Mga Gawa 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagtawag kay Saulo(A)
9 Samantala, patuloy ang pagbabanta ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Lumapit siya sa Pinakapunong Pari ng mga Judio 2 at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya at madala sa Jerusalem ang sinumang lalaki o babae na matagpuan niya roong kaanib sa Daan ng Panginoon.[a]
3 Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit.
Read full chapterFootnotes
- 2 KAANIB SA DAAN NG PANGINOON: Sa Aklat ng mga Gawa, ang kahulugan nito'y ang maging tagasunod ni Jesu-Cristo .
Mga Gawa 9:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtawag kay Saulo(A)
9 Samantala, sumisidhi ang pagnanais ni Saulo na maipapatay ang mga alagad ng Panginoon. Kaya pumunta siya sa Kataas-taasang Pari. 2 Humingi siya sa Kataas-taasang Pari ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang kung siya'y makatagpo ng sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay dadalhin niyang bihag sa Jerusalem. 3 Sa kanyang paglalakbay papalapit sa Damasco, biglang kumislap sa palibot niya ang isang liwanag mula sa langit.
Read full chapter
Acts 9:1-3
Christian Standard Bible Anglicised
The Damascus Road
9 Now Saul was still breathing threats and murder against the disciples(A) of the Lord. He went to the high priest(B) 2 and requested letters(C) from him to the synagogues in Damascus, so that if he found any men or women who belonged to the Way,(D) he might bring them as prisoners to Jerusalem. 3 As(E) he travelled and was nearing Damascus, a light from heaven suddenly flashed around him.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 2024 by Holman Bible Publishers.
