Mga Bilang 4:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Pagkatapos, ipapatong dito ang mga kagamitan sa altar tulad ng mga kawali, panusok, pala at palanggana. Tatakpan ito ng balat ng kambing saka isusuot sa argolya ang mga pasanan nito. 15 Kapag ang Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan dito'y naibalot na nina Aaron at ng kanyang mga anak, ang lahat ng ito'y dadalhin ng mga anak ni Kohat. Ngunit huwag nilang hahawakan ang mga sagradong bagay sapagkat mamamatay ang sinumang humawak sa mga sagradong kagamitang ito.
“Ito ang mga tungkulin ng mga anak ni Kohat tuwing ililipat ang Toldang Tipanan.
16 “Si Eleazar na anak ni Aaron ang mangangalaga sa langis para sa ilawan, sa insenso, sa karaniwang handog na pagkaing butil at sa langis na pantalaga. Siya rin ang mamamahala sa buong Toldang Tipanan at sa lahat ng kagamitan dito.”
Read full chapter
Mga Bilang 4:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana na ginagamit sa paglilingkod doon, ang apuyan at ang mga pantusok, ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana. Kanilang lalatagan iyon ng isang panakip na balat ng kambing, at kanilang ilalagay sa mga pasanan niyon.
15 Kapag tapos nang takpan ni Aaron at ng kanyang mga anak ang lahat ng kasangkapan ng santuwaryo, habang sumusulong ang kampo, lalapit ang mga anak ni Kohat upang kanilang buhatin iyon. Subalit huwag nilang hihipuin ang mga banal na bagay, upang hindi sila mamatay. Ang mga bagay na ito sa toldang tipanan ang papasanin ng mga anak ni Kohat.
16 “Ang pangangasiwaan ni Eleazar na anak ng paring si Aaron ay ang langis sa ilaw, ang mabangong insenso, ang patuloy na handog na butil, ang langis na pambuhos, ang pamamahala sa buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuwaryo at ang mga sisidlan niyon.”
Read full chapter
Mga Bilang 4:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
16 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
