Mga Bilang 14:20-35
Magandang Balita Biblia
20 Sinabi ni Yahweh, “Dahil sa panalangin mo, pinapatawad ko na sila. 21 Ngunit(A) ito ang tandaan mo: hanggang ako'y buháy at nalulukuban ng aking kaluwalhatian ang buong mundo, 22-23 isa man sa mga nakakita ng himalang ginawa ko ay hindi makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Paulit-ulit nila akong sinusubok at hindi nila ako sinusunod. 24 Ngunit(B) si Caleb na aking lingkod ay naiiba sa kanila. Sumunod siya sa akin nang buong katapatan, kaya makakapasok siya sa lupaing iyon, pati ang kanyang angkan. 25 Kaya bukas, magpatuloy kayo sa paglalakbay patungong Dagat na Pula.[a] Lumigid kayo sa ilang sapagkat ang mga Amoreo at Cananeo ay nasa kapatagan.”
Ang Parusa sa Israel
26 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 27 “Hanggang ngayo'y patuloy pa rin ang mga Israelita sa pagrereklamo laban sa akin. Kailan pa ba sila tatahimik? 28 Sabihin ninyo sa kanila na ito ang ipinapasabi ko: ‘Habang buháy akong si Yahweh, gagawin ko sa inyo ang narinig kong gusto ninyong mangyari. 29 Mamamatay(C) kayo dito sa ilang. Sa mga kabilang sa sensus, samakatuwid ay iyong mula sa dalawampung taon pataas, 30 isa man ay walang makakarating sa lupaing ipinangako ko, maliban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun. 31 Ang makakarating lamang doon ay ang inyong mga anak na sinasabi ninyong mabibihag ng kaaway. Sila ang maninirahan doon. 32 Ngunit mamamatay kayo dito sa ilang. 33 Ang(D) mga anak ninyo'y magpapalabuy-laboy rito sa loob ng apatnapung taon, hanggang hindi kayo namamatay lahat. Ito ang kabayaran ng inyong hindi pagsampalataya. 34 Ang apatnapung araw na pinagmanman ninyo sa lupaing iyon ay tutumbasan ko ng apatnapung taon ng pagpapahirap upang madama ninyo ang aking poot sa loob ng panahong iyon.’ 35 Akong si Yahweh ang maysabi nito at gagawin ko ito sa masamang bayang ito. Mamamatay sila rito sa ilang.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Bilang 14:25 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
Numbers 14:20-35
New International Version
20 The Lord replied, “I have forgiven them,(A) as you asked. 21 Nevertheless, as surely as I live(B) and as surely as the glory of the Lord(C) fills the whole earth,(D) 22 not one of those who saw my glory and the signs(E) I performed in Egypt and in the wilderness but who disobeyed me and tested me ten times(F)— 23 not one of them will ever see the land I promised on oath(G) to their ancestors. No one who has treated me with contempt(H) will ever see it.(I) 24 But because my servant Caleb(J) has a different spirit and follows me wholeheartedly,(K) I will bring him into the land he went to, and his descendants will inherit it.(L) 25 Since the Amalekites(M) and the Canaanites(N) are living in the valleys, turn(O) back tomorrow and set out toward the desert along the route to the Red Sea.[a](P)”
26 The Lord said to Moses and Aaron: 27 “How long will this wicked community grumble against me? I have heard the complaints of these grumbling Israelites.(Q) 28 So tell them, ‘As surely as I live,(R) declares the Lord, I will do to you(S) the very thing I heard you say: 29 In this wilderness your bodies will fall(T)—every one of you twenty years old or more(U) who was counted in the census(V) and who has grumbled against me. 30 Not one of you will enter the land(W) I swore with uplifted hand(X) to make your home, except Caleb son of Jephunneh(Y) and Joshua son of Nun.(Z) 31 As for your children that you said would be taken as plunder, I will bring them in to enjoy the land you have rejected.(AA) 32 But as for you, your bodies will fall(AB) in this wilderness. 33 Your children will be shepherds here for forty years,(AC) suffering for your unfaithfulness, until the last of your bodies lies in the wilderness. 34 For forty years(AD)—one year for each of the forty days you explored the land(AE)—you will suffer for your sins and know what it is like to have me against you.’ 35 I, the Lord, have spoken, and I will surely do these things(AF) to this whole wicked community, which has banded together against me. They will meet their end in this wilderness; here they will die.(AG)”
Footnotes
- Numbers 14:25 Or the Sea of Reeds
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.