Mateo 27:18-20
Magandang Balita Biblia
18 Alam ni Pilato na naiinggit lamang sila kaya nila isinakdal si Jesus.
19 Bukod dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa usapin ng taong iyan. Wala siyang kasalanan. Labis akong nahirapan dahil sa aking panaginip kagabi tungkol sa kanya.”
20 Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan[a] na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 27:20 pinuno ng bayan: Sa Griego ay matatanda .
Mateo 27:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Sinabi niya ito sapagkat nahalata niyang dahil sa inggit ay iniharap nila si Jesus sa kanya. 19 At habang nakaupo siya sa upuan ng paghuhukom, ipinasabi sa kanya ng kanyang asawa ang ganito, “Huwag mong gagawan ng anuman ang taong iyan na walang sala, sapagkat labis akong pinahirapan sa panaginip ko sa araw na ito dahil sa kanya.” 20 Ngunit inudyukan ng mga punong pari at ng matatandang pinuno ang mga taong-bayan na kanilang hilingin si Barabas at patayin naman si Jesus.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.