Mga Bilang 3:7-8
Ang Biblia (1978)
7 At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang (A)paglilingkod sa tabernakulo.
8 At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
Read full chapter
Mga Bilang 3:38
Ang Biblia (1978)
38 (A)At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: (B)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
Read full chapter
Mga Bilang 8:26
Ang Biblia (1978)
26 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, (A)upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.
Read full chapter
Mga Bilang 18:3
Ang Biblia (1978)
3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang (A)lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, (B)upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
Read full chapter
Mga Bilang 18:5
Ang Biblia (1978)
5 (A)At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; (B)upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
Read full chapter
Mga Bilang 31:30
Ang Biblia (1978)
30 At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang (A)isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, (B)na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Bilang 31:47
Ang Biblia (1978)
47 (A)At sa kalahati nga na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kinuha ni Moises ang isa sa bawa't limang pu, sa tao at gayon din sa hayop, at ibinigay sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Read full chapter
1 Cronica 23:32
Ang Biblia (1978)
32 At sila ang magsisipagingat ng (A)katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at (B)ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
Read full chapter
2 Cronica 13:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)At sila'y nagsisipagsunog sa Panginoon tuwing umaga at tuwing hapon ng mga handog na susunugin at ng mainam na kamangyan: ang tinapay na handog naman ay inihanay nila sa dulang na dalisay; at ang kandelerong ginto na may mga ilawan, (B)upang magsipagningas tuwing hapon: sapagka't aming iningatan ang bilin ng Panginoon naming Dios; nguni't pinabayaan ninyo siya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978