Levitico 9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Handog ni Aaron
9 Nang ikawalong araw, ipinatawag ni Moises si Aaron at ang kanyang mga anak, at ang mga pinuno ng Israel. 2 Sinabi niya kay Aaron, “Kumuha ka ng isang batang toro at isang lalaking tupa na walang kapintasan at ihandog mo kay Yahweh. Ang una'y handog para sa kapatawaran ng kasalanan at ang ikalawa'y handog na susunugin. 3 Sabihin mo naman sa bayang Israel na magdala sila ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Magdala rin sila ng isang guya at isang batang tupa na parehong isang taon ang gulang at walang kapintasan bilang handog na susunugin. 4 Pagdalhin mo rin sila ng isang toro at isang lalaking tupa upang ihandog kay Yahweh bilang handog pangkapayapaan. Ihahandog nila ang lahat ng ito na may kasamang harinang hinaluan ng langis. Gawin ninyo ito sapagkat ngayo'y magpapakita sa inyo si Yahweh.” 5 Dinala nga nila ang mga ito sa harap ng Toldang Tipanan ayon sa iniutos ni Moises. Nagtipon ang buong bayan sa harapan ni Yahweh. 6 Sinabi sa kanila ni Moises, “Ito ang utos ni Yahweh na dapat ninyong tuparin upang mahayag sa inyo ang kaluwalhatian niya.” 7 Kay(A) Aaron nama'y sinabi ni Moises, “Lumapit ka sa altar at ialay mo roon ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan, at ang handog na susunugin para sa iyo at sa iyong sambahayan. Dalhin mo rin ang handog ng mga tao upang sila'y matubos din sa kanilang mga kasalanan; iyan ang iniutos ni Yahweh.”
8 Lumapit nga si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kapatawaran ng kanyang kasalanan. 9 Ang dugo nito'y dinala ng mga anak ni Aaron sa kanya. Inilubog naman niya sa dugo ang kanyang daliri at nilagyan ang mga sungay ng altar at ibinuhos sa paanan nito ang natira. 10 Ngunit ang taba, mga bato at ang ibabang bahagi ng atay ng handog para sa kapatawaran ng kasalanan ay sinunog niya sa altar, gaya ng utos ni Yahweh. 11 Ang laman at balat nito ay sinunog naman niya sa labas ng kampo.
12 Pinatay rin ni Aaron ang handog na susunugin. Ibinigay sa kanya ng kanyang mga anak ang dugo nito at ibinuhos sa paligid ng altar. 13 Ibinigay din sa kanya ang kinatay na handog, at kasama ng ulo'y sinunog niya ang mga ito sa altar. 14 Hinugasan niya ang laman-loob, ang mga hita at sinunog din sa altar, kasama ng iba pang bahagi ng handog na susunugin.
15 Pagkatapos, inilapit sa kanya ang lalaking kambing at pinatay niya ito bilang handog para sa kapatawaran ng kasalanan ng buong sambayanan. 16 Ang handog na susunugin ay inihandog din niya ayon sa utos. 17 Kumuha siya ng isang dakot na harina mula sa handog na pagkaing butil at sinunog ito sa altar kasama ng handog na sinusunog sa umaga. 18 Sa(B) kahuli-huliha'y pinatay niya ang toro at ang lalaking tupa, ang handog ng mga tao para sa kapayapaan. Ang dugo nito ay dinala kay Aaron ng kanyang mga anak, at ito nama'y ibinuhos niya sa paligid ng altar. 19 Ang taba naman ng mga ito, ang nasa buntot, ang bumabalot sa laman-loob, mga bato at ang ibabang bahagi ng atay, 20 ay ipinatong niya sa mga dibdib ng mga handog. Pagkatapos, ang mga taba ay sinunog niya sa ibabaw ng altar. 21 Ang dibdib at kanang hita ng mga hayop ay ginawang natatanging handog para kay Yahweh, ayon sa iniutos ni Moises.
22 Itinaas(C) ni Aaron ang kanyang mga kamay at binasbasan ang mga tao. Pagkatapos, bumabâ siya mula sa altar na pinaghandugan niya. 23 Sina Moises at Aaron ay pumasok sa Toldang Tipanan. Paglabas doon, binasbasan nila ang mga tao at nakita ng lahat ang maningning na kaluwalhatian ni Yahweh. 24 Sa harapan niya, nagkaroon ng apoy at tinupok ang handog na susunugin pati ang taba na nasa altar. Nang makita ito ng mga tao, sila'y napasigaw at nagpatirapa.
Leviticus 9
New King James Version
The Priestly Ministry Begins
9 It came to pass on the (A)eighth day that Moses called Aaron and his sons and the elders of Israel. 2 And he said to Aaron, “Take for yourself a young (B)bull as a sin offering and a ram as a burnt offering, without blemish, and offer them before the Lord. 3 And to the children of Israel you shall speak, saying, (C)‘Take a kid of the goats as a sin offering, and a calf and a lamb, both of the first year, without blemish, as a burnt offering, 4 also a bull and a ram as peace offerings, to sacrifice before the Lord, and (D)a grain offering mixed with oil; for (E)today the Lord will appear to you.’ ”
5 So they brought what Moses commanded before the tabernacle of meeting. And all the congregation drew near and stood [a]before the Lord. 6 Then Moses said, “This is the thing which the Lord commanded you to do, and the glory of the Lord will appear to you.” 7 And Moses said to Aaron, “Go to the altar, (F)offer your sin offering and your burnt offering, and make atonement for yourself and for the people. (G)Offer the offering of the people, and make atonement for them, as the Lord commanded.”
8 Aaron therefore went to the altar and killed the calf of the sin offering, which was for himself. 9 Then the sons of Aaron brought the blood to him. And he dipped his finger in the blood, put it on the horns of the altar, and poured the blood at the base of the altar. 10 (H)But the fat, the kidneys, and the fatty lobe from the liver of the sin offering he burned on the altar, as the Lord had commanded Moses. 11 (I)The flesh and the hide he burned with fire outside the camp.
12 And he killed the burnt offering; and Aaron’s sons presented to him the blood, (J)which he sprinkled all around on the altar. 13 (K)Then they presented the burnt offering to him, with its pieces and head, and he burned them on the altar. 14 (L)And he washed the entrails and the legs, and burned them with the burnt offering on the altar.
15 (M)Then he brought the people’s offering, and took the goat, which was the sin offering for the people, and killed it and offered it for sin, like the first one. 16 And he brought the burnt offering and offered it (N)according to the [b]prescribed manner. 17 Then he brought the grain offering, took a handful of it, and burned it on the altar, (O)besides the burnt sacrifice of the morning.
18 He also killed the bull and the ram as (P)sacrifices of peace offerings, which were for the people. And Aaron’s sons presented to him the blood, which he sprinkled all around on the altar, 19 and the fat from the bull and the ram—the fatty tail, what covers the entrails and the kidneys, and the fatty lobe attached to the liver; 20 and they put the fat on the breasts. (Q)Then he burned the fat on the altar; 21 but the breasts and the right thigh Aaron waved (R)as a wave offering before the Lord, as Moses had commanded.
22 Then Aaron lifted his hand toward the people, (S)blessed them, and came down from offering the sin offering, the burnt offering, and peace offerings. 23 And Moses and Aaron went into the tabernacle of meeting, and came out and blessed the people. Then the glory of the Lord appeared to all the people, 24 and (T)fire came out from before the Lord and consumed the burnt offering and the fat on the altar. When all the people saw it, they (U)shouted and fell on their (V)faces.
Footnotes
- Leviticus 9:5 in the presence of
- Leviticus 9:16 ordinance
利 未 記 9
Chinese Union Version (Traditional)
9 到 了 第 八 天 , 摩 西 召 了 亞 倫 和 他 兒 子 , 並 以 色 列 的 眾 長 老 來 ,
2 對 亞 倫 說 : 你 當 取 牛 群 中 的 一 隻 公 牛 犢 作 贖 罪 祭 , 一 隻 公 綿 羊 作 燔 祭 , 都 要 沒 有 殘 疾 的 , 獻 在 耶 和 華 面 前 。
3 你 也 要 對 以 色 列 人 說 : 你 們 當 取 一 隻 公 山 羊 作 贖 罪 祭 , 又 取 一 隻 牛 犢 和 一 隻 綿 羊 羔 , 都 要 一 歲 、 沒 有 殘 疾 的 , 作 燔 祭 ,
4 又 取 一 隻 公 牛 , 一 隻 公 綿 羊 作 平 安 祭 , 獻 在 耶 和 華 面 前 , 並 取 調 油 的 素 祭 , 因 為 今 天 耶 和 華 要 向 你 們 顯 現 。
5 於 是 他 們 把 摩 西 所 吩 咐 的 , 帶 到 會 幕 前 ; 全 會 眾 都 近 前 來 , 站 在 耶 和 華 面 前 。
6 摩 西 說 : 這 是 耶 和 華 吩 咐 你 們 所 當 行 的 ; 耶 和 華 的 榮 光 就 要 向 你 們 顯 現 。
7 摩 西 對 亞 倫 說 : 你 就 近 壇 前 , 獻 你 的 贖 罪 祭 和 燔 祭 , 為 自 己 與 百 姓 贖 罪 , 又 獻 上 百 姓 的 供 物 , 為 他 們 贖 罪 , 都 照 耶 和 華 所 吩 咐 的 。
8 於 是 , 亞 倫 就 近 壇 前 , 宰 了 為 自 己 作 贖 罪 祭 的 牛 犢 。
9 亞 倫 的 兒 子 把 血 奉 給 他 , 他 就 把 指 頭 蘸 在 血 中 , 抹 在 壇 的 四 角 上 , 又 把 血 倒 在 壇 腳 那 裡 。
10 惟 有 贖 罪 祭 的 脂 油 和 腰 子 , 並 肝 上 取 的 網 子 , 都 燒 在 壇 上 , 是 照 耶 和 華 所 吩 咐 摩 西 的 ;
11 又 用 火 將 肉 和 皮 燒 在 營 外 。
12 亞 倫 宰 了 燔 祭 牲 , 他 兒 子 把 血 遞 給 他 , 他 就 灑 在 壇 的 周 圍 ,
13 又 把 燔 祭 一 塊 一 塊 的 、 連 頭 遞 給 他 , 他 都 燒 在 壇 上 ;
14 又 洗 了 臟 腑 和 腿 , 燒 在 壇 上 的 燔 祭 上 。
15 他 奉 上 百 姓 的 供 物 , 把 那 給 百 姓 作 贖 罪 祭 的 公 山 羊 宰 了 , 為 罪 獻 上 , 和 先 獻 的 一 樣 ;
16 也 奉 上 燔 祭 , 照 例 而 獻 。
17 他 又 奉 上 素 祭 , 從 其 中 取 一 滿 把 , 燒 在 壇 上 ; 這 是 在 早 晨 的 燔 祭 以 外 。
18 亞 倫 宰 了 那 給 百 姓 作 平 安 祭 的 公 牛 和 公 綿 羊 。 他 兒 子 把 血 遞 給 他 , 他 就 灑 在 壇 的 周 圍 ;
19 又 把 公 牛 和 公 綿 羊 的 脂 油 、 肥 尾 巴 , 並 蓋 臟 的 脂 油 與 腰 子 , 和 肝 上 的 網 子 , 都 遞 給 他 ;
20 把 脂 油 放 在 胸 上 , 他 就 把 脂 油 燒 在 壇 上 。
21 胸 和 右 腿 , 亞 倫 當 作 搖 祭 , 在 耶 和 華 面 前 搖 一 搖 , 都 是 照 摩 西 所 吩 咐 的 。
22 亞 倫 向 百 姓 舉 手 , 為 他 們 祝 福 。 他 獻 了 贖 罪 祭 、 燔 祭 、 平 安 祭 就 下 來 了 。
23 摩 西 、 亞 倫 進 入 會 幕 , 又 出 來 為 百 姓 祝 福 , 耶 和 華 的 榮 光 就 向 眾 民 顯 現 。
24 有 火 從 耶 和 華 面 前 出 來 , 在 壇 上 燒 盡 燔 祭 和 脂 油 ; 眾 民 一 見 , 就 都 歡 呼 , 俯 伏 在 地 。
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

