Mateo 14:1-2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Namatay si Juan na Tagapagbautismo(A)
14 Nang panahong iyon ay narinig ng pinunong[a] si Herodes ang balita tungkol kay Jesus. 2 At sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Ang taong iyon ay si Juan na Tagapagbautismo! Siya'y ibinangon mula sa kamatayan kaya't nagagawa niya ang mga himalang ito.”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 14:1 Sa Griyego, tetrarka, pinuno ng ikaapat na bahagi ng isang teritoryo.
Marcos 6:14-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(A)
14 Nabalitaan (B) ni Haring Herodes ang mga bagay na ito sapagkat tanyag na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, “Iyan si Juan na Tagapagbautismo na muling nabuhay kaya siya nakakagawa ng mga himala.” 15 Sabi naman ng iba, “Si Elias iyan.” May iba pang nagsasabi, “Siya'y propeta, tulad ng mga propeta noong una.”
Read full chapter
Lucas 9:7-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nabagabag si Herodes(A)
7 Nabalitaan ng pinunong si Herodes ang lahat ng nangyayari. Nabagabag siya sapagkat sinasabi ng ilan na muling nabuhay si Juan. 8 Sabi naman ng iba na si Elias ay nagpakita na at ayon naman sa iba, ang isa sa mga propeta noong unang panahon ay nabuhay muli.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.