Add parallel Print Page Options

When Jesus had finished his sermon he went back into the city of Capernaum.

Just at that time the highly prized slave of a Roman[a] army captain was sick and near death. When the captain heard about Jesus, he sent some respected Jewish elders to ask him to come and heal his slave. So they began pleading earnestly with Jesus to come with them and help the man. They told him what a wonderful person the captain was.

“If anyone deserves your help, it is he,” they said, “for he loves the Jews and even paid personally to build us a synagogue!”

6-8 Jesus went with them; but just before arriving at the house, the captain sent some friends to say, “Sir, don’t inconvenience yourself by coming to my home, for I am not worthy of any such honor or even to come and meet you. Just speak a word from where you are, and my servant boy will be healed! I know, because I am under the authority of my superior officers, and I have authority over my men. I only need to say ‘Go!’ and they go; or ‘Come!’ and they come; and to my slave, ‘Do this or that,’ and he does it. So just say, ‘Be healed!’ and my servant will be well again!”

Jesus was amazed. Turning to the crowd he said, “Never among all the Jews in Israel have I met a man with faith like this.”

10 And when the captain’s friends returned to his house, they found the slave completely healed.

11 Not long afterwards Jesus went with his disciples to the village of Nain, with the usual great crowd at his heels. 12 A funeral procession was coming out as he approached the village gate. The boy who had died was the only son of his widowed mother, and many mourners from the village were with her.

13 When the Lord saw her, his heart overflowed with sympathy. “Don’t cry!” he said. 14 Then he walked over to the coffin and touched it, and the bearers stopped. “Laddie,” he said, “come back to life again.”

15 Then the boy sat up and began to talk to those around him! And Jesus gave him back to his mother.

16 A great fear swept the crowd, and they exclaimed with praises to God, “A mighty prophet has risen among us,” and, “We have seen the hand of God at work today.”

17 The report of what he did that day raced from end to end of Judea and even out across the borders.

18 The disciples of John the Baptist soon heard of all that Jesus was doing. When they told John about it, 19 he sent two of his disciples to Jesus to ask him, “Are you really the Messiah?[b] Or shall we keep on looking for him?”

20-22 The two disciples found Jesus while he was curing many sick people of their various diseases—healing the lame and the blind and casting out evil spirits. When they asked him John’s question, this was his reply: “Go back to John and tell him all you have seen and heard here today: how those who were blind can see. The lame are walking without a limp. The lepers are completely healed. The deaf can hear again. The dead come back to life. And the poor are hearing the Good News. 23 And tell him, ‘Blessed is the one who does not lose his faith in me.’”[c]

24 After they left, Jesus talked to the crowd about John. “Who is this man you went out into the Judean wilderness to see?” he asked. “Did you find him weak as grass, moved by every breath of wind? 25 Did you find him dressed in expensive clothes? No! Men who live in luxury are found in palaces, not out in the wilderness. 26 But did you find a prophet? Yes! And more than a prophet. 27 He is the one to whom the Scriptures refer when they say, ‘Look! I am sending my messenger ahead of you, to prepare the way before you.’ 28 In all humanity there is no one greater than John. And yet the least citizen of the Kingdom of God is greater than he.”

29 And all who heard John preach—even the most wicked of them[d]—agreed that God’s requirements were right, and they were baptized by him. 30 All, that is, except the Pharisees and teachers of Moses’ law. They rejected God’s plan for them and refused John’s baptism.

31 “What can I say about such men?” Jesus asked. “With what shall I compare them? 32 They are like a group of children who complain to their friends, ‘You don’t like it if we play “wedding” and you don’t like it if we play “funeral”!’[e] 33 For John the Baptist used to go without food and never took a drop of liquor all his life, and you said, ‘He must be crazy!’[f] 34 But I eat my food and drink my wine, and you say, ‘What a glutton Jesus is! And he drinks! And has the lowest sort of friends!’[g] 35 But I am sure you can always justify your inconsistencies.”[h]

36 One of the Pharisees asked Jesus to come to his home for lunch and Jesus accepted the invitation. As they sat down to eat, 37 a woman of the streets—a prostitute—heard he was there and brought an exquisite flask filled with expensive perfume. 38 Going in, she knelt behind him at his feet, weeping, with her tears falling down upon his feet; and she wiped them off with her hair and kissed them and poured the perfume on them.

39 When Jesus’ host, a Pharisee, saw what was happening and who the woman was, he said to himself, “This proves that Jesus is no prophet, for if God had really sent him, he would know what kind of woman this one is!”

40 Then Jesus spoke up and answered his thoughts. “Simon,” he said to the Pharisee, “I have something to say to you.”

“All right, Teacher,” Simon replied, “go ahead.”

41 Then Jesus told him this story: “A man loaned money to two people—$5,000 to one and $500 to the other. 42 But neither of them could pay him back, so he kindly forgave them both, letting them keep the money! Which do you suppose loved him most after that?”

43 “I suppose the one who had owed him the most,” Simon answered.

“Correct,” Jesus agreed.

44 Then he turned to the woman and said to Simon, “Look! See this woman kneeling here! When I entered your home, you didn’t bother to offer me water to wash the dust from my feet, but she has washed them with her tears and wiped them with her hair. 45 You refused me the customary kiss of greeting, but she has kissed my feet again and again from the time I first came in. 46 You neglected the usual courtesy of olive oil to anoint my head, but she has covered my feet with rare perfume. 47 Therefore her sins—and they are many—are forgiven, for she loved me much; but one who is forgiven little, shows little love.”

48 And he said to her, “Your sins are forgiven.”

49 Then the men at the table said to themselves, “Who does this man think he is, going around forgiving sins?”

50 And Jesus said to the woman, “Your faith has saved you; go in peace.”

Footnotes

  1. Luke 7:2 Roman, implied.
  2. Luke 7:19 the Messiah, literally, “the one who is coming.”
  3. Luke 7:23 Blessed is the one who does not lose his faith in me, literally, “Blessed is he who keeps from stumbling over me.”
  4. Luke 7:29 even the most wicked of them, literally, “even the tax collectors,” i.e., the publicans.
  5. Luke 7:32 You don’t like it if we play “wedding” and you don’t like it if we play “funeral,” literally, “We played the flute for you and you didn’t dance; we sang a dirge and you didn’t weep.”
  6. Luke 7:33 He must be crazy, literally, “He has a demon.”
  7. Luke 7:34 has the lowest sort of friends, literally, “is a friend of tax gatherers and sinners.”
  8. Luke 7:35 But I am sure you can always justify your inconsistencies, literally, “But wisdom is justified of all her children.”

Pinagaling ni Jesus ang Alipin ng Isang Kapitan(A)

Nang matapos ni Jesus ang lahat ng kanyang sasabihin sa mga taong nakikinig ay pumasok siya sa Capernaum. Doon ay may isang kapitan ng mga kawal na may aliping maysakit at nasa bingit na ng kamatayan. Ito ay napamahal na sa kanya. Kaya nang marinig ang tungkol kay Jesus, isinugo niya ang ilan sa mga pinuno ng mga Judio upang makiusap kay Jesus na dalawin siya at pagalingin ang kanyang alipin. Sa kanilang pagharap kay Jesus ay pinakiusapan nila ito nang mabuti. Sinabi nila, “Siya ay karapat-dapat na paunlakan ninyo, sapagkat mahal niya ang ating bansa. Ipinagpatayo pa niya tayo ng sinagoga.” Kaya naman sumama sa kanila si Jesus; ngunit hindi kalayuan mula sa bahay ay ipinasalubong na siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan upang sabihin sa kanya, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abala pa sapagkat hindi ako karapat-dapat na inyong sadyain sa loob ng aking bahay. At hindi ko rin itinuring na karapat-dapat ang aking sarili na humarap sa inyo. Ngunit ipag-utos po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako man ay taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal na nasasakupan. Sabihin ko lang sa isa, ‘Humayo ka!’ at siya ay hahayo. Sa isa naman, ‘Halika!’ at siya ay lalapit. Gayon din sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at gagawin nga niya.” Namangha si Jesus pagkarinig dito at pagbaling niya sa mga taong sumusunod sa kanya ay nagsabi, “Sinasabi ko sa inyo, hindi ako nakakita ng ganitong pananampalataya sa Israel!” 10 At pagbalik nila sa bahay ng nagsugo sa kanila ay nakita nilang magaling na ang alipin.

Binuhay ni Jesus ang Anak ng Balo

11 Kinabukasan, pumunta si Jesus sa isang bayang kung tawagin ay Nain at sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na sila sa bungad ng bayan ay naroon at ililibing ang namatay na kaisa-isang anak na lalaki ng kanyang inang balo. Napakaraming taong nakipaglibing sa kanya mula sa bayan. 13 Nahabag ang Panginoon nang makita ang balo at sinabi sa kanya, “Huwag kang umiyak!” 14 At paglapit ay hinipo niya ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga nagbubuhat. Sinabi niya, “Binata, inuutusan kita. Bumangon ka!” 15 Umupo naman ang namatay at nagsimulang magsalita. Ibinigay ito ni Jesus sa kanyang ina. 16 Nabalot ng takot ang lahat at niluwalhati nila ang Diyos sa pagsasabing, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.” 17 Kumalat sa buong Judea at sa mga nakapaligid na lugar ang balitang ito tungkol sa kanya.

Ang mga Sugo mula kay Juan na Tagapagbautismo(B)

18 Ibinalita kay Juan ng mga alagad nito ang tungkol sa lahat ng mga ito. Kaya't tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad 19 at isinugo sila sa Panginoon upang magtanong, “Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?” 20 Pagdating ng mga lalaking ito kay Jesus ay kanilang sinabi, “Isinugo kami ni Juan na Tagapagbautismo upang magtanong, ‘Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?’ ” 21 Nang oras na iyon ay marami siyang pinagaling sa karamdaman, sa salot at sa masasamang espiritu. Marami ring bulag na binigyan niya ng paningin. 22 Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Humayo kayo at ibalita ninyo kay Juan ang inyong mga nakita at narinig: Nakakakitang muli ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ibinabahagi sa mahihirap ang mabuting balita. 23 Pinagpapala ang taong hindi mag-aalinlangan sa akin.” 24 Nang makaalis ang mga isinugo ni Juan ay nagsimulang magsabi si Jesus sa mga tao ng tungkol kay Juan, “Ano ang sinadya ninyo sa ilang upang makita? Isang tambo na idinuduyan ng hangin? 25 Ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang lalaking nabibihisan ng magarang damit? Naroon sa palasyo ng mga hari ang mga nakasuot ng magagara at namumuhay nang marangya. 26 Subalit ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang propeta? Oo nga! Sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta. 27 Siya ang tinutukoy ng Kasulatan,

‘Narito at ipinadadala ko ang aking sugo na mauna sa iyong harapan.
    Siya ang maghahanda para sa iyo ng iyong daraanan.’

28 Sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga taong isinilang ang higit na dakila kaysa kay Juan, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya.” 29 Ang lahat ng taong nakarinig pati na ang mga maniningil ng buwis ay kumilala sa katuwiran ng Diyos dahil binautismuhan sila ng bautismo ni Juan. 30 Ngunit dahil hindi nagpabautismo sa kanya ang mga Fariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, tinanggihan nila ang layunin ng Diyos para sa kanila.

31 “Saan ko ngayon maihahambing ang mga tao ng kasalukuyang panahon? Ano ang katulad nila? 32 Tulad nila'y mga batang nakaupo sa pamilihan at nagsasabi sa isa't isa,

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta ngunit hindi kayo sumayaw!
    Nanaghoy kami ngunit hindi kayo umiyak!’

33 Sapagkat dumating si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sinasabi ninyong, ‘Siya ay may demonyo.’ 34 Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom at sinabi naman ninyong, ‘Tingnan ninyo ang taong matakaw at manlalasing, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan.’ 35 Gayon pa man, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng kanyang mga tagasunod.”

Si Jesus sa Tahanan ni Simon na Fariseo

36 Isang Fariseo ang nag-anyaya kay Jesus na kumaing kasalo niya. Pagpasok niya sa bahay ng Fariseo ay umupo siya sa hapag. 37 Isang babaing makasalanan ang nakatira sa lungsod na iyon. At dahil alam nitong kumakain si Jesus doon sa bahay ng Fariseo ay nagdala ito ng pabango sa sisidlang alabastro. 38 Tumayo siyang umiiyak sa likuran sa may paanan ni Jesus, at unti-unting binasá ang mga paa nito ng kanyang luha. Pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok at pinaghahagkan ang mga paa ni Jesus at pinahiran iyon ng pabango. 39 Nang makita ito ng Fariseo na nag-anyaya sa kanya ay sinabi nito sa kanyang sarili, “Kung propeta nga ang taong ito, dapat ay alam niya kung sino at anong uring babae itong humahawak sa kanya sapagkat ito ay makasalanan.” 40 Kaya sinabi ni Jesus sa kanya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” “Sige po Guro,” sagot ni Simon. 41 “May dalawang umutang sa isang tao. Ang isa ay umutang ng limandaang denaryo at ang isa naman ay limampu. 42 Nang hindi makabayad, kapwa sila pinatawad. Sino ngayon sa kanila ang higit na magmamahal sa nagpautang?” 43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad nang mas malaki.” At sinabi niya rito, “Tama ang iyong pagkaunawa.” 44 Pagharap niya sa babae ay sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa. Ngunit binasa niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ito ng kanyang mga buhok. 45 Hindi mo ako hinagkan, ngunit mula nang pumasok ako ay hindi pa siya humihinto nang kahahalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo ngunit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang marami niyang mga kasalanan ay pinatawad na; kaya naman nagmahal siya nang higit. Ngunit ang pinatawad nang kaunti ay magmamahal nang kaunti.” 48 Pagkatapos ay sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 49 Nagsimulang magtanong sa isa't isa ang mga kasalo niya, “Sino ba ang taong ito at nagpapatawad pa ng kasalanan?” 50 At sinabi niya sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang panatag ang kalooban.”