Add parallel Print Page Options

Naglagay ng mga Opisyal sa Jerusalem

Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga guwardya ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita. Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hanania na kumander ng mga guwardya sa buong palasyo. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Dios higit sa karamihan. Sinabi ko sa kanila, “Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat,[a] kahit may mga guwardya pa na nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga guwardya mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader.”

Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik mula sa Pagkabihag.(A)

Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay. Kaya ipinaisip ng aking Dios sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan para maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:

Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon, umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azaria, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilshan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.

Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:

8-25 Mga angkan nina:

Paros2,172
Shefatia372
Ara652
Pahat Moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab)2,818
Elam1,254
Zatu845
Zacai760
Binui648
Bebai628
Azgad2,322
Adonikam667
Bigvai2,067
Adin655
Ater (na tinatawag din na Hezekia)[b]98
Hashum328
Bezai324
Harif[c]112
Gibeon[d]95

26-38 Ito ang bilang ng mga tao na bumalik mula sa pagkabihag, na ang mga ninuno ay nakatira sa mga sumusunod na bayan:

Betlehem at Netofa188
Anatot128
Bet Azmavet42
Kiriat Jearim, Kefira, at Beerot743
Rama at Geba621
Micmash122
Betel at Ai123
Nebo52
Elam1,254
Harim320
Jerico345
Lod, Hadid, at Ono721
Senaa3,930

39-42 Ito ang mga angkan ng mga pari na bumalik mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina:

Jedaya (mula sa pamilya ni Jeshua)973
Imer1,052
Pashur1,247
Harim1,017

43-45 Ito ang mga lahi ng mga Levita na bumalik din mula sa pagkabihag:

Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavia)74
Mga mang-aawit sa templo na mga angkan ni Asaf148
Mga guwardya ng pintuan ng templo na mga angkan nina Shalum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Shobai138

46-56 Ito ang mga angkan ng mga utusan sa templo na bumalik din mula sa pagkabihag: Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Sia, Padon, Lebana, Hagaba, Shalmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Meunim, Nefusim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsha, Barkos, Sisera, Tema, Nezia, at Hatifa.

57-59 Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon: Ang mga angkan nina Sotai, Soferet, Perida, Jaala, Darkon, Gidel, Shefatia, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Ammon.

60 Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay392.

61 Mayroon ding bumalik sa Jerusalem mula sa mga bayan ng Tel Mela, Tel Harsha, Kerub, Adon, at Imer. Pero hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:

62 Sila ang mga angkan nina Delaya, Tobia, at Nekoda642

63 Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobaya, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 64 Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari. 65 Sinabihan sila ng gobernador ng Juda na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkain na inihandog sa Dios hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.[e]

66-69 Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360, hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7, 337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245. May dala silang 736 na kabayo, 245 mola,[f] 435 kamelyo, at 6,720 asno.

70 Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok na gagamitin sa templo, at 530 pirasong damit para sa mga pari. 71 Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak. 72 Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.

73 Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, ang mga mang-aawit, at ang mga utusan sa templo.

Binasa ni Ezra ang Kautusan

Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,

Footnotes

  1. 7:3 tanghaling-tapat: oras ito ng pamamahinga, kaya maaaring ang mga kalaban ay bigla na lang sumalakay.
  2. 7:8-25 na tinatawag din na Hezekia: o, na mga angkan ni Hezekia.
  3. 7:8-25 Harif: o, Jora.
  4. 7:8-25 Gibeon: o, Gibar.
  5. 7:65 “Urim” at “Thummim”: dalawang bagay na ginagamit para malaman ang kalooban ng Panginoon.
  6. 7:66-69 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.

Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.

Na aking ibinigay kay Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.

At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.

Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.

At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:

Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:

Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

10 Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa.

11 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo.

12 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

13 Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima.

14 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.

15 Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.

16 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo.

17 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.

18 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.

19 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.

20 Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.

21 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.

22 Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo.

23 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.

24 Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa.

25 Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima.

26 Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo.

27 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.

28 Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa.

29 Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.

30 Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.

31 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.

32 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo.

33 Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa.

34 Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.

35 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

36 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

37 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa.

38 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu.

39 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.

40 Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa.

41 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.

42 Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito.

43 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat.

44 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo.

45 Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo.

46 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth;

47 Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon:

48 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;

49 Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;

50 Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda;

51 Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea;

52 Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;

53 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur;

54 Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;

55 Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;

56 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.

57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida;

58 Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;

59 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon.

60 Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

61 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel:

62 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, anim na raan at apat na pu't dalawa.

63 At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.

64 Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.

65 At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim.

66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.

67 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.

68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;

69 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

70 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.

71 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.

72 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.

73 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.

'Nehemias 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.