Mga Hebreo 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Bawat Kataas-taasang Pari ay pinili mula sa mga tao at itinalaga upang mangasiwa sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos para sa kanilang kapakanan—ang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay para sa mga kasalanan. 2 May kakayanan siyang makitungo na may kaamuan sa mga mangmang at naliligaw, dahil siya mismo ay mayroon ding kahinaan. 3 Dahil (A) dito ay kailangan niyang maghandog para sa kanyang sariling mga kasalanan, kung paanong kailangan din niyang maghandog para sa kasalanan ng taong-bayan. 4 Hindi (B) maaaring kunin ng sinuman sa kanyang sariling kagustuhan ang karangalan ng pagiging Kataas-taasang Pari malibang siya ay tinawag ng Diyos tulad ni Aaron.
5 Gayundin (C) si Cristo; hindi niya pinarangalan ang kanyang sarili upang maging Kataas-taasang Pari. Sa halip, siya ay itinalaga ng Diyos na nagsabi sa kanya,
“Ikaw ang Anak ko,
Ako, sa araw na ito, ang nagsilang sa iyo.”
6 Sinabi (D) rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan,
“Ikaw ay pari magpakailanman,
ayon sa pagkapari ni Melquizedek.”
7 Noong (E) nabubuhay pa si Jesus dito sa lupa,[a] kalakip ang malakas na pagtangis at pagluha ay naghandog siya ng mga panalangin at mga pakiusap sa Diyos na may kapangyarihang magligtas sa kanya mula sa kamatayan, at siya'y pinakinggan dahil sa kanyang banal na pagpapasakop. 8 Kahit na siya'y Anak, natutunan niya ang pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang tiniis. 9 Nang siya ay naging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya; 10 yamang siya'y itinalaga ng Diyos bilang Kataas-taasang Pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek.
Babala Laban sa Pagtalikod sa Pananampalataya
11 Marami pa kaming masasabi tungkol dito ngunit mahirap ipaliwanag dahil mabagal kayong umunawa.[b] 12 Katunayan, (F) sa panahong ito'y dapat tagapagturo na sana kayo; subalit kailangan pa rin ninyong turuan ng mga panimulang aralin ukol sa Salita ng Diyos. Gatas pa rin ang kailangan ninyo, at hindi solidong pagkain. 13 Sapagkat sinumang umaasa pa sa gatas ay hindi pa sanay sa salita ng katuwiran, dahil sanggol pa lamang. 14 Ngunit ang solidong pagkain ay para sa mga nasa hustong gulang, sa kanila na sa palagiang paggamit ay nasanay na sa pag-alam ng pagkakaiba ng mabuti at masama.
Footnotes
- Mga Hebreo 5:7 Sa Griyego, sa mga araw ng kanyang laman.
- Mga Hebreo 5:11 Sa Griyego, mapurol sa pakikinig.
Hebrews 5
New International Version
5 Every high priest is selected from among the people and is appointed to represent the people in matters related to God,(A) to offer gifts and sacrifices(B) for sins.(C) 2 He is able to deal gently with those who are ignorant and are going astray,(D) since he himself is subject to weakness.(E) 3 This is why he has to offer sacrifices for his own sins, as well as for the sins of the people.(F) 4 And no one takes this honor on himself, but he receives it when called by God, just as Aaron was.(G)
5 In the same way, Christ did not take on himself the glory(H) of becoming a high priest.(I) But God said(J) to him,
6 And he says in another place,
7 During the days of Jesus’ life on earth, he offered up prayers and petitions(N) with fervent cries and tears(O) to the one who could save him from death, and he was heard(P) because of his reverent submission.(Q) 8 Son(R) though he was, he learned obedience from what he suffered(S) 9 and, once made perfect,(T) he became the source of eternal salvation for all who obey him 10 and was designated by God to be high priest(U) in the order of Melchizedek.(V)
Warning Against Falling Away(W)
11 We have much to say about this, but it is hard to make it clear to you because you no longer try to understand. 12 In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths(X) of God’s word all over again. You need milk, not solid food!(Y) 13 Anyone who lives on milk, being still an infant,(Z) is not acquainted with the teaching about righteousness. 14 But solid food is for the mature,(AA) who by constant use have trained themselves to distinguish good from evil.(AB)
Footnotes
- Hebrews 5:5 Psalm 2:7
- Hebrews 5:6 Psalm 110:4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.