Mga Hebreo 13
Ang Biblia, 2001
Paglilingkod na Kaaya-aya sa Diyos
13 Ipagpatuloy ninyo ang pag-iibigang magkakapatid.
2 Huwag(A) ninyong kalimutan ang magpatulóy ng mga dayuhan, sapagkat sa paggawa nito ang iba ay nakapagpatulóy na ng mga anghel nang hindi nila namamalayan.
3 Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo'y nakabilanggong kasama nila; ang mga inaapi na parang kayo na rin sa katawan.
4 Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag dungisan ang higaan, sapagkat ang mga nakikiapid at ang mga mangangalunya ay hahatulan ng Diyos.
5 Umiwas(B) kayo sa pag-ibig sa salapi at kayo'y masiyahan na kung anong mayroon kayo, sapagkat sinabi niya, “Sa anumang paraan ay hindi kita iiwan, o pababayaan man.”
6 Kaya't(C) panatag nating masasabi,
“Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot:
Anong magagawa sa akin ng tao?”
7 Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos; tingnan ninyo ang kinalabasan ng kanilang pamumuhay, tularan ninyo ang kanilang pananampalataya.
8 Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.
9 Huwag kayong padala sa sari-sari at kakaibang mga turo, sapagkat mabuti na ang puso ay patibayin ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakinabangan ng mga tumupad ng mga iyon.
10 Tayo ay may isang dambana, na kung saan ang mga naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kumain.
11 Sapagkat(D) ang katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng pinakapunong pari sa santuwaryo para sa kasalanan ay sinusunog sa labas ng kampo.
12 Kaya si Jesus man ay nagdusa sa labas ng pintuan ng lunsod upang gawing banal ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo.
13 Kaya't puntahan natin siya sa labas ng kampo na dala ang kanyang kahihiyan.
14 Sapagkat dito'y wala tayong lunsod na magtatagal, ngunit hinahanap natin ang lunsod na darating.
15 Kaya't sa pamamagitan niya ay maghandog tayong patuloy ng alay ng pagpupuri sa Diyos, samakatuwid ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan.
16 Huwag ninyong kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pamamahagi, sapagkat ang Diyos ay nalulugod sa mga gayong handog.
17 Sumunod kayo at pasakop sa mga namumuno sa inyo, sapagkat sila'y matamang nagbabantay alang-alang sa inyong mga kaluluwa bilang mga mananagot. Hayaang gampanan nila ito na may kagalakan at hindi nang may hapis, sapagkat kung ganito'y hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa inyo.
18 Idalangin ninyo kami, sapagkat kami'y naniniwalang kami ay may mabuting budhi, na nagnanais na mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.
19 At ako'y lalo pang nakikiusap sa inyo na inyong gawin ito, upang ako'y madaling maibalik sa inyo.
Basbas
20 Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan na bumuhay mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan,
21 nawa'y gawin niya kayong ganap sa bawat mabuting bagay upang magawa ninyo ang kanyang kalooban, at gawin sa atin ang nakakalugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Pangaral at Pagbati
22 Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo na inyong pagtiisan ang aking salita ng pangaral, sapagkat sa pamamagitan ng iilang mga salita ay sumulat ako sa inyo.
23 Nais kong malaman ninyo na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinalaya na; at kung siya'y dumating agad, kasama ko siyang makikita kayo.
24 Batiin ninyo ang lahat ng mga namumuno sa inyo at ang lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng mga nasa Italia.
25 Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Amen.
Mga Hebreo 13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Paglilingkod na Kaaya-aya sa Diyos
13 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid. 2 Buksan (A) ninyong lagi ang inyong tahanan para sa mga dayuhan. Ang ilang gumawa nito ay nagpapatuloy ng mga anghel nang hindi namamalayan. 3 Alalahanin ninyo ang mga bilanggo na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Ganoon din ang gawin ninyo sa mga inaapi, na parang kayo ay inaapi ding kasama nila. 4 Kilalanin ang dangal ng pag-aasawa, at huwag dungisan ang pagsasama, sapagkat parurusahan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. 5 Iwasan (B) ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, “Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.” 6 Kaya't (C) panatag nating masasabi,
“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin; hindi ako matatakot.
Ano'ng magagawa sa akin ng tao?”
7 Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nangaral sa inyo ng salita ng Diyos. Tandaan ninyo ang bunga ng kanilang pamumuhay at sundan ninyo ang halimbawa ng kanilang pananampalataya. 8 Si Jesu-Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman. 9 Huwag kayong padala sa sari-sari at kakaibang mga turo. Mabuti na ang ating mga kalooban ay patatagin ng kagandahang-loob ng Diyos, at hindi ng mga tuntunin tungkol sa mga pagkain. Wala namang pakinabang dito ang mga sumusunod sa mga tuntuning ito. 10 Tayo ay may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kumain doon. 11 Sapagkat (D) dinadala ng Kataas-taasang Pari sa Dakong Kabanal-banalan ang dugo ng mga hayop bilang alay dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. 12 Ganoon din ang nangyari kay Jesus. Nagdusa siya sa labas ng lungsod upang sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo ay gawin niyang banal ang mga taong-bayan. 13 Kaya't puntahan natin siya sa labas ng kampo upang danasin din natin ang pag-alipusta sa kanya. 14 Sapagkat sa lupang ito'y wala tayong lungsod na magtatagal, ngunit ang hinahangad natin ay ang lungsod na darating. 15 Kaya't sa pamamagitan ni Jesus ay patuloy tayong maghandog ng pagpupuri sa Diyos—ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kanyang pangalan. 16 Huwag ninyong kaliligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pamamahagi sa iba, sapagkat ang Diyos ay nalulugod sa ganoong mga alay.
17 Sumunod kayo sa inyong mga pinuno at magpasakop sa kanila. Sila ang nagbabantay ng inyong mga kaluluwa, at mananagot sa Diyos tungkol sa tungkuling ito. Sundin ninyo sila upang maging kagalakan at hindi mabigat sa loob ang pagtupad nila ng kanilang tungkulin. Kung hindi, ito ay hindi makabubuti sa inyo.
18 Idalangin ninyo kami. Natitiyak naming kami ay may malinis na budhi at nagsisikap na mabuhay nang marangal sa lahat ng mga bagay. 19 Nakikiusap ako sa inyo na lalo ninyong gawin ito, upang ako'y madaling maibalik sa inyo.
Basbas at Pagbati
20 Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan, na sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan ay bumuhay mula sa kamatayan sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, 21 siya nawa ang magkaloob sa inyo ng lahat ng mabuting bagay upang magawa ninyo ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin sa atin ang nakalulugod sa kanyang paningin, sumakanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
22 Mga kapatid, nakikiusap ako na pagtiisan ninyo ang aking pagpapayo, sapagkat maikli naman ang sulat ko sa inyo. 23 Nais ko ring malaman ninyo na pinalaya na ang ating kapatid na si Timoteo, at kung siya'y dumating agad, isasama ko siya pagpunta ko sa inyo.
24 Ipaabot ninyo ang aming pagbati sa lahat ng mga namumuno sa inyo at sa lahat ng mga banal. Binabati kayo ng mga nasa Italia. 25 Nawa'y sumainyong lahat ang biyaya ng Diyos. Amen.
Hebrews 13
New English Translation
Final Exhortations
13 Brotherly love must continue. 2 Do not neglect hospitality, because through it some have entertained angels without knowing it.[a] 3 Remember those in prison as though you were in prison with them,[b] and those ill-treated as though you too felt their torment.[c] 4 Marriage must be honored among all and the marriage bed kept undefiled, for God will judge sexually immoral people and adulterers. 5 Your conduct must be free from the love of money and you must be content with what you have, for he has said, “I will never leave you and I will never abandon you.”[d] 6 So we can say with confidence, “The Lord is my helper, and[e] I will not be afraid. What can people do to me?”[f] 7 Remember your leaders, who spoke God’s message to you; reflect on the outcome of their lives and imitate their faith. 8 Jesus Christ is the same yesterday and today and forever! 9 Do not be carried away by all sorts of strange teachings.[g] For it is good for the heart to be strengthened by grace, not ritual meals,[h] which have never benefited those who participated in them. 10 We have an altar that those who serve in the tabernacle have no right to eat from. 11 For the bodies of those animals whose blood the high priest brings[i] into the sanctuary as an offering for sin are burned outside the camp. 12 Therefore, to sanctify the people by his own blood, Jesus also suffered outside the camp. 13 We must go out to him, then, outside the camp, bearing the abuse he experienced.[j] 14 For here we have no lasting city, but we seek the city that is to come. 15 Through him then let us continually offer up a sacrifice of praise to God, that is, the fruit of our lips, acknowledging his name. 16 And do not neglect to do good and to share what you have,[k] for God is pleased with such sacrifices.
17 Obey your leaders and submit to them, for they keep watch over your souls and will give an account for their work.[l] Let them do this[m] with joy and not with complaints, for this would be no advantage for you. 18 Pray for us, for we are sure that we have a clear conscience and desire to conduct ourselves rightly in every respect. 19 I especially ask you to pray[n] that I may be restored to you very soon.
Benediction and Conclusion
20 Now may the God of peace who by the blood of the eternal covenant brought back from the dead the great shepherd of the sheep, our Lord Jesus, 21 equip you with every good thing to do his will, working in us[o] what is pleasing before him through Jesus Christ, to whom be glory forever.[p] Amen.
22 Now I urge you, brothers and sisters,[q] bear with my message of exhortation, for in fact I have written to you briefly. 23 You should know that[r] our brother Timothy has been released. If he comes soon, he will be with me when I see you.[s] 24 Greetings to all your leaders and all the saints. Those from Italy send you greetings. 25 Grace be with you all.[t]
Footnotes
- Hebrews 13:2 sn This is a vague allusion to people described in scripture and extra-biblical literature and may include Abraham and Sarah (Gen 18:2-15), Lot (Gen 19:1-14), Gideon (Judg 6:11-18), Manoah (Judg 13:3-22), and possibly Tobit (Tob 12:1-20).
- Hebrews 13:3 tn Grk “as being imprisoned together.”
- Hebrews 13:3 tn Or “since you too are vulnerable”; Grk “you also being in the body.”
- Hebrews 13:5 sn A quotation from Deut 31:6, 8.
- Hebrews 13:6 tc Some significant mss (א* C* P 0285vid 33 1175 1739 lat) lack καί (kai), but because the omission conforms to the wording of Ps 118:6 (117:6 LXX), it is suspect.
- Hebrews 13:6 sn A quotation from Ps 118:6.
- Hebrews 13:9 tn Grk “by diverse and strange teachings.”
- Hebrews 13:9 tn Grk “foods,” referring to the meals associated with the OT sacrifices (see the contrast with the next verse; also 9:9-10; 10:1, 4, 11).
- Hebrews 13:11 tn Grk “whose blood is brought by the high priest.”
- Hebrews 13:13 tn Grk “his abuse.”
- Hebrews 13:16 tn Grk “neglect doing good and fellowship.”
- Hebrews 13:17 tn Or “as ones who will give an account”; Grk “as giving an account.”
- Hebrews 13:17 tn Grk “that they may do this.”
- Hebrews 13:19 tn Grk “I urge you to do this all the more.”
- Hebrews 13:21 tc Some mss (C P Ψ 6 629* 630 1505 pm latt syh) read ὑμῖν (humin, “in you”) here, but ἡμῖν (hēmin) has stronger external support (P46 א A Dvid K 0243 0285 33 81 104 326 365 629c 1175 1739 1881 pm syp co). It is also more likely that ἡμῖν would have been changed to ὑμῖν in light of the “you” which occurs at the beginning of the verse than vice versa.
- Hebrews 13:21 tc ‡ Most mss (א A [C*] 0243 0285 33 1739 1881 M latt) include the words “and ever” here, but the shorter reading (supported by P46 C3 D Ψ 6 104 365 1505 al) is preferred on internal grounds. It seemed more likely that scribes would assimilate the wording to the common NT doxological expression “for ever and ever,” found especially in the Apocalypse (cf., e.g., 1 Tim 1:17; 2 Tim 4:18; Rev 4:9; 22:5) than to the “forever” of Heb 13:8. Nevertheless, a decision is difficult here. NA28 places the phrase in brackets, indicating doubts as to its authenticity.
- Hebrews 13:22 tn Grk “brothers.” See note on the phrase “brothers and sisters” in 2:11.
- Hebrews 13:23 tn Grk “Know that” (an imperative).
- Hebrews 13:23 tn Grk “has been released, with whom, if he comes soon, I will see you.”
- Hebrews 13:25 tc Most witnesses, including several significant ones (א2 A C D H Ψ 0243 1739 1881 M lat sy bo), conclude the letter with ἀμήν (amēn, “amen”). Such a conclusion is routinely added by scribes to NT books because a few of these books originally had such an ending (cf. Rom 16:27; Gal 6:18; Jude 25). A majority of Greek witnesses have the concluding ἀμήν in every NT book except Acts, James, and 3 John (and even in these books, ἀμήν is found in some witnesses). It is thus a predictable variant. Further, there is sufficient testimony (P46 א* Ivid 6 33 sa) for the lack of the particle, rendering its omission the preferred reading.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
NET Bible® copyright ©1996-2017 by Biblical Studies Press, L.L.C. http://netbible.com All rights reserved.
