Mga Awit 122
Magandang Balita Biblia
Awit ng Parangal para sa Jerusalem
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.
122 Ako ay nagalak nang sabihin nila:
    “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”
2 Sama-sama kami matapos sapitin,
    ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.
3 Itong Jerusalem ay napakaganda,
    matatag at maayos na lunsod siya.
4 Dito umaahon ang lahat ng angkan,
    lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,
    pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
5 Doon din naroon ang mga hukuman
    at trono ng haring hahatol sa tanan.
6 Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:
    “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.
7     Pumayapa nawa ang banal na bayan,
    at ang palasyo mo ay maging tiwasay.”
8 Alang-alang sa kasama at pamilya ko,
    sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.”
9 Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos,
    ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
Забур 122
Священное Писание (Восточный Перевод)
122 К Тебе поднимаю глаза свои,
    Обитающий на небесах!
2 Как глаза слуг смотрят на руку своего господина,
    и глаза служанки – на руку своей госпожи,
так наши глаза обращены на Вечного,
    до тех пор, пока Он не смилуется над нами.
3 Помилуй нас, Вечный, помилуй нас,
    потому что мы долго терпели презрение.
4 Долго мы терпели оскорбление от надменных
    и презрение от гордых.
Песнь восхождения, Давуда.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
  Central Asian Russian  Scriptures (CARS) 
  Священное Писание, Восточный  Перевод 
  Copyright © 2003, 2009, 2013 by  IMB-ERTP and Biblica, Inc.® 
  Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
