Add parallel Print Page Options

Ipinahayag ng mga Israelita ang Kanilang mga Kasalanan

Nang ika-24 na araw ng buwan ding iyon, nagtipon ang mga Israelita para mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.[a] Hindi nila isinama sa pag-aayuno ang mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno. Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Dios. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Dios. Ang ibang mga Levita ay nakatayo sa hagdanan, at malakas na nananalangin sa Panginoon na kanilang Dios. Sila ay sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Shebania, Buni, Sherebia, Bani, at Kenani. At ang mga Levita na tumawag sa mga tao para sumamba ay sina: Jeshua, Kadmiel, Bani, Hashabneya, Sherebia, Hodia, Shebania, at Petahia. Sabi nila, “Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Dios na walang hanggan!”[b]

Pagkatapos, sinabi nila,O Panginoon, kapuri-puri po ang inyong pagiging makapangyarihan! Hindi ito mapapantayan ng aming pagpupuri. Ikaw lang po ang Panginoon. Ginawa nʼyo ang kalangitan, ang lupa, ang dagat, at ang lahat ng mga naroroon. Binigyan nʼyo po ng buhay ang lahat ng inyong nilikha, at sinasamba kayo ng mga anghel sa langit.

“Kayo ang Panginoong Dios na pumili kay Abram at naglabas sa kanya sa Ur, na sakop ng mga Caldeo. At pinangalanan nʼyo siyang Abraham. Nakita nʼyong tapat siya sa inyo, at gumawa kayo ng kasunduan sa kanya na ibibigay nʼyo sa mga lahi niya ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at ng mga Gergaseo. At tinupad po ninyo ang pangako nʼyo, dahil matuwid kayo.

“Nakita nʼyo po ang pagtitiis ng aming mga ninuno sa Egipto. Narinig nʼyo ang paghingi nila ng tulong sa inyo noong naroon sila sa Dagat na Pula. 10 Gumawa kayo ng mga himala at kamangha-manghang bagay laban sa Faraon, at sa lahat ng mga opisyal niya at tauhan, dahil nalalaman nʼyo kung paano nila inapi ang aming mga ninuno. At ang inyong pangalan ay tanyag hanggang ngayon. 11 Sa harap ng inyong mga mamamayan ay hinati ninyo ang dagat at sa gitna nitoʼy dumaan sila sa tuyong lupa. Ngunit nilunod nʼyo ang mga kalaban nilang humahabol sa kanila. Para silang bato na lumubog sa nagngangalit na dagat. 12 Sa araw, ginagabayan nʼyo ang inyong mga mamamayan sa pamamagitan ng ulap na parang haligi, at sa gabiʼy sa pamamagitan ng apoy na parang haligi, para bigyan sila ng liwanag sa kanilang nilalakaran.

13 “Bumaba kayo sa Bundok ng Sinai mula sa langit at nakipag-usap kayo sa kanila. Binigyan nʼyo sila ng mga tamang katuruan, mabubuting utos at ng mga tuntunin. 14 Itinuro nʼyo sa kanila ang tungkol sa dapat nilang gawin sa Araw ng Pamamahinga. At inutusan nʼyo sila sa pamamagitan ng inyong lingkod na si Moises, na tuparin ang mga utos nʼyo, mga tuntunin, at mga katuruan. 15 Nang magutom sila, binigyan nʼyo sila ng pagkain mula sa langit, at nang mauhaw ay pinainom nʼyo ng tubig mula sa bato. Sinabihan nʼyo silang pasukin at angkinin ang lupaing pangako na ibinigay ninyo sa kanila. 16 Ngunit sila na aming mga ninuno ay naging mapagmataas, matigas ang ulo, at masuwayin sa inyong mga utos. 17 Ayaw nilang makinig sa mga sinasabi nʼyo, at kinalimutan lang ang mga himalang ginawa ninyo sa kanila. Naging matigas ang kanilang ulo, at sumalungat sila sa inyong pamamaraan sa pamamagitan ng pagpili ng pinuno na magdadala sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto. Ngunit kayo ay mapagpatawad na Dios, mahabagin, maalalahanin, hindi madaling magalit, at mapagmahal. Kaya hindi nʼyo po sila pinabayaan, 18 kahit gumawa sila ng imaheng baka, at nagsabi, ‘Ito ang dios nating nagpalaya at nagpalabas sa atin sa Egipto.’ Lubos ang paglapastangan nila sa inyo! 19 Ngunit dahil sa dakilang habag ninyo sa kanila, hindi nʼyo po sila pinabayaan sa ilang. Hindi nʼyo kinuha ang makapal na ulap na gumagabay sa kanila kapag araw, at ang naglalagablab na apoy na nagbibigay liwanag sa nilalakaran nila kapag gabi. 20 Ibinigay nʼyo po ang mabuting Espiritu ninyo sa pagtuturo sa kanila. Patuloy nʼyo silang pinakain ng ‘manna,’ at binigyan ng tubig kapag nauuhaw sila. 21 Ibinibigay nʼyo po sa kanila ang mga pangangailangan nila sa loob ng 40 taon sa ilang, kaya hindi sila nagkulang ng anuman. Hindi naluma ang mga damit nila at hindi rin namaga ang mga paa nila sa paglalakad.

22 “Pinagtagumpay nʼyo sila laban sa mga kaharian, mga bansa, at ang mga lupain sa paligid nila. Sinakop nila ang lupain ng Heshbon na pinamamahalaan ni Haring Sihon, at ang lupain ng Bashan na pinamamahalaan ni Haring Og. 23 Pinarami nʼyo ang kanilang mga lahi, katulad ng mga bituin sa langit. Dinala nʼyo sila sa lupaing ipinangako nʼyo sa kanilang mga ninuno para pasukin at angkinin. 24 Talagang pinasok nila ito at inangkin. Pinagtagumpay nʼyo po sila laban sa mga Cananeo na nakatira sa lupaing iyon. Ipinaubaya nʼyo sa kanila ang mga Cananeo pati ang mga hari nila para magawa ng inyong mga mamamayan ang gusto nilang gawin sa mga ito. 25 Sinakop po ng mga mamamayan ninyo ang mga napapaderang lungsod at ang matatabang lupain. Inangkin din po nila ang mga bahay na punong-puno ng magagandang bagay, mga balon, mga ubasan, mga taniman ng olibo at napakarami pang ibang punongkahoy na namumunga. Kumain sila hanggang sa mabusog sila at naging malusog ang kanilang katawan. Nagalak sila sa napakabuting ginawa ninyo sa kanila.

26 “Pero sa kabila ng lahat, sumuway at lumabag po sila sa inyo. Tinalikuran nila ang inyong Kautusan, pinatay nila ang inyong mga propeta na nanghikayat sa kanilang magbalik sa inyo. Labis ang paglapastangan nila sa inyo! 27 Kaya ipinaubaya nʼyo po sila sa kanilang mga kalaban na nagpahirap sa kanila. Pero nang nahihirapan na sila, humingi sila ng tulong sa inyo at pinakinggan nʼyo pa rin sila riyan sa langit. At sa laki ng inyong habag, binigyan nʼyo sila ng mga pinuno na magliligtas sa kanila sa kamay ng kanilang kalaban.

28 “Pero kapag mabuti na ang kalagayan nila, gumagawa na naman sila ng masama sa inyong harapan. At ipapaubaya nʼyo sila sa kamay ng mga kalaban nila para pamunuan sila. At kapag nanalangin na naman sila para humingi ng tulong nʼyo, pinapakinggan nʼyo sila riyan sa langit. At sa inyong habag, palagi nʼyo silang inililigtas. 29 Pinaalalahanan nʼyo po sila na tumupad muli sa inyong Kautusan, pero naging mapagmataas sila at hindi nila tinupad ang inyong mga utos. Nagkasala sila laban sa inyong mga utos na nagbibigay ng totoong buhay sa tumutupad nito. Sa katigasan ng kanilang mga ulo tumalikod sila sa inyo, at ayaw nilang makinig sa inyo. 30 Sa napakaraming taon, tiniis ninyo sila at pinaalalahanan ng Espiritu ninyo sa pamamagitan ng mga propeta. Pero hindi nila ito pinansin, kaya ipinaubaya nʼyo sila sa mga mamamayang nasa paligid nila. 31 Ngunit dahil sa laki ng inyong habag, hindi nʼyo sila pinabayaan o lubos na ipinahamak, dahil mahabagin at maalalahanin kayo, O Dios.

32 “Kayo na aming Dios ay makapangyarihan at tunay na kamangha-mangha. Tinutupad po ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ang inyong pag-ibig. Ngayon, huwag po ninyong balewalain ang aming mga pagtitiis. Nagtiis kaming lahat na inyong mamamayan, pati ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, at mga ninuno, mula pa ng panahong pinahirapan kami ng mga hari ng Asiria hanggang ngayon. 33 Matuwid ang ginawa nʼyong paghatol sa amin. Matapat kayo sa amin, pero kami ay mga makasalanan. 34 Ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, at mga ninuno ay hindi tumupad sa inyong Kautusan. Hindi pinansin ang inyong mga utos at mga babala. 35 Kahit mayroon silang sariling kaharian, at nakakaranas ng labis ninyong kabutihan, at kahit binigyan nʼyo sila ng malawak at matabang lupain, hindi pa rin sila naglingkod sa inyo at hindi tumalikod sa masama nilang pag-uugali. 36 Ito po ang dahilan kaya kamiʼy mga alipin ngayon sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno, kung saan makakakain sila ng mga ani nito at ng iba pang mabubuting produkto nito. 37 Ang masaganang ani ng mga lupain ay napupunta sa mga hari na pinaghari nʼyo sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Ginagawa nila ang gusto nilang gawin sa amin at sa mga alaga naming hayop, at sobra-sobra ang aming pagtitiis.”

Gumawa ng Kasunduan ang mga Tao

38 “Dahil dito, kami pong mga Judio ay gumawa ng isang matibay na kasunduan. Isinulat ito at pinirmahan ng aming mga pinuno, mga pari, at mga Levita.”

Footnotes

  1. 9:1 Nagdamit … ulo: Upang ipakita ang kanilang pagsisisi.
  2. 9:5 na walang hanggan: o, na nabubuhay mula noon magpakailanman.

Ang panalangin ng mga Levita sa pagkilala sa mga nagdaang kahabagan ng Panginoon.

Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng (A)buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may (B)pananamit na magaspang, (C)at may lupa sa ulo nila.

(D)At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.

At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at (E)bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.

Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si (F)Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.

Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.

(G)Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga (H)langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay (I)Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.

At nasumpungan mo ang kaniyang puso na (J)tapat sa harap mo, at (K)nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng (L)Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at (M)tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.

At iyong nakita ang (N)kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:

10 At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at (O)ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.

11 (P)At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.

12 Bukod dito'y iyong (Q)pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.

13 Ikaw rin naman ay (R)bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:

14 At (S)ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:

15 (T)At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at (U)nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na (V)magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.

16 Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.

17 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man (W)inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong (X)kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, (Y)banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.

18 Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila (Z)ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;

19 Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.

20 Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting (AA)Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.

21 Oo, (AB)apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga (AC)suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.

22 Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga (AD)bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng (AE)Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng (AF)hari sa Hesbon, at ang lupain ni (AG)Og na hari, sa Basan.

23 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga (AH)bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.

24 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.

25 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang (AI)lupain, at nangagari ng mga (AJ)bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.

Ang panalangin ng mga Levita sa pagtatapat ng kanilang pang-bansang kasalanan.

26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, (AK)at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang (AL)iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.

27 (AM)Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.

28 Nguni't pagkatapos ng kanilang (AN)kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.

29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (AO)(na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.

30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: (AP)kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.

31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay (AQ)hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya (AR)at maawaing Dios.

32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, (AS)na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang (AT)hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, (AU)mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.

33 (AV)Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:

34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.

35 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.

36 Narito, (AW)kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.

37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.

38 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na (AX)nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng (AY)aming mga saserdote.

以色列人认罪祷告

这月二十四日,以色列人聚集禁食。他们身披麻衣,头撒尘土。 以色列人与其他外族人隔离,站着承认自己的罪恶和祖先的过犯。 他们站在自己的地方,宣读他们上帝耶和华的律法书,长达三个小时[a]。他们又用了三个小时认罪,敬拜他们的上帝耶和华。 利未人耶书亚、巴尼、甲篾、示巴尼、布尼、示利比、巴尼和基拿尼站在台上,大声呼求他们的上帝耶和华。 利未人耶书亚、甲篾、巴尼、哈沙尼、示利比、荷第雅、示巴尼和毗他希雅说:“起来称颂你们的上帝耶和华,直到永永远远。耶和华啊,你荣耀的圣名当受称颂!愿你的名被尊崇,超过一切称颂和赞美!

“你,唯有你是耶和华!你造了天、天上的天和天上的万象、地和地上的一切、海和海中的一切,你赐给他们生命。众天军都敬拜你。 你是耶和华上帝,你拣选了亚伯兰,带他离开迦勒底的吾珥,又给他改名为亚伯拉罕。 你知道他对你忠心,就与他立约,把迦南人、赫人、亚摩利人、比利洗人、耶布斯人及革迦撒人的土地赐给他的后代。你实现了你的应许,因为你是公义的。

“你看见我们祖先在埃及所受的苦,又听见他们在红海边的呼求, 10 就行神迹奇事对付法老及其所有的臣仆和国民,因为你知道他们对以色列人行事狂傲。你使自己威名远扬直到今日。 11 你在我们祖先面前把海水分开,使他们在海中走干地过去;你把追赶他们的人扔进深海,好像把石头扔进大水中。 12 白天,你用云柱带领他们;夜间,你用火柱照亮他们当走的路。 13 你降临在西奈山,从天上与他们说话,赐给他们公正的典章、信实的律法、美好的律例和诫命。 14 你使他们知道你的神圣安息日,借你仆人摩西赐给他们诫命、律例和法度。 15 他们饿了,你赐下天粮给他们吃;他们渴了,你使磐石流出水给他们喝。你吩咐他们去占领你起誓赐给他们的土地。 16 但我们的祖先行事狂傲,顽固不化,不肯听从你的诫命。 17 他们拒绝听从,忘记了你为他们所行的奇事,顽固不化,自立首领要回埃及做奴隶。但你是乐意饶恕,有恩典,有怜悯,不轻易发怒,充满慈爱的上帝,你没有离弃他们。 18 纵使他们为自己铸造了一头牛犊,声称那是把他们带出埃及的上帝,大大亵渎了你, 19 你还是对他们大施怜悯,没有在旷野离弃他们。白天,云柱没有离开他们,仍然引导他们前行;夜间,火柱仍然照亮他们当走的路。 20 你差遣你良善的灵去教导他们,没有停止赐他们吗哪吃,也没有停止赐他们水喝。 21 在旷野的四十年间,你供养他们,使他们一无所缺,他们的衣服没有穿破,脚也没有走肿。

22 “你将列国和万民赐给他们,为他们划分疆界,他们占领了希实本王西宏和巴珊王噩的土地。 23 你使他们的子孙多如天上的星星,你带领他们进入你应许他们祖先的土地。 24 他们的子孙进去占领了那地方,你在他们面前制服了那里的迦南人,把迦南诸王和那地方的人交在他们手里,任由他们处置。 25 他们夺取坚固的城池、肥沃的土地、装满美物的房屋、挖好的水井、葡萄园、橄榄园以及各样的果树。他们吃得饱足,身体发胖,享受你的厚恩。

26 “然而,他们不顺从你,背叛你,把你的律法抛在背后,又杀掉劝诫他们归向你的众先知,大大亵渎了你。 27 于是你把他们交在欺压他们的仇敌手中。他们在患难中向你呼求,你就从天上垂听,怀着丰盛的怜悯赐给他们拯救者,把他们从仇敌手中拯救出来。 28 可是,他们得享平安后,又在你面前作恶,于是你离弃他们,把他们交在敌人手中,使敌人统治他们。他们回转向你呼求,你就从天上垂听,你一次次地怀着怜悯拯救他们。 29 你警告他们,要使他们遵守你的律法,但他们行事狂傲,不听从你的诫命,干犯你的典章。人若遵行这典章就必存活,但他们背弃你,顽固不化,不肯听从。 30 你多年来容忍他们,差遣你的灵借着你的众先知警告他们,但他们依然不肯听从,于是你把他们交在列邦手中。 31 然而,你大施怜悯,没有完全毁灭他们,也没有离弃他们,因为你是有恩典和怜悯的上帝。

32 “因此,我们的上帝啊,你是伟大、全能、可畏、守约、施慈爱的上帝,求你不要轻看我们的王、首领、祭司、先知、祖先和你的子民从亚述诸王时代直到今天所受的苦难。 33 在这临到我们的一切事上,你都是公义的,因为你行事信实,我们行事邪恶。 34 我们的王、首领、祭司和祖先没有遵行你的律法,也没有留心听从你的诫命和你给他们的警告。 35 他们即使在本国,在你赐给他们广阔肥沃的土地上得享你的厚恩,也不事奉你,不离开恶道。 36 今天,我们沦为奴隶,在你赐给我们祖先的土地上,在你让我们祖先享用其出产和各样美物的土地上,我们沦为奴隶。 37 因为我们的罪过,这地方的丰富出产都归给了那些你派来统管我们的王。他们随意统管我们和我们的牲畜。我们生活在极大的苦难中。

38 “鉴于这一切,我们郑重立约,记载下来。我们的首领、利未人和祭司都在上面盖了印。”

Footnotes

  1. 9:3 三个小时”希伯来文是“一天的四分之一”。
'Nehemias 9 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.