Levitico 7:28-30
Ang Dating Biblia (1905)
28 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
29 Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan;
30 Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang ang dibdib ay alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.
Read full chapter
Levitico 7:28-30
Ang Biblia, 2001
28 Ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi:
29 “Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ang naghahandog sa Panginoon ng handog pangkapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng handog na mula sa kanyang mga handog pangkapayapaan.
30 Ang kanyang sariling mga kamay ang magdadala sa Panginoon ng mga handog na pinaraan sa apoy; dadalhin niya ang taba kasama ang dibdib upang iwagayway bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon.
Read full chapter
Leviticus 7:28-30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Bahagi ng mga Pari sa mga Handog
28 Nag-utos din ang Panginoon kay Moises 29 na sabihin ito sa mga taga-Israel:
Ang sinumang mag-aalay ng handog para sa mabuting relasyon ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari. 30 At ang bahaging iyon ng handog ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Dadalhin niya ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
Read full chapter
Leviticus 7:28-30
New International Version
The Priests’ Share
28 The Lord said to Moses, 29 “Say to the Israelites: ‘Anyone who brings a fellowship offering to the Lord is to bring part of it as their sacrifice to the Lord. 30 With their own hands they are to present the food offering to the Lord; they are to bring the fat, together with the breast, and wave the breast before the Lord as a wave offering.(A)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

