Mateo 9:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko(A)
9 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sarili niyang bayan. 2 Pagdating doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” 3 May ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon at sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan niya ang Diyos.”
Read full chapter
Mateo 9:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko(A)
9 Sumakay si Jesus sa isang bangka, tumawid sa kabilang pampang at dumating sa kanyang sariling bayan. 2 Dinala sa kanya ng mga tao ang isang paralitikong nakaratay sa isang banig. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Patatagin mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 3 May mga tagapagturo ng Kautusan na naroon ang nagsabi sa kani-kanilang sarili, “Lumalapastangan ang taong ito.”
Read full chapter
Mateo 9:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
9 At lumulan siya sa isang daong, at tumawid, at dumating sa kaniyang sariling bayan.
2 At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, na nakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay ipinatatawad na.
3 At narito, ang ilan sa mga eskriba ay nangagsabi sa kanilang sarili, Ang taong ito'y namumusong.
Read full chapter
Matthieu 9:1-3
Segond 21
Guérison d'un paralysé
9 Jésus monta dans une barque, traversa le lac et se rendit dans sa ville. 2 Des personnes lui amenèrent un paralysé couché sur une civière. Voyant leur foi, Jésus dit au paralysé: «Prends courage, mon enfant, tes péchés te sont pardonnés.»
3 Alors, quelques spécialistes de la loi se dirent en eux-mêmes: «Cet homme blasphème.»
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Version Segond 21 Copyright © 2007 Société Biblique de Genève by Société Biblique de Genève
