Add parallel Print Page Options

Nasusulat (A) sa aklat ni propeta Isaias,

“Narito, ang aking sugo ay ipinadadala ko sa iyong unahan.[a]
    Siya ang maghahanda ng iyong daraanan.
Isang (B) tinig ang sumisigaw sa ilang:
    ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    Tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang lalakaran.’ ”

Dumating sa ilang si Juan na nagbabautismo at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi tungo sa pagpapatawad ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:2 Sa Griyego, sa unahan ng iyong mukha.