Oseas 1
Ang Biblia (1978)
Ang asawa ni Oseas at ang mga anak sa ligaw.
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, (A)nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (B)Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.
2 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't (C)ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
3 Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at (D)aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, (E)at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
5 At mangyayari (F)sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
6 At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama;[a] (G)sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
7 Nguni't (H)ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at (I)hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.
8 Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.
9 At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi;[b] sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.
Ang muling pagkatatag ng Israel at Juda.
10 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay (J)magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; (K)at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga (L)anak ng buháy na (M)Dios.
11 (N)At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng (O)Jezreel.
Hosea 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.
2 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
3 Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
5 At mangyayari sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
6 At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
7 Nguni't ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.
8 Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.
9 At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi; sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.
10 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga anak ng buhay na Dios.
11 At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel.
Oseas 1
Reina Valera Contemporánea
Oseas, su esposa infiel y sus hijos
1 La palabra del Señor vino a Oseas hijo de Berí en los días de Uzías,(A) Yotán,(B) Ajaz(C) y Ezequías,(D) que fueron reyes de Judá, y también en los días de Jeroboán(E) hijo de Joás, rey de Israel.
2 La palabra del Señor vino a Oseas por primera vez, y le dijo:
«Ve y toma por mujer a una prostituta, y ten con ella hijos de una prostituta, porque la tierra se ha prostituido. Se ha apartado del Señor.»
3 Oseas fue y tomó por mujer a Gomer hija de Diblayin, la cual concibió y le dio a luz un hijo. 4 Entonces el Señor le dijo:
«Ponle por nombre Jezrel, porque dentro de poco tiempo voy a castigar a la casa de Jehú, por causa de los asesinatos cometidos en Jezrel.(F) Voy a ponerle fin al reinado de la casa de Israel. 5 Cuando llegue el día, haré pedazos el arco de Israel en el valle de Jezrel.»
6 Gomer volvió a concebir, y dio a luz una hija. Entonces Dios le dijo a Oseas:
«Ponle por nombre Lorrujama,[a] porque no volveré a compadecerme de la casa de Israel, sino que los eliminaré por completo. 7 Sin embargo, tendré misericordia de la casa de Judá, y los salvaré; pero no lo haré por medio de arcos ni espadas, ni por medio de combates con caballos y jinetes, sino por medio del Señor su Dios.»
8 Después de que Gomer destetó a Lorrujama, ésta concibió y dio a luz un hijo. 9 Entonces Dios dijo:
«Ponle por nombre Loamí,[b] porque ustedes no son mi pueblo, ni yo soy el Dios de ustedes. 10 Con todo, los hijos de Israel serán tan numerosos como la arena del mar, que no es posible medirla ni contarla. Y allí donde se les dijo: “Ustedes no son mi pueblo”, se les dirá: “Ustedes son hijos del Dios de la vida”.(G) 11 Y se reunirán los hijos de Judá y los hijos de Israel, y nombrarán un solo jefe, y volverán a levantarse en la tierra; porque el día de Jezrel será grande.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Disciples' Literal New Testament: Serving Modern Disciples by More Fully Reflecting the Writing Style of the Ancient Disciples, Copyright © 2011 Michael J. Magill. All Rights Reserved. Published by Reyma Publishing
Copyright © 2009, 2011 by Sociedades Bíblicas Unidas

