses proclaimed(J) to the Israelites all that the Lord had commanded him concerning them. 4 This was after he had defeated Sihon(K) king of the Amorites,(L) who reigned in Heshbon,(M) and at Edrei had defeated Og(N) king of Bashan, who reigned in Ashtaroth.(O)
5 East of the Jordan in the territory of Moab,(P) Moses began to expound this law, saying:
6 The Lord our God said to us(Q) at Horeb,(R) “You have stayed long enough(S) at this mountain. 7 Break camp and advance into the hill country of the Amorites;(T) go to all the neighboring peoples in the Arabah,(U) in the mountains, in the western foothills, in the Negev(V) and along the coast, to the land of the Canaanites(W) and to Lebanon,(X) as far as the great river, the Euphrates.(Y) 8 See, I have given you this land(Z).(AA) Go in and take possession of the land the Lord swore(AB) he would give to your fathers—to Abraham, Isaac and Jacob—and to their descendants after them.”
The Appointment of Leaders
9 At that time I said to you, “You are too heavy a burden(AC) for me to carry alone.(AD) 10 The Lord your God has increased(AE) your numbers(AF) so that today you are as numerous(AG) as the stars in the sky.(AH) 11 May the Lord, the God of your ancestors, increase(AI) you a thousand times and bless you as he has promised!(AJ) 12 But how can I bear your problems and your burdens and your disputes all by myself?(AK) 13 Choose some wise, understanding and respected men(AL) from each of your tribes, and I will set them over you.”
14 You answered me, “What you propose to do is good.”
15 So I took(AM) the leading men of your tribes,(AN) wise and respected men,(AO) and appointed them to have authority over you—as commanders(AP) of thousands, of hundreds, of fifties and of tens and as tribal officials.(AQ) 16 And I charged your judges at that time, “Hear the disputes between your people and judge(AR) fairly,(AS) whether the case is between two Israelites or between an Israelite and a foreigner residing among you.(AT) 17 Do not show partiality(AU) in judging; hear both small and great alike. Do not be afraid of anyone,(AV) for judgment belongs to God. Bring me any case too hard for you, and I will hear it.”(AW) 18 And at that time I told you everything you were to do.(AX)
Spies Sent Out
19 Then, as the Lord our God commanded us, we set out from Horeb and went toward the hill country of the Amorites(AY) through all that vast and dreadful wilderness(AZ) that you have seen, and so we reached Kadesh Barnea.(BA) 20 Then I said to you, “You have reached the hill country of the Amorites, which the Lord our God is giving us. 21 See, the Lord your God has given you the land. Go up and take possession(BB) of it as the Lord, the God of your ancestors, told you. Do not be afraid;(BC) do not be discouraged.”(BD)
22 Then all of you came to me and said, “Let us send men ahead to spy(BE) out the land(BF) for us and bring back a report about the route we are to take and the towns we will come to.”
23 The idea seemed good to me; so I selected(BG) twelve of you, one man from each tribe. 24 They left and went up into the hill country, and came to the Valley of Eshkol(BH) and explored it. 25 Taking with them some of the fruit of the land, they brought it down to us and reported,(BI) “It is a good land(BJ) that the Lord our God is giving us.”(BK)
Rebellion Against the Lord
26 But you were unwilling to go up;(BL) you rebelled(BM) against the command of the Lord your God. 27 You grumbled(BN) in your tents and said, “The Lord hates us; so he brought us out of Egypt to deliver us into the hands of the Amorites to destroy us. 28 Where can we go? Our brothers have made our hearts melt in fear. They say, ‘The people are stronger and taller(BO) than we are; the cities are large, with walls up to the sky. We even saw the Anakites(BP) there.’”
29 Then I said to you, “Do not be terrified; do not be afraid(BQ) of them.(BR) 30 The Lord your God, who is going before you, will fight(BS) for you, as he did for you in Egypt, before your very eyes, 31 and in the wilderness. There you saw how the Lord your God carried(BT) you, as a father carries his son, all the way you went until you reached this place.”(BU)
32 In spite of this,(BV) you did not trust(BW) in the Lord your God, 33 who went ahead of you on your journey, in fire by night and in a cloud by day,(BX) to search(BY) out places for you to camp and to show you the way you should go.
34 When the Lord heard(BZ) what you said, he was angry(CA) and solemnly swore:(CB) 35 “No one from this evil generation shall see the good land(CC) I swore to give your ancestors, 36 except Caleb(CD) son of Jephunneh. He will see it, and I will give him and his descendants the land he set his feet on, because he followed the Lord wholeheartedly.(CE)”
37 Because of you the Lord became angry(CF) with me also and said, “You shall not enter(CG) it, either. 38 But your assistant, Joshua(CH) son of Nun, will enter it. Encourage(CI) him, because he will lead(CJ) Israel to inherit(CK) it. 39 And the little ones that you said would be taken captive,(CL) your children who do not yet know(CM) good from bad—they will enter the land. I will give it to them and they will take possession of it. 40 But as for you, turn around and set out toward the desert along the route to the Red Sea.[a](CN)”
41 Then you replied, “We have sinned against the Lord. We will go up and fight, as the Lord our God commanded us.” So every one of you put on his weapons, thinking it easy to go up into the hill country.
42 But the Lord said to me, “Tell them, ‘Do not go up and fight, because I will not be with you. You will be defeated by your enemies.’”(CO)
43 So I told you, but you would not listen. You rebelled against the Lord’s command and in your arrogance you marched up into the hill country. 44 The Amorites who lived in those hills came out against you; they chased you like a swarm of bees(CP) and beat you down from Seir(CQ) all the way to Hormah.(CR) 45 You came back and wept before the Lord,(CS) but he paid no attention(CT) to your weeping and turned a deaf ear(CU) to you. 46 And so you stayed in Kadesh(CV) many days—all the time you spent there.
Footnotes
- Deuteronomy 1:40 Or the Sea of Reeds
5 Mosebog 1
Dette er Biblen på dansk
1 Dette er de Ord, Moses talte til hele Israel hinsides Jordan i Ørkenen, i Arabalavningen, lige over for Suf, mellem Paran og Tofel, Laban, Hazerot og Di Zahab, 2 elleve Dagsrejser fra Horeb, regnede over Seirs Bjerge til Kadesj Barnea. 3 I det fyrretyvende År på den første Dag i den elevte Måned kundgjorde Moses Israelitterne alt, hvad Herren havde pålagt ham angående dem, 4 efter at han havde slået Amoriterkongen Sihon, der boede i Hesjbon, og Kong Og af Basan, der boede i Asjtarot og Edrei. 5 Hinsides Jordan i Moabs Land tog Moses sig for at fremsætte følgende Lovudlægning:
6 Herren vor Gud talede til os ved Horeb og sagde: "I har nu længe nok opholdt eder ved Bjerget her; 7 bryd derfor op og drag til Amoriternes Bjerge og til alle deres Naboer i Arabalavningen, på Bjergene, i Lavlandet, i Sydlandet og ved Kysten, til Kana'anæernes Land og Libanon, lige til den store Flod, Eufratfloden. 8 Se, jeg giver Landet i eders Magt; drag derind og tag det Land i Besiddelse, som jeg tilsvor eders Fædre, Abraham, Isak og Jakob, at ville give dem og deres Afkom efter dem."
9 Dengang talte jeg til eder og sagde: "Jeg kan ikke ene bære eder. 10 Herren eders Gud har gjort eder talrige, og se, I er nu så mange som Stjernerne på Himmelen; 11 måtte kun Herren, eders Fædres Gud, gøre eder tusinde Gange så talrige endnu og velsigne eder, som han har forjættet eder; 12 men hvorledes skal jeg ene kunne bære hele Besværet og Arbejdet med eder og eders Stridigheder? 13 Sørg derfor for at finde nogle kloge, forstandige.og erfarne Mænd i hver Stamme, som jeg kan sætte i Spidsen for eder!" 14 Dertil svarede I og sagde: "Det Forslag, du har fremsat, er godt!" 15 Derfor tog jeg Overhovederne for eders Stammer, kloge og erfarne Mænd, og satte dem i Spidsen for eder som Øverste over tusinde, hundrede, halvtredsindstyve eller ti og som Tilsynsmænd over eders Stammer. 16 Dengang gav jeg så eders Dommere det Påbud: "Hold Forhør, når der er Stridigheder mellem eders Landsmænd, og døm retfærdigt, når en Mand har en Sag, enten det er med en Landsmand eller med en, der bor som fremmed hos ham; 17 vis ingen Personsanseelse for Retten; hør på den ringeste som på den største og frygt ikke for nogen; thi Dommen er Guds! Men Sager, som er eder for vanskelige, skal I forebringe mig, så skal jeg holde Forhør i dem!" 18 Og dengang gav jeg eder så Pålæg om alt, hvad I skulde gøre.
19 Derpå brød vi op fra Horeb og drog gennem hele denne store, grufulde Ørken, som I selv har set, i Retning af Amoriternes Bjerge, således som Herren vor Gud havde pålagt os. Og vi kom til Kadesj Barnea. 20 Da sagde jeg til eder: "I er nu kommet til Amoriternes Bjerge, som Herren vor Gud vil give os. 21 Se, Herren din Gud har givet Landet i din Magt, drag derfor op og tag det i Besiddelse, således som Herren, dine Fædres Gud, har sagt til dig. Frygt ikke, men vær uforsagt!" 22 Da kom I alle hen til mig og sagde: "Lad os sende nogle Mænd i forvejen til at udspejde Landet for os og bringe os Underretning om den Vej, vi skal drage op ad, og om de Byer, vi kommer til!" 23 Jeg billigede det og udtog tolv Mænd iblandt eder, en af hver Stamme. 24 De begav sig på Vej og drog op i Bjergene og kom til Esjkoldalen og udspejdede den; 25 og de tog nogle af Landets Frugter med og bragte dem ned til os, og de meldte os tilbage: "Det er et herligt Land, Herren vor Gud vil give os!"
26 Men I vilde ikke drage op, I var genstridige mod Herren eders Guds Befaling. 27 I knurrede i eders Telte og sagde: "Af Had til os førte Herren os ud af Ægypten for at give os i Amoriternes Hånd og lade os gå til Grunde! 28 Hvor er det dog, vi skal hen? Vore Brødre tog Modet fra os, da de sagde: Det er et Folk, der er større og højere end vi, og der er store Byer med himmelhøje Fæstningsværker, ja, vi så endog Efterkommere af Anakiterne der!" 29 Men jeg sagde til eder: "Lad eder ikke skræmme og frygt ikke for dem! 30 Herren eders Gud, der vandrer foran eder, vil selv stride for eder, som I så, han gjorde det for eder i Ægypten 31 og i Ørkenen, hvor du så, at Herren din Gud bar dig, som en Mand bærer sin Søn, hele den Vej I har vandret, lige til I nåede hertil!" 32 Men alligevel troede I ikke på Herren eders Gud, 33 skønt han vandrede foran eder på Vejen for at udsøge Lejrpladser til eder, om Natten i Ilden, for at I kunde se, hvor I skulde gå, og om dagen i Skyen.
34 Men da Herren hørte eders Ord, blev han vred og svor: 35 "Ikke en eneste af disse Mænd, af denne onde Slægt, skal få det herlige Land at se, som jeg svor at ville give eders Fædre, 36 undtagen Kaleb, Jefunnes Søn; han alene skal få det at se, og ham og hans Børn vil jeg give det Land, han har betrådt, fordi han har vist Herren fuld Lydighed!" 37 Også på mig blev Herren vred for eders Skyld, og han sagde: "Heller ikke du skal komme derind! 38 Josua, Nuns Søn, der står i din Tjeneste, han skal komme derind; sæt Mod i ham, thi han skal skaffe Israel det i Eje." 39 Og dets små Børn, som I sagde skulde blive til Bytte, eders Børn, som i Dag ikke kender Forskel på godt og ondt, de skal komme derind, dem vil jeg give det, og de skal tage det i Besiddelse. 40 I selv derimod skal vende om og begive eder på Vej til Ørkenen i Retning af det røde Hav!"
41 Da svarede I og sagde til mig: "Vi har syndet imod Herren! Vi vil drage op og kæmpe, som Herren vor Gud har befalet os!" Og alle iførte I eder eders Våben og vilde i Letsindighed drage op i Bjergene. 42 Men Herren sagde til mig: Sig til dem: Drag ikke op og indlad eder ikke i Kamp, thi jeg er ikke iblandt eder; gør I det, bliver I slået af eders Fjender!" 43 Men da jeg sagde det til eder, adlød I ikke, men var genstridige mod Herrens Bud og formastede eder til at drage op i Bjergene. 44 Da drog Amoriterne, der bor i Bjergene der, ud imod eder, og de forfulgte eder som Bier og slog eder fra Seir til Horma. 45 Da I så kom tilbage, græd I for Herrens Åsyn; men Herren vilde ikke høre eder og låne eder Øre. 46 Så blev I hele den lange Tid i Kadesj.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

