Lucas 18:29-31
Magandang Balita Biblia
29 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos, 30 tatanggap siya ng higit pa sa panahong ito. At sa panahong darating, tatanggap siya ng buhay na walang hanggan.”
Ikatlong Pagsasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(A)
31 Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao.
Read full chapter
Lucas 18:29-31
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 At sinabi niya sa kanila, “Tandaan ninyo ito: sinumang mag-iwan ng tahanan, o asawa, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak para sa kapakanan ng paghahari ng Diyos 30 ay tiyak na tatanggap ng patung-patong na kapalit sa panahong ito at ng buhay na walang hanggan sa panahong darating.”
Ikatlong Pagsasalita ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(A)
31 Ibinukod niya ang labindalawa at sinabi niya sa mga ito, “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Matutupad ang lahat ng naisulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
