Mga Awit 11
Ang Biblia, 2001
Sa Punong Mang-aawit. Mula kay David.
11 Sa Panginoon ay nanganganlong ako; paanong sa akin ay nasasabi mo,
    “Tumakas ka na gaya ng ibon sa mga bundok;
2 sapagkat binalantok ng masama ang pana,
    iniakma na nila ang kanilang palaso sa bagting,
    upang ipana sa kadiliman
sa may matuwid na puso,
3 kung ang mga saligan ay masira,
    matuwid ba'y may magagawa?”
4 Ang Panginoon ay nasa kanyang banal na templo,
    ang trono ng Panginoon ay nasa langit;
    ang kanyang mga mata ay nagmamasid,
    ang mga talukap ng kanyang mata ay sumusubok
sa mga anak ng mga tao.
5 Sinusubok ng Panginoon ang matuwid at ang masama,
    at kinapopootan ng kanyang kaluluwa ang nagmamahal sa karahasan.
6 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga baga ng apoy; apoy at asupre
    at hanging nakakapaso ang magiging bahagi ng kanilang saro.
7 Sapagkat ang Panginoon ay matuwid;
minamahal niya ang mga gawang matuwid;
    ang kanyang mukha ay mamamasdan ng matuwid.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
