Add parallel Print Page Options

Healing Those who Trust

When He came down from the mountain, large crowds followed Him. And a man with tzara’at came to Him and bowed down before Him, saying, “Master, if You are willing, You can make me clean.”

Yeshua stretched out His hand and touched him, saying, “I am willing. Be cleansed.” Immediately his tzara’at was cleansed. And Yeshua said to him, “See that you tell no one; but go show yourself to the kohen and offer the gift that Moses commanded, as a testimony to them.”[a]

Now when Yeshua came into Capernaum, a centurion came begging for help. “Master,” he said, “my servant is lying at home paralyzed, horribly tormented.”

Yeshua said to him, “I’ll come and heal him.”

But the centurion said, “Master, I’m not worthy to have You come under my roof. But just say the word and my servant will be healed. For I also am a man under authority, with soldiers under me. I say to this one, ‘Go!’ and he goes; and to another, ‘Come!’ and he comes; and to my servant, ‘Do this!’ and he does it.”

10 Now when Yeshua heard this, He marveled and said to those who were following, “Amen, I tell you, I have not found anyone in Israel with such great faith! 11 Moreover, I tell you that many will come from the east and the west, and they will recline at table with Abraham and Isaac and Jacob in the kingdom of heaven. 12 But the sons of the kingdom will be driven out into the outer darkness; in that place will be weeping and gnashing of teeth.”

13 Then Yeshua said to the centurion, “Go. As you have believed, let it be done for you.” And the servant was healed in that same hour.

14 And when Yeshua came into Peter’s house, He saw Peter’s mother-in-law lying down, sick with a fever. 15 Yeshua touched her hand, and the fever left her. Then she got up and began to take care of Him.

16 When evening came, the people brought to Him many who were afflicted by demons. He forced out the spirits with a word and healed all who were sick. 17 So was fulfilled what was spoken through Isaiah the prophet, saying,

“He Himself took our sicknesses
    and carried away our diseases.”[b]

Following the Call

18 Now when Yeshua saw a crowd around Him, He gave orders to go to the other side of the sea. 19 Then a Torah scholar came to Him and said, “Teacher, I will follow You wherever You go.”

20 Yeshua tells him, “Foxes have dens and birds of the air have nests, but the Son of Man has nowhere to lay His head.”

21 Then another of the disciples said, “Master, first let me go and bury my father.”

22 But Yeshua tells him, “Follow Me, and let the dead bury their own dead.”

Master of the Storm

23 As He got into the boat, His disciples followed Him. 24 Suddenly a great storm arose on the sea, so that the boat was being covered by the waves. But Yeshua kept on sleeping. 25 So they came and woke Him up, saying, “Master, save us! We’re perishing!”

26 He said to them, “Why are you afraid, O you of little faith?” Then He got up and rebuked the winds and the sea, and it became totally calm.

27 The men were amazed, saying, “What kind of person is this? Even the winds and the sea obey Him!”

Freedom from Demons

28 When He came to the other side, into the region of the Gadarenes, two demon-plagued men coming from the graveyard[c] met Him. They were so violent that no one could pass by that way. 29 And they screamed, “What’s between You and us,[d] Ben-Elohim? Have You come here to torment us, before the appointed time?”

30 Now a large herd of pigs was feeding some distance away from them. 31 The demons kept begging Him, “If You drive us out, send us into the herd of pigs.”

32 And He told them, “Go!” So they came out and went into the pigs, and the whole herd rushed down the cliff into the sea and drowned. 33 The herdsmen ran away, went into the town, and told everything, including what had happened to the demon-plagued men. 34 The whole town came out to meet Yeshua. And when they saw him, they begged Him to leave their region.

Footnotes

  1. Matthew 8:4 cf. Lev. 14:2.
  2. Matthew 8:17 Isa. 53:4.
  3. Matthew 8:28 Lit. tombs.
  4. Matthew 8:29 A Hebrew idiom, lit. What to us and you?

Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(A)

Pagbaba ni Jesus mula sa bundok ay sumunod sa kanya ang napakaraming tao. Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya, nakikiusap, “Panginoon, maaari mo po akong gawing malinis, kung nanaisin mo.” Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinawakan ang lalaki. Sinabi niya rito, “Nais ko. Maging malinis ka.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo ito sasabihin kaninuman, sa halip ay pumunta ka at humarap sa pari. Mag-alay ka ng handog na ipinag-utos ni Moises bilang katibayan sa kanila.”

Pinagaling ang Alipin ng Senturyon(B)

Nang pumasok si Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang senturyon. Nakiusap ito sa kanya, na nagsasabi, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at hirap na hirap sa kanyang karamdaman.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pupunta ako roon at pagagalingin ko siya.” Ngunit sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod. Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.” 10 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya. 11 Sinasabi ko sa inyo, maraming manggagaling sa silangan at kanluran at makakasalo sa hapag-kainan nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng langit, 12 subalit ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa kadilimang nasa labas. Naroon ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” 13 Sinabi ni Jesus sa senturyon, “Umuwi ka na. Mangyayari para sa iyo ang iyong sinasampalatayanan.” Nang oras ding iyon ay gumaling ang naturang lingkod.

Maraming Pinagaling si Jesus(C)

14 Nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae nito na nakahiga dahil may lagnat. 15 Hinawakan niya ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinaglingkuran si Jesus. 16 Kinagabihan ay dinala nila sa kanya ang maraming taong sinasaniban ng mga demonyo. Sa pamamagitan ng salita ay pinalayas niya ang mga espiritu at pinagaling ang lahat ng mga maysakit. 17 Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga karamdaman, at ang mga sakit natin ay kanyang pinasan.”

Ang Pagsunod kay Jesus(D)

18 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa paligid niya, kanyang ipinag-utos na sila'y tumawid sa ibayo. 19 Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi sa kanya, “Guro, susundan ko po kayo, saan man kayo magpunta.” 20 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang mga asong-gubat ay may lungga, at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang sariling matutulugan.” 21 Sinabi sa kanya ng isa pang alagad, “Panginoon, payagan po muna ninyo akong umuwi at mailibing ko ang aking ama.” 22 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin. Hayaan mo na ang mga patay ang maglibing sa kanilang mga patay.”

Pinatigil ni Jesus ang Bagyo(E)

23 Nang makasakay si Jesus sa bangka, sinundan siya ng kanyang mga alagad. 24 At biglang nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, at halos matabunan na ng mga alon ang bangka. Subalit natutulog noon si Jesus. 25 Siya'y kanilang pinuntahan at ginising, na sinasabi, “Panginoon, iligtas mo kami! Mamamatay kami rito!” 26 Sinabi niya sa kanila, “Ano'ng ikinatatakot ninyo? Kayong mahihina ang pananampalataya!” Bumangon siya at pinagsabihan ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng ganap na katahimikan. 27 Kaya't namangha ang mga tao at sinabi nila, “Anong uri ng tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”

Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo(F)

28 Pagdating niya sa kabilang pampang, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo. Nanggaling ang mga lalaking ito sa mga libingan at sila'y mababangis kaya't walang taong makadaan doon. 29 Bigla silang sumigaw, “Ano'ng kailangan mo sa amin, Anak ng Diyos? Pumarito ka ba upang parusahan na kami bago pa sumapit ang takdang panahon?” 30 Noon ay may isang malaking kawan ng baboy na nanginginain sa di kalayuan mula sa kanila. 31 Nakiusap kay Jesus ang mga demonyo. Sinabi nila, “Kung palalabasin mo kami, papuntahin mo na lang kami sa kawan ng mga baboy.” 32 At sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo roon.” Nagsilabas nga sila at pumasok sa mga baboy, at ang buong kawan ay rumagasang patungong bangin, nahulog sa dagat at nalunod. 33 Nagtakbuhan ang mga tagapag-alaga ng mga hayop at sila'y pumasok sa lungsod. Doon ay ibinalita nila ang buong pangyayari, lalung-lalo na ang nangyari sa mga taong sinaniban ng mga demonyo. 34 Lumabas ang lahat ng mga taong-bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, sila'y nakiusap sa kanya na lisanin ang kanilang lupain.