Nehemias 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Muling Itinayo ang Pader ng Jerusalem
3 Itinayo ni Eliashib na punong pari at ng mga kasamahan niyang pari ang pintuan na tinatawag na Tupa. Matapos nilang ikabit ang pintuan, itinalaga nila ito sa Dios. Itinayo rin nila at itinalaga ang mga pader hanggang sa Tore ng Isang Daan[a] at sa Tore ni Hananel. 2 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri.
3 Itinayo ng mga anak ni Hasena ang pintuan na tinatawag na Isda.[b] Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.
4 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Meremot na anak ni Uria at apo ni Hakoz. Ang kasunod na bahagi namaʼy itinayo ni Meshulam na anak ni Berekia at apo ni Meshezabel. Sumunod naman ay si Zadok na anak ni Baana. 5 At ang sumunod sa kanya ay mga taga-Tekoa. Ngunit ang mga pinuno nila ay hindi sumunod sa ipinapagawa ng mga namumuno sa kanila sa gawain.
6 Ang nagtayo ng Lumang Pintuan[c] ay si Joyada na anak ni Pasea at si Meshulam na anak ni Besodeya. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.
7 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay sina Melatia na taga-Gibeon, Jadon na taga-Meronot at ang mga lalaking taga-Gibeon at taga-Mizpa. Ang mga lugar na ito ay sakop ng gobernador ng probinsya sa kanlurang Eufrates. 8 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Uziel na platero, na anak ni Harhaya. Ang sumunod naman sa kanya ay si Hanania na manggagawa ng pabango. Itinayo nila ang bahaging ito ng pader ng Jerusalem hanggang sa Malawak na Pader. 9 Ang sumunod na nagtayo sa kanila ay ang anak ni Hur na si Refaya, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. 10 Ang sumunod sa kanya ay si Jedaya na anak ni Harumaf. Itinayo niya ang bahagi ng pader malapit sa kanyang bahay. Ang sumunod sa kanya ay si Hatush na anak ni Hashabneya.
11 Ang nagtayo ng sumunod pang bahagi ng pader at ng tore na may mga hurno ay sina Malkia na anak ni Harim, at Hashub na anak ni Pahat Moab. 12 Ang sumunod na nagtayo ay ang anak ni Halohes na si Shalum, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. Tinulungan siya ng mga anak niyang babae.
13 Ang nagtayo ng pintuang nakaharap sa lambak ay si Hanun at ang mga taga-Zanoa. Ikinabit nila ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka. Ipinatayo rin nila ang 450 metro na pader sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.
14 Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malkia, na pinuno ng distrito ng Bet Hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.
15 Ang nagtayo ng Pintuan ng Bukal ay ang anak ni Col Hoze na si Shalum, na pinuno ng distrito ng Mizpa. Binubungan niya ito, ikinabit ang mga pinto at ginawan ng mga trangka. Itinayo rin niya ang pader ng paliguan sa Siloam, malapit sa hardin ng hari, hanggang sa hagdanang pababa mula sa Lungsod ni David. 16 Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Azbuk na si Nehemias, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet Zur. Itinayo niya ang pader na nakaharap sa libingan[d] ni David hanggang sa pinag-iimbakan ng tubig at sa kampo ng mga sundalo.
17 Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga Levita na pinamumunuan ni Rehum na anak ni Bani. Ang sumunod sa kanya ay si Hashabia na pinuno ng kalahating distrito ng Keila. 18 Ang sumunod sa kanya ay ang mga kababayan niya na pinamumunuan ng anak ni Henadad na si Binui,[e] na pinuno ng kalahating distrito ng Keila. 19 Ang sumunod ay ang anak ni Jeshua na si Ezer na pinuno ng Mizpa. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bodega ng mga sandata hanggang sa sulok ng pader. 20 Ang sumunod naman ay si Baruc na anak ni Zabai. Buong sipag niyang itinayo ang bahagi ng pader mula sa sulok nito hanggang sa bandang pintuan ng bahay ni Eliashib na punong pari. 21 Ang sumunod sa kanya ay si Meremot na anak ni Uria at apo ni Hakoz. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa bandang pintuan ng bahay ni Eliashib hanggang sa dulo ng bahay nito.
22 Ang sumunod na nagtayo ng bahagi ng pader ay ang mga pari sa paligid ng Jerusalem. 23 Ang sumunod sa kanila ay sina Benjamin at Hashub. Itinayo nila ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay nila. Ang sumunod sa kanila ay si Azaria na anak ni Maaseya at apo ni Anania. Itinayo niya ang bahagi ng pader sa bandang gilid ng bahay niya. 24 Ang sumunod ay si Binui na anak ni Henadad. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa bahay ni Azaria hanggang sa sulok ng pader. Isa pang bahagi ng pader na ito ang kanyang ipinatayo. 25 Ang sumunod naman ay si Palal na anak ni Uzai. Itinayo niya ang bahagi ng pader mula sa sulok ng pader at ng nakausling tore sa palasyo, malapit sa pinagpupwestuhan ng mga guwardya. Ang sumunod sa kanya ay si Pedaya na anak ni Paros, 26 at ang mga utusan sa templo na nakatira sa may bulubundukin ng Ofel. Itinayo nila ang bahagi ng pader pasilangan, hanggang sa Pintuan ng Tubig at sa nakausling tore. 27 Ang sumunod sa kanila ay ang mga taga-Tekoa. Itinayo nila ang bahagi ng pader mula sa malalaking toreng nakausli hanggang sa pader ng Ofel. Pangalawang bahagi na ito ng pader na kanilang itinayo.
28 Ang nagtayo ng bahagi ng pader na paahon mula sa Pintuan ng mga Kabayo ay ang mga pari. Itinayo ng bawat isa sa kanila ang bahagi na nakaharap sa bahay nila. 29 Ang sumunod sa kanila ay si Zadok na anak ni Imer. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay niya. Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Shecania na si Shemaya, na guwardya ng Pintuan sa Silangan. 30 Ang sumunod sa kanya ay si Hanania na anak ni Shelemia at si Hanun na ikaanim na anak ni Salaf. Pangalawang bahagi na ito ng pader na kanilang itinayo. Ang sumunod sa kanila ay si Meshulam na anak ni Berekia. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay niya. 31 Ang sumunod naman ay si Malkia na isang platero. Itinayo niya ang bahagi ng pader hanggang sa tinitirhan ng mga utusan sa templo at ng mga mangangalakal, na nakaharap sa Pintuan ng Pinagtitipunan, at hanggang sa kwarto sa sulok na nasa itaas ng pader. 32 Ang nagtayo ng bahagi ng pader mula sa kwartong iyon hanggang sa pintuan na tinatawag na Tupa ay ang mga platero at mga mangangalakal.
Footnotes
- 3:1 Tore ng Isang Daan: Maaaring ang “isang daan” ay ang taas o lalim ng baitang ng hagdan nito.
- 3:3 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito pinararaan ang mga isda na dinadala sa lungsod.
- 3:6 Lumang Pintuan: o, Pintuan ni Jeshana.
- 3:16 libingan: Ganito ang nasa tekstong Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, mga libingan.
- 3:18 Binui: Ito ang nasa dalawang kopya ng tekstong Hebreo, sa Septuagint at Syriac. Karamihan sa kopyang Hebreo, Bavai.
Nehemiah 3
Contemporary English Version
Rebuilding the Wall of Jerusalem
3 These are the people who helped rebuild the wall and gates of Jerusalem:
The high priest Eliashib and the other priests rebuilt Sheep Gate and hung its doors. Then they dedicated Sheep Gate and the section of the wall as far as Hundred Tower and Hananel Tower.
2 The people of Jericho rebuilt the next section of the wall, and Zaccur son of Imri rebuilt the section after that.
3 The family of Hassenaah built Fish Gate. They put the beams in place and hung the doors, then they added metal bolts and wooden beams as locks.
4 Meremoth, son of Uriah and grandson of Hakkoz, completed the next section of the wall.
Meshullam, son of Berechiah and grandson of Meshezabel, rebuilt the next section, and Zadok son of Baana rebuilt the section beside that.
5 The next section was to be repaired by the men of Tekoa, but their town leaders refused to do the hard work they were assigned.[a]
6 Joiada son of Paseah and Meshullam son of Besodeiah restored Ancient Gate. They put the beams in place, hung the doors, and added metal bolts and wooden beams as locks. 7 Melatiah from Gibeon, Jadon from Meronoth, and the men from Gibeon and Mizpah rebuilt the next section of the wall. This section reached as far as the house of the governor of West Euphrates Province.[b]
8 Uzziel son of Harhaiah the goldsmith rebuilt the next section.
Hananiah the perfume maker rebuilt the section next after that, and it went as far as Broad Wall.
9 Rephaiah son of Hur ruled half of the Jerusalem District, and he rebuilt the next section of the wall.
10 The section after that was close to the home of Jedaiah son of Harumaph, and he rebuilt it.
Hattush son of Hashabneiah constructed the next section of the wall.
11 Malchijah son of Harim and Hasshub son of Pahath Moab rebuilt the section after that, and they also built Oven Tower.
12 Shallum son of Hallohesh ruled the other half of the Jerusalem District, and he rebuilt the next section of the wall. Shallum's daughters also worked with him.
13 Hanun and the people who lived in the town of Zanoah rebuilt Valley Gate. They hung the doors and added metal bolts and wooden beams as locks. They also rebuilt the wall for 440 meters, all the way to Garbage Gate.
14 Malchijah son of Rechab ruled the district of Beth-Haccherem, and he rebuilt Garbage Gate. He hung the doors and added metal bolts and wooden beams as locks.
15 Shallum[c] son of Colhozeh ruled the district of Mizpah, and he rebuilt Fountain Gate. He put a cover over the gateway, then hung the doors and added metal bolts and wooden beams as locks. He also rebuilt the wall at Shelah Pool. This section was next to the king's garden and went as far as the stairs leading down from David's City.
16 Nehemiah son of Azbuk ruled half of the district of Beth-Zur, and he rebuilt the next section of the wall. It went as far as the royal cemetery,[d] the artificial pool, and the army barracks.
Levites Who Worked on the Wall
17 The Levites who worked on the next sections of the wall were Rehum son of Bani; Hashabiah, who ruled half of the district of Keilah and did this work for his district; 18 Binnui[e] son of Henadad, who ruled the other half of the district of Keilah; 19 Ezer son of Jeshua, who ruled Mizpah, rebuilt the section of the wall that was in front of the armory and reached to the corner of the wall; 20 Baruch son of Zabbai eagerly rebuilt the section of the wall that went all the way to the door of the house of Eliashib the high priest; 21 Meremoth, son of Uriah and grandson of Hakkoz, built up to the far end of Eliashib's house.
Priests Who Worked on the Wall
22 Here is a list of the priests who worked on the wall:
Priests from the region around Jerusalem rebuilt the next section of the wall.
23 Benjamin and Hasshub rebuilt the wall in front of their own houses.
Azariah, who was the son of Maaseiah and the grandson of Ananiah, rebuilt the section in front of his house.
24 Binnui son of Henadad rebuilt the section of the wall from Azariah's house to the corner of the wall.
25 Palal son of Uzai rebuilt the next section, which began at the corner of the wall and the tower of the upper palace near the court of the guard.
Pedaiah son of Parosh rebuilt the next section of the wall. 26 He stopped at a place near the Water Gate on the east and the tower guarding the temple. This was close to a section in the city called Ophel, where the temple workers lived.[f]
Other Builders Who Worked on the Wall
27 The men from Tekoa rebuilt the next section of the wall, and it was their second section.[g] It started at a place across from the large tower that guarded the Temple, and it went all the way to the wall near Ophel.
28 Some priests rebuilt the next section of the wall. They began working north of Horse Gate, and each one worked on a section in front of his own house.
29 Zadok son of Immer rebuilt the wall in front of his house.
Shemaiah son of Shecaniah, who looked after the East Gate, rebuilt the section after that.
30 Hananiah and Hanun[h] rebuilt the next section, which was the second section[i] for them.
Meshullam son of Berechiah rebuilt the next section, which happened to be in front of his house.
31 Malchijah, a goldsmith, rebuilt the next section, as far as the house used by the temple workers and merchants. This area was across from Gathering Gate, near the room on top of the wall at the northeast corner.
32 The goldsmiths and merchants rebuilt the last section of the wall, which went from the corner room all the way to Sheep Gate.
Footnotes
- 3.5 refused … assigned: One possible meaning for the difficult Hebrew text.
- 3.7 as far as … Province: One possible meaning for the difficult Hebrew text.
- 3.15 Shallum: A few Hebrew manuscripts and one ancient translation; most Hebrew manuscripts “Shallun”; one ancient translation “Solomon.”
- 3.16 royal cemetery: Hebrew “David's tombs.”
- 3.18 Binnui: Two ancient translations; Hebrew “Bavvai.”
- 3.26 This … lived: One possible meaning for the difficult Hebrew text.
- 3.27 second section: See verse 5.
- 3.30 Hananiah and Hanun: Hebrew “Hananiah son of Shelemiah and Hanun, Zalaph's sixth son.”
- 3.30 second section: See verses 8,13.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 1995 by American Bible Society For more information about CEV, visit www.bibles.com and www.cev.bible.

