Print Page Options

Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham. Ngayon pa man ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Pinuputol ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti at itinatapon sa apoy.” 10 Kaya't tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang kailangan naming gawin?”

Read full chapter

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, (A)Ano ngang dapat namin gawin?

Read full chapter

Kaya't(A) mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi at huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, ‘Si Abraham ang aming ama.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na magagawa ng Diyos na magbangon mula sa mga batong ito ng magiging anak ni Abraham.

Ngayon(B) pa lamang ay nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punungkahoy. Kaya't ang bawat punungkahoy na di mabuti ang bunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy.”

10 Tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang dapat naming gawin?”

Read full chapter

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin?

Read full chapter

Kayo nga ay magbunga na karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa inyong sarili: Si Abraham ang aming ama. Sinasabi ko sa inyo: Ang Diyos ay makakagawa ng mga anak ni Abraham mula sa mga batong ito. Ngayon din naman ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punong-kahoy. Ang bawat punong-kahoy nga na hindi nagbubunga ng mabuting bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.

10 Tinanong siya ng napakaraming tao: Ano ngayon ang dapat naming gawin?

Read full chapter