Font Size
Mateo 12:33-35
Ang Salita ng Diyos
Mateo 12:33-35
Ang Salita ng Diyos
33 Gawin ninyong mabuti ang punong-kahoy at mabuti ang magiging bunga nito. O kaya naman, pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang magiging bunga nito. Ito ay sapagkat ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 O, kayong anak ng mga ulupong! Papaano kayo makakapagsalita ng mabubuting bagay gayong napakasama ninyo? Ito ay sapagkat mula sa kasaganaan ng puso nagsasalita ang bibig. 35 Ang isang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso. Ang masamang tao ay kumukuha ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International