Levitico 13
Magandang Balita Biblia
Tuntunin tungkol sa mga Sakit sa Balat
13 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 2 “Kung ang balat ninuman ay mamaga, magnana o kaya'y magkaroon ng parang singaw, at ang mga ito'y maging sakit sa balat na parang ketong, dapat siyang dalhin kay Aaron o sa mga anak niyang pari. 3 Susuriin ito ng pari at kung makita nitong namuti ang balahibo sa balat at sa palagay nito'y tagos hanggang laman, ang taong iyon ay maysakit sa balat na parang ketong. Kung magkagayon, ipahahayag niya itong marumi. 4 Ngunit kung balat lamang ang namuti at hindi pati balahibo, ihihiwalay siya nang pitong araw. 5 Pagkatapos, susuriin siyang muli sa ikapitong araw at kung sa tingin ng pari ay hindi lumalala ang sakit sa balat, pitong araw pa niya itong ihihiwalay. 6 Pagkaraan ng pitong araw, susuriin niyang muli ang may sakit. Kung nagbalik sa dati ang kulay ng kanyang balat at ang sakit sa balat ay hindi kumalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan, ipahahayag siyang malinis dahil isa lamang itong pamamaga. Lalabhan niya ang kanyang damit at siya'y magiging malinis na. 7 Ngunit kung mamaga uli ang kanyang balat at kumalat ang sakit sa ibang bahagi ng katawan, muli siyang haharap sa pari. 8 Sisiyasatin siyang muli at kung ang pamamaga ay kumakalat nga, ipahahayag ng pari na ang maysakit ay marumi. May sakit sa balat na parang ketong ang taong iyon.
9 “Ang sinumang magkaroon ng sakit na ito ay dapat dalhin sa pari 10 para masuri. Sisiyasatin ito at kung ang namamagang balat ay mamuti at magnaknak at ang balahibo nito ay mamuti rin, 11 hindi na siya ihihiwalay pa sapagkat tiyak ngang siya'y marumi. 12 Kung kumalat ito sa buong katawan, 13 sisiyasatin siya ng pari at kung naging maputing lahat ang balat niya, ipahahayag siyang malinis. 14 Subalit sa sandaling magbalik ang dating kulay at ang balat ay muling magsugat-sugat, ituturing siyang marumi. 15 Sisiyasatin siya ng pari at kung gayon nga ang makita rito, ipahahayag nitong marumi ang taong iyon. Ang paglitaw ng mga sugat ay tanda na ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong at siya ay maituturing na marumi. 16 Kung sakaling gumaling ang sugat at pumuti ang balat, dapat siyang pumunta sa pari 17 upang muling magpasuri. Kung makita ng pari na ang kanyang sugat ay pumuti, ipahahayag siyang magaling na. Malinis na siya ayon sa rituwal.
18 “Kung magkapigsa ang alinmang bahagi ng kanyang katawan at gumaling, 19 ngunit ito'y mamaga uli at mamuti o mamula, dapat humarap sa pari ang taong iyon. 20 Kung makita niyang tagos sa laman ang sugat at ang balahibo nito ay namuti, ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong; ang pinagmulan nito ay sa pigsa. 21 Ngunit kung hindi naman tagos sa laman at hindi namuti ang balahibo, ang maysakit ay ibubukod nang pitong araw. 22 Kung lumaganap ito sa ibang bahagi ng katawan, ipahahayag siyang marumi sapagkat siya'y may nakakahawang sakit sa balat. 23 Kung hindi naman kumalat sa ibang bahagi ng katawan, ito'y marka lamang ng pigsa at ipahahayag ng pari na malinis ang taong iyon.
24 “Kung mapaso ang isang parte ng katawan at ang parteng hindi napaso ay namula o namuti, 25 susuriin ito ng pari. Kung pumuti ang balahibo nito at tumagos sa laman ang sugat, ito'y sakit sa balat na parang ketong. Ipahahayag na marumi ang taong iyon. 26 Kung makita ng pari na ang balahibo ng napasong parte ng katawan ay hindi namuti at hindi tagos sa laman ang sugat, ihihiwalay niya ang taong iyon nang pitong araw. 27 Pagkatapos, ito'y susuriin ng pari at kung ang sakit ay kumakalat sa katawan, ipahahayag na marumi ang taong iyon. Siya ay may sakit sa balat na parang ketong. 28 Ngunit kung hindi kumakalat o humahawa sa ibang panig ng katawan at maputla ang kulay, pamamaga lamang ito ng napaso; ipahahayag siya ng pari bilang malinis sapagkat ito'y paltos lamang.
29 “Kung ang isang lalaki o babae ay magkasugat sa ulo o sa baba, 30 susuriin siya ng pari. Kung nangangati at tagos sa laman ang sugat, at ang buhok ay numinipis at naninilaw-nilaw, ipahahayag siyang marumi; siya'y may sakit sa balat na parang ketong. 31 Ngunit kung ang nangangating sugat ay hindi naman umabot sa laman at hindi nanilaw ang buhok, ihihiwalay siya sa loob nang pitong araw. 32 Pagkatapos, susuriin siya ng pari. Kung hindi ito kumakalat at di tagos sa laman o hindi naninilaw ang buhok, 33 mag-aahit ang maysakit maliban sa palibot ng sugat, ngunit pitong araw pa siyang ihihiwalay. 34 Sa ikapitong araw, susuriin siyang muli ng pari. Kung ang sugat ay hindi kumakalat sa ibang panig ng katawan, ipahahayag siya ng pari bilang malinis. Maglalaba siya ng kanyang damit at siya'y magiging malinis. 35 Ngunit pagkatapos niyang makapaglinis at magkaroon muli ng sugat sa ibang panig ng katawan, 36 susuriin siya ng pari. Kung kumakalat ang sugat, ang taong iyon ay ituturing na marumi kahit hindi naninilaw ang buhok sa may sugat. 37 Kung sa tingin ng pari ay hindi kumakalat ang sugat at tinutubuan na ito ng itim na buhok, magaling na ang taong iyon at ituturing nang malinis.
38 “Kung ang sinumang babae o lalaki ay magkaroon ng mga batik na puti sa kanyang balat, 39 susuriin siya ng pari. Kung hindi masyadong maputi ang batik, an-an lamang iyon; siya'y ituturing na malinis.
40 “Kung nalalagas ang buhok ng isang tao, hindi siya ituturing na marumi kahit siya'y kalbo. 41 Kung malugas ang buhok sa gawing noo, siya ay kalbo rin, ngunit ituturing na malinis. 42 Ngunit kung may lumitaw na mamula-mulang sugat sa kalbo niyang ulo o noo, ito'y maaaring sakit sa balat na parang ketong. 43 Susuriin siya ng pari. Kung ang sugat na iyon ay tulad ng sakit sa balat na parang ketong na tumubo sa ibang bahagi ng katawan, 44 ipahahayag ng pari na siya'y marumi dahil sa sakit sa balat na parang ketong na nasa kanyang ulo.
45 “Ang taong may sakit sa balat na parang ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, huwag mag-aayos ng buhok, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi ako! Marumi ako!’ 46 Hangga't siya'y may sugat, ituturing siyang marumi at sa labas ng kampo maninirahang mag-isa.”
Tuntunin tungkol sa Mantsa sa Damit o Kagamitang Katad
47 “Kung magkaroon ng amag[a] ang damit na lana o lino 48 o ang sinulid na lana o lino na di pa nahahabi o anumang yari sa balat, at 49 kung berde o mamula-mula ang amag, ito'y dapat ipakita sa pari. 50 Susuriin niya ito at pitong araw na ipapatago ang damit na nagkabatik. 51 Sa ikapitong araw, muli niyang titingnan ito at kung ang amag ay humawa sa ibang bahagi ng damit, maging ito'y kagamitang yari sa tela o balat, ituturing itong marumi. 52 Susunugin na niya ang mga ito sapagkat ito'y nakakahawa.
53 “Subalit kung hindi naman humahawa sa ibang parte ang mantsa nito, maging ito'y sa damit, sa kagamitang yari sa balat o sinulid, 54 iuutos niyang labhan iyon, ngunit ipapatago pa niya nang pitong araw. 55 Pagkatapos, muli itong sisiyasatin ng pari. Kung hindi pa rin nagbabago ang kulay nito, kahit hindi humahawa, ituturing na itong marumi at dapat sunugin, kahit ang amag ay nasa loob o nasa labas na bahagi ng kagamitan.
56 “Ngunit kung mapuna niyang kumupas ang mantsa, ang bahaging iyo'y gugupitin niya sa damit o kagamitang yari sa tela o balat. 57 At kung may lumitaw pang ibang mantsa, ang damit ay dapat nang sunugin. 58 Ngunit kung malabhan ang damit, kagamitang yari sa balat o sinulid, at maalis ang mantsa, ito'y lalabhang muli at ituturing nang malinis.”
59 Ito ang tuntunin tungkol sa mga amag ng anumang kasuotang damit o balat upang malaman kung marumi o malinis ang mga iyon.
Footnotes
- Levitico 13:47 AMAG: Sa wikang Hebreo, ang katumbas na salita ay tumutukoy sa maraming uri ng sakit sa balat na parang ketong.
Levitico 13
Ang Dating Biblia (1905)
13 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2 Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman, ng pamamaga, o langib, o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman, ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote, o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote:
3 At titingnan ng saserdote ang tila salot na nasa balat ng kaniyang laman: at kung ang balahibo sa tila salot ay pumuti, at makitang ang sugat ay malalim kay sa balat ng kaniyang laman, ay salot na ketong nga: at siya'y mamasdan ng saserdote at ipakikilala siyang karumaldumal.
4 At kung ang pantal na makintab ay maputi sa balat ng kaniyang laman, at makitang hindi malalim kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay hindi pumuti, ay kukulungin ng saserdote ang may tila salot na pitong araw.
5 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay tumigil, at hindi kumalat ang tila salot sa balat, ay kukulungin uli siya ng saserdote na pitong araw:
6 At titingnan siya uli ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay namutla, at ang tila salot ay hindi kumalat sa balat, ay ipakikilalang malinis siya ng saserdote: langib yaon; at kaniyang lalabhan ang kaniyang suot, at magiging malinis.
7 Datapuwa't kung ang langib ay kumakalat sa balat, pagkatapos na siya'y makapakita sa saserdote upang siya'y linisin, ay pakikita siya uli sa saserdote:
8 At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung ang langib ay kumakalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: ketong nga yaon.
9 Pagka nagkaroon ng tila salot na ketong ang sinomang tao, ay dadalhin siya sa saserdote;
10 At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo, at may matigas na lamang buhay sa pamamaga,
11 Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman, at ipakikilala ng saserdote na siya'y karumaldumal; hindi siya kukulungin; sapagka't siya'y karumaldumal.
12 At kung kumalat ang ketong sa balat, at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot, mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng saserdote;
13 At titingnan nga siya ng saserdote; at, narito, kung makitang ang ketong ay kumalat sa buong laman niya, ay ipakikilalang malinis ang may tila salot: pumuting lahat: siya'y malinis.
14 Datapuwa't sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buhay, ay magiging karumaldumal siya.
15 At titingnan ng saserdote ang lamang buhay, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buhay ay karumaldumal: ketong nga.
16 O kung magbago uli ang lamang buhay at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote;
17 At titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot: siya'y malinis.
18 At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang bukol at gumaling,
19 At humalili sa bukol ay isang pamamaga na maputi, o isang pantal na makintab, na namumulang puti, ay ipakikita sa saserdote;
20 At titingnan ng saserdote; at, narito, kung makitang tila impis kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay tila pumuti, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong yaon; lumitaw sa bukol.
21 Datapuwa't kung pagtingin ng saserdote, ay makitang walang balahibong puti yaon, o hindi impis man kay sa balat, kungdi namutla, ay kukulungin ng saserdote siya na pitong araw.
22 At kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot nga yaon.
23 Nguni't kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan, at hindi kumalat, ay piklat nga ng bukol; at ipakikilala ng saserdote na malinis siya.
24 O pagka nagkaroon sa balat ng laman, ng paso ng apoy, at ang lamang paso ay naging tila pantal na makintab, na namumulang puti, o maputi;
25 At titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang buhok ay pumuti sa pantal na makintab, at tila mandin malalim kaysa balat; ay ketong nga na lumitaw sa paso: at ipakikilala ng saserdote na karumaldumal; salot na ketong nga yaon.
26 Nguni't kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang sa pantal na makintab ay walang balahibong maputi, at hindi impis kaysa balat, kungdi namutla; ay kukulungin nga siya ng saserdote na pitong araw.
27 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong nga yaon.
28 At kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan at hindi kumalat sa balat, kungdi pumutla, ay pamamaga ng paso yaon, at ipakikilala ng saserdote na malinis: sapagka't piklat ng paso yaon.
29 At kung ang sinomang lalake o babae ay mayroong tila salot sa ulo o sa baba,
30 Ay titingnan nga ng saserdote ang tila salot: at, narito, kung makitang tila malalim kaysa balat, at yao'y may buhok na naninilaw na manipis, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: tina nga, ketong nga yaon sa ulo o sa baba.
31 At kung makita ng saserdote ang tila salot na tina, at, narito, tila hindi malalim kaysa balat, at walang buhok na maitim yaon, ay kukulungin ng saserdote na pitong araw ang may tila salot na tina;
32 At sa ikapitong araw ay titingnan ng saserdote ang tila salot; at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang tina, at walang buhok na naninilaw, at tila ang tina ay hindi malalim kaysa balat,
33 Ay aahitan nga, datapuwa't hindi aahitan ang kinaroroonan ng tina; at ipakukulong ng saserdote ang may tina ng muling pitong araw:
34 At titingnan ng saserdote ang tina sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang hindi kumalat ang tina sa balat, at tila hindi malalim kaysa balat; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis at siya'y maglalaba ng kaniyang suot at magiging malinis.
35 Nguni't kung ang tina ay kumalat sa balat, pagkatapos ng kaniyang paglilinis;
36 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang kumalat sa balat ang tina ay hindi hahanapin ng saserdote ang buhok na maninilaw; siya'y karumaldumal.
37 Datapuwa't kung sa kaniyang paningin ay tumigil ang tina at may tumubong buhok na itim; ay gumaling ang tina, siya'y malinis: at ipakikilalang malinis siya ng saserdote.
38 At pagka ang isang lalake o babae ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman ng nangingintab na pantal, ng makikintab na pantal na puti;
39 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang nangingintab na pantal sa balat ng kaniyang laman ay namumutimuti; yao'y buni na sumibol sa balat; siya'y malinis.
40 At kung ang sinoman ay malugunan ng buhok, ay kalbo gayon ma'y malinis.
41 At kung sa dakong harapan ng ulo nalugunan ng buhok, ay kalbo yaon sa noo gayon ma'y malinis.
42 Datapuwa't kung sa kakalbuhan, sa ulo o sa noo ay magkaroon ng tila salot ng namumulang maputi; ay ketong na sumibol sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo.
43 Kung magkagayo'y titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo, gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman;
44 Ay ketongin siya, siya'y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal; nasa kaniyang ulo ang salot niya.
45 At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. Karumaldumal, karumaldumal.
46 Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan.
47 Ang suot na kinaroroonan ng ketong, maging kasuutang balahibo ng tupa o kasuutang lino;
48 Maging nasa paayon o maging nasa pahalang; ng lino o ng balahibo ng tupa; maging sa balat o sa alin mang yaring balat;
49 Kung ang tila salot ay namemerde o namumula sa kasuutan, o sa balat, maging sa paayon, o maging sa pahalang, o sa alin mang kasangkapang balat; ay salot na ketong nga at ipakikita sa saserdote,
50 At titingnan ng saserdote ang tila salot, at ipatatago ng pitong araw ang bagay na may tila salot:
51 At titingnan ang bagay na may tila salot, sa ikapitong araw: kung kumalat ang tila salot sa kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa balat, o alin mang ginagawa sa balat, ay ketong na ngumangatngat ang gayon tila salot; yao'y karumaldumal.
52 At kaniyang susunugin ang kasuutan, maging paayon, at maging pahalang ng balahibo ng tupa o lino o sa alin mang kasangkapang balat na kinaroroonan ng salot; sapagka't yao'y ketong na ngumangatngat, yao'y susunugin sa apoy.
53 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang salot sa kasuutan, maging sa paayon man, o sa pahalang man, o sa alin mang kasangkapang balat;
54 Ay palalabhan nga ng saserdote yaong kinaroroonan ng salot, at ipatatago pa ng pitong araw:
55 At titingnan ng saserdote ang bagay na may salot, pagkatapos na malabhan: at, narito, kung makitang ang salot ay hindi nagbago ang kulay, at hindi kumalat ang salot, yao'y karumaldumal; susunugin mo sa apoy: isang ngatngat nga, maging ang nanisnis ay nasa karayagan o nasa kabaligtaran.
56 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang namutla ang dakong may salot pagkatapos na malabhan, ay hahapakin sa kasuutan, o sa balat, o sa paayon, o sa pahalang:
57 At kung muling lumitaw sa kasuutang yaon, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, ay muling sumisibol: susunugin mo sa apoy yaong kinaroroonan ng salot.
58 At ang kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, na iyong labhan, at maalis ang salot, ay lalabhan ngang ikalawa, at magiging malinis.
59 Ito ang kautusan tungkol sa salot na ketong sa kasuutang balahibo ng tupa o lino, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, upang ipakilalang malinis, o upang ipakilalang karumaldumal.
Leviticus 13
New International Version
Regulations About Defiling Skin Diseases
13 The Lord said to Moses and Aaron, 2 “When anyone has a swelling(A) or a rash or a shiny spot(B) on their skin that may be a defiling skin disease,[a](C) they must be brought to Aaron the priest(D) or to one of his sons[b] who is a priest. 3 The priest is to examine the sore on the skin, and if the hair in the sore has turned white and the sore appears to be more than skin deep, it is a defiling skin disease. When the priest examines that person, he shall pronounce them ceremonially unclean.(E) 4 If the shiny spot(F) on the skin is white but does not appear to be more than skin deep and the hair in it has not turned white, the priest is to isolate the affected person for seven days.(G) 5 On the seventh day(H) the priest is to examine them,(I) and if he sees that the sore is unchanged and has not spread in the skin, he is to isolate them for another seven days. 6 On the seventh day the priest is to examine them again, and if the sore has faded and has not spread in the skin, the priest shall pronounce them clean;(J) it is only a rash. They must wash their clothes,(K) and they will be clean.(L) 7 But if the rash does spread in their skin after they have shown themselves to the priest to be pronounced clean, they must appear before the priest again.(M) 8 The priest is to examine that person, and if the rash has spread in the skin, he shall pronounce them unclean; it is a defiling skin disease.
9 “When anyone has a defiling skin disease, they must be brought to the priest. 10 The priest is to examine them, and if there is a white swelling in the skin that has turned the hair white and if there is raw flesh in the swelling, 11 it is a chronic skin disease(N) and the priest shall pronounce them unclean. He is not to isolate them, because they are already unclean.
12 “If the disease breaks out all over their skin and, so far as the priest can see, it covers all the skin of the affected person from head to foot, 13 the priest is to examine them, and if the disease has covered their whole body, he shall pronounce them clean. Since it has all turned white, they are clean. 14 But whenever raw flesh appears on them, they will be unclean. 15 When the priest sees the raw flesh, he shall pronounce them unclean. The raw flesh is unclean; they have a defiling disease.(O) 16 If the raw flesh changes and turns white, they must go to the priest. 17 The priest is to examine them, and if the sores have turned white, the priest shall pronounce the affected person clean;(P) then they will be clean.
18 “When someone has a boil(Q) on their skin and it heals, 19 and in the place where the boil was, a white swelling or reddish-white(R) spot(S) appears, they must present themselves to the priest. 20 The priest is to examine it, and if it appears to be more than skin deep and the hair in it has turned white, the priest shall pronounce that person unclean. It is a defiling skin disease(T) that has broken out where the boil was. 21 But if, when the priest examines it, there is no white hair in it and it is not more than skin deep and has faded, then the priest is to isolate them for seven days. 22 If it is spreading in the skin, the priest shall pronounce them unclean; it is a defiling disease. 23 But if the spot is unchanged and has not spread, it is only a scar from the boil, and the priest shall pronounce them clean.(U)
24 “When someone has a burn on their skin and a reddish-white or white spot appears in the raw flesh of the burn, 25 the priest is to examine the spot, and if the hair in it has turned white, and it appears to be more than skin deep, it is a defiling disease that has broken out in the burn. The priest shall pronounce them unclean; it is a defiling skin disease.(V) 26 But if the priest examines it and there is no white hair in the spot and if it is not more than skin deep and has faded, then the priest is to isolate them for seven days.(W) 27 On the seventh day the priest is to examine that person,(X) and if it is spreading in the skin, the priest shall pronounce them unclean; it is a defiling skin disease. 28 If, however, the spot is unchanged and has not spread in the skin but has faded, it is a swelling from the burn, and the priest shall pronounce them clean; it is only a scar from the burn.(Y)
29 “If a man or woman has a sore on their head(Z) or chin, 30 the priest is to examine the sore, and if it appears to be more than skin deep and the hair in it is yellow and thin, the priest shall pronounce them unclean; it is a defiling skin disease on the head or chin. 31 But if, when the priest examines the sore, it does not seem to be more than skin deep and there is no black hair in it, then the priest is to isolate the affected person for seven days.(AA) 32 On the seventh day the priest is to examine the sore,(AB) and if it has not spread and there is no yellow hair in it and it does not appear to be more than skin deep, 33 then the man or woman must shave themselves, except for the affected area, and the priest is to keep them isolated another seven days. 34 On the seventh day the priest is to examine the sore,(AC) and if it has not spread in the skin and appears to be no more than skin deep, the priest shall pronounce them clean. They must wash their clothes, and they will be clean.(AD) 35 But if the sore does spread in the skin after they are pronounced clean, 36 the priest is to examine them, and if he finds that the sore has spread in the skin, he does not need to look for yellow hair; they are unclean.(AE) 37 If, however, the sore is unchanged so far as the priest can see, and if black hair has grown in it, the affected person is healed. They are clean, and the priest shall pronounce them clean.
38 “When a man or woman has white spots on the skin, 39 the priest is to examine them, and if the spots are dull white, it is a harmless rash that has broken out on the skin; they are clean.
40 “A man who has lost his hair and is bald(AF) is clean. 41 If he has lost his hair from the front of his scalp and has a bald forehead, he is clean. 42 But if he has a reddish-white sore on his bald head or forehead, it is a defiling disease breaking out on his head or forehead. 43 The priest is to examine him, and if the swollen sore on his head or forehead is reddish-white like a defiling skin disease, 44 the man is diseased and is unclean. The priest shall pronounce him unclean because of the sore on his head.
45 “Anyone with such a defiling disease must wear torn clothes,(AG) let their hair be unkempt,[c] cover the lower part of their face(AH) and cry out, ‘Unclean! Unclean!’(AI) 46 As long as they have the disease they remain unclean. They must live alone; they must live outside the camp.(AJ)
Regulations About Defiling Molds
47 “As for any fabric that is spoiled with a defiling mold—any woolen or linen clothing, 48 any woven or knitted material of linen or wool, any leather or anything made of leather— 49 if the affected area in the fabric, the leather, the woven or knitted material, or any leather article, is greenish or reddish, it is a defiling mold and must be shown to the priest.(AK) 50 The priest is to examine the affected area(AL) and isolate the article for seven days. 51 On the seventh day he is to examine it,(AM) and if the mold has spread in the fabric, the woven or knitted material, or the leather, whatever its use, it is a persistent defiling mold; the article is unclean.(AN) 52 He must burn the fabric, the woven or knitted material of wool or linen, or any leather article that has been spoiled; because the defiling mold is persistent, the article must be burned.(AO)
53 “But if, when the priest examines it, the mold has not spread in the fabric, the woven or knitted material, or the leather article, 54 he shall order that the spoiled article be washed. Then he is to isolate it for another seven days. 55 After the article has been washed, the priest is to examine it again, and if the mold has not changed its appearance, even though it has not spread, it is unclean. Burn it, no matter which side of the fabric has been spoiled. 56 If, when the priest examines it, the mold has faded after the article has been washed, he is to tear the spoiled part out of the fabric, the leather, or the woven or knitted material. 57 But if it reappears in the fabric, in the woven or knitted material, or in the leather article, it is a spreading mold; whatever has the mold must be burned. 58 Any fabric, woven or knitted material, or any leather article that has been washed and is rid of the mold, must be washed again. Then it will be clean.”
59 These are the regulations concerning defiling molds in woolen or linen clothing, woven or knitted material, or any leather article, for pronouncing them clean or unclean.
Footnotes
- Leviticus 13:2 The Hebrew word for defiling skin disease, traditionally translated “leprosy,” was used for various diseases affecting the skin; here and throughout verses 3-46.
- Leviticus 13:2 Or descendants
- Leviticus 13:45 Or clothes, uncover their head
Lê-vi 13
Bản Dịch 2011
Luật về Bệnh Phung và Các Bệnh Ngoài Da
Nhiễm Trùng và Ung Nhọt
13 Chúa phán với Môi-se và A-rôn rằng, 2 “Khi da người nào bị sưng lên, hoặc nổi ung nhọt, hoặc nổi đốm, và biến thành bệnh phung[a] trên da thịt người ấy, người ấy phải được đưa đến Tư Tế A-rôn hoặc đưa đến một tư tế là con trai của A-rôn. 3 Tư tế sẽ khám nghiệm chỗ da thịt bị thương của người ấy. Nếu lông chỗ bị thương đã đổi thành trắng và chỗ bị thương lõm sâu trong da thịt người ấy, đó là một vết phung. Sau khi khám nghiệm, tư tế phải tuyên bố rằng người ấy đã bị ô uế. 4 Nếu chỗ đốm trên da thịt người ấy có màu trắng, vết đốm không lõm sâu xuống mặt da, lông ở chỗ đó cũng chưa đổi thành màu trắng, thì tư tế phải cô lập người bệnh trong bảy ngày. 5 Vào ngày thứ bảy, tư tế sẽ tái khám vết thương của người ấy, nếu tư tế thấy vết thương đó vẫn như cũ, không lan ra trên da, thì tư tế phải cô lập người ấy thêm bảy ngày nữa. 6 Vào ngày thứ bảy, tư tế sẽ tái khám người ấy một lần nữa, nếu vết thương bấy giờ đã nhạt dần, và bệnh không lan ra trên da, tư tế phải tuyên bố rằng người ấy được sạch. Ðó chỉ là một ung nhọt thường. Người ấy phải giặt sạch y phục mình, và được xem là sạch. 7 Nhưng nếu sau khi người ấy đã được tư tế khám nghiệm và tuyên bố là sạch, mà ung nhọt tái phát và lan ra trên da, người ấy phải trở lại trình diện với tư tế. 8 Tư tế phải khám nghiệm, và nếu ung nhọt đã lan ra trên da, tư tế phải tuyên bố rằng người ấy đã bị ô uế; đó là bịnh phung.
Bệnh Phung Kinh Niên
9 Khi một người mắc bịnh phung,[b] người ấy phải được đem đến tư tế. 10 Tư tế sẽ khám nghiệm, nếu da chỗ sưng màu trắng, lông nơi đó cũng đã biến thành trắng, và có thịt đỏ tươi lộ ra ở vết sưng, 11 đó là bệnh phung kinh niên trong da thịt người ấy. Tư tế sẽ tuyên bố người ấy đã bị ô uế. Tư tế sẽ không cô lập người ấy để tái khám nữa, vì người ấy đã bị xem là ô uế.
12 Nhưng nếu bệnh ấy cứ lan ra trên da, tràn khắp cơ thể người bệnh, từ đầu đến chân, nhìn đâu tư tế cũng thấy, 13 bấy giờ tư tế sẽ khám nghiệm, và nếu bệnh đã lan khắp cả cơ thể người ấy, tư tế sẽ tuyên bố người ấy sạch, vì toàn thân đều đã biến thành trắng, nên người ấy được xem là sạch.
14 Nhưng nếu thấy thịt đỏ tươi lộ ra trên cơ thể người ấy, người ấy sẽ bị xem là ô uế. 15 Tư tế sẽ khám nghiệm chỗ thịt đỏ tươi và tuyên bố người ấy ô uế. Thịt đỏ tươi lộ ra là ô uế, vì đó là bệnh phung.
16 Nhưng nếu chỗ thịt đỏ tươi đó đã đổi thành màu trắng, người ấy phải đến trình diện với tư tế. 17 Tư tế sẽ khám nghiệm người bệnh, và nếu chỗ bị bệnh đã biến thành trắng, tư tế phải tuyên bố người bệnh đã được sạch; người ấy sẽ được xem là sạch.
Ung Nhọt
18 Khi da trên cơ thể người nào có một ung nhọt đã được lành, 19 nhưng ngay chỗ có ung nhọt lại nổi lên một mụt màu trắng hoặc một đốm trắng hồng, người ấy phải đến trình cho tư tế biết. 20 Tư tế sẽ khám nghiệm. Nếu mụt hay đốm ấy lõm sâu vào da thịt và lông nơi đó đã biến thành trắng, tư tế phải tuyên bố người ấy đã bị ô uế, vì đó là bệnh phung đã lộ ra qua chỗ ung nhọt. 21 Nhưng nếu tư tế khám nghiệm chỗ ấy và thấy lông nơi đó chưa biến thành trắng, trên mặt cũng không lõm sâu vào da thịt, nhưng đã nhạt màu, tư tế phải cô lập người ấy trong bảy ngày. 22 Nếu nó lan ra trên da, tư tế sẽ tuyên bố người ấy ô uế; người ấy đã mắc bệnh. 23 Nhưng nếu đốm ấy cứ giữ nguyên một chỗ và không lan ra, thì đó chỉ là vết thẹo của ung nhọt; tư tế phải tuyên bố người ấy sạch.
Ghẻ Phỏng
24 Hoặc khi da trên cơ thể người nào có một ghẻ phỏng và thịt đỏ tươi ở chỗ phỏng đó đã trở thành một đốm có màu trắng hồng hay màu trắng, 25 tư tế phải khám nghiệm đốm ấy. Nếu lông ở chỗ đó đã biến thành trắng, và vết đốm đã lõm sâu vào trong da thịt, thì đó là bệnh phung. Nó đã lộ ra qua chỗ ghẻ phỏng, và tư tế phải tuyên bố người ấy ô uế. Ðó là bệnh phung. 26 Nhưng nếu tư tế khám nghiệm đốm ấy và thấy lông ở đó không có màu trắng, và nó không lõm sâu vào da thịt, nhưng đã nhạt màu, tư tế phải cô lập người ấy bảy ngày. 27 Vào ngày thứ bảy, tư tế phải tái khám người ấy, nếu đốm ấy đã lan ra trên da, tư tế phải tuyên bố người ấy ô uế; đó là bệnh phung. 28 Nhưng nếu đốm ấy vẫn ở nguyên một chỗ, không lan ra trên da, nhưng lại nhạt màu đi, thì đó chỉ là vết sưng nổi ra ở chỗ ghẻ phỏng; tư tế sẽ tuyên bố người ấy sạch, vì đó chỉ là vết thẹo ở chỗ phỏng.
Ghẻ Chốc
29 Khi một người nam hay nữ có ghẻ chốc trong tóc trên đầu hay trong râu trên mặt, 30 tư tế sẽ khám nghiệm chỗ ghẻ chốc ấy. Nếu nó lõm sâu vào trong da thịt và tóc hay râu ở đó đã đổi thành màu vàng và nhỏ, tư tế phải tuyên bố người ấy ô uế. Ðó là bệnh ghẻ chốc, một thứ bệnh phung trên đầu hay trong râu. 31 Nếu tư tế khám nghiệm chỗ ghẻ chốc ấy và thấy nó không lõm sâu vào trong da thịt, cũng không thấy lông đen nào trong đó, tư tế phải cô lập người mắc bệnh ghẻ chốc ấy trong bảy ngày. 32 Vào ngày thứ bảy tư tế sẽ tái khám chỗ ghẻ chốc. Nếu chỗ ghẻ chốc không lan ra, cũng không có lông màu vàng ở đó, và chỗ ghẻ chốc cũng không thấy lõm sâu vào trong da thịt, 33 thì người ấy phải cạo tóc hay cạo râu đi, nhưng phải chừa chỗ bị ghẻ chốc lại. Tư tế sẽ cô lập người mắc bệnh ghẻ chốc thêm bảy ngày nữa. 34 Vào ngày thứ bảy tư tế sẽ tái khám chỗ ghẻ chốc ấy. Nếu chỗ ghẻ chốc không lan ra trên da, và nếu nó không lõm sâu vào trong da thịt, tư tế phải tuyên bố người ấy sạch. Người ấy phải giặt kỹ y phục mình và được xem là sạch. 35 Nhưng nếu chỗ ghẻ chốc lan ra trên da sau khi đã được tuyên bố là sạch, 36 tư tế phải tái khám người ấy. Nếu chỗ ghẻ chốc đã lan ra trên da, tư tế không cần phải tìm xem lông đã biến thành màu vàng hay chưa; người ấy đã bị ô uế. 37 Nhưng nếu theo sự thẩm định của tư tế, chỗ ghẻ chốc ấy đã bắt đầu lành, lông đen đã mọc lên trong đó, như vậy chỗ ghẻ chốc ấy đang được lành, người ấy được xem là sạch, và tư tế phải tuyên bố người ấy sạch.
Tàn Nhang
38 Khi một người nam hay nữ thấy trên da thịt mình có những đốm, những đốm màu trắng, 39 tư tế phải khám nghiệm. Nếu những đốm trên da người ấy có màu trắng nhạt, đó là tàn nhang đã lộ ra trên da; người ấy sạch.
Sói Tóc
40 Nếu người nào bị rụng tóc trên đầu, người ấy bị sói đầu nhưng vẫn sạch. 41 Nếu một người bị rụng tóc trên trán, người ấy bị sói trán nhưng vẫn sạch. 42 Nhưng nếu da ở chỗ đầu sói hay trán sói ấy nổi lên một vết trắng hồng, không chừng đó là vết phung[c] đã lộ ra ở chỗ đầu sói hay trán sói. 43 Tư tế sẽ khám nghiệm người ấy. Nếu vết sưng ở chỗ đầu sói hay trán sói đó màu trắng hồng và trông giống như một vết phung trên da thịt một người, 44 người ấy đã mắc bệnh phung; người ấy đã bị ô uế. Tư tế phải tuyên bố người ấy ô uế, vì bệnh phung đã lộ ra trên đầu.
Quy Chế về Người Mắc Bệnh Phung
45 Khi người nào mắc bệnh phung, người ấy phải xé rách y phục mình, để tóc xõa xuống, lấy tay che miệng mình, và kêu lớn, ‘Ô uế! Ô uế!’ 46 Ngày nào người ấy còn bệnh, người ấy vẫn còn bị ô uế. Người ấy phải ở bên ngoài doanh trại.
Bệnh Phung trên Y Phục
47 Về y phục, khi bệnh phung thấy xuất hiện trên y phục, bất kể y phục đó được làm bằng lông thú hay bằng vải gai, 48 tức y phục được dệt hoặc đan bằng vải gai hay lông thú, hoặc y phục ấy được làm bằng da, hay bất cứ vật gì được làm bằng da, 49 nếu người ta thấy có vết xanh chàm hay đỏ nhạt xuất hiện trên y phục, hoặc trên da, bất kể món đồ ấy được đan hay dệt, hoặc thấy xuất hiện trên bất cứ vật gì làm bằng da, thì đó là bệnh phung, và vật đó phải được đem đến trình cho tư tế. 50 Tư tế sẽ khám nghiệm vật đó; sau đó tư tế phải để riêng vật bị bệnh đó ra bảy ngày. 51 Ngày thứ bảy tư tế sẽ tái khám vật đó. Nếu vết bệnh đã lan ra trên y phục, bất kể là y phục ấy được đan hay dệt, hoặc vết bệnh đã lan ra trên da, bất kể là da được dùng làm món đồ gì, thì đó là bệnh phung đã lan ra; món đồ ấy đã trở thành vật ô uế. 52 Tư tế phải thiêu bộ y phục ấy, bất kể bộ y phục có bệnh ấy được đan hay dệt bằng lông thú hay bằng vải gai; còn nếu món đồ làm bằng da có bệnh, tư tế phải thiêu nó đi, vì bệnh phung đã lan ra. Nó phải bị thiêu rụi trong lửa.
53 Nếu tư tế khám nghiệm món đồ và thấy bệnh không lan ra trên y phục được đan hay dệt, hay trên món đồ được làm bằng da, 54 thì tư tế sẽ truyền cho chủ món đồ đem giặt rửa món đồ có bệnh, rồi để nó cách ly bảy ngày nữa. 55 Sau đó tư tế sẽ tái khám món đồ bị bệnh đã được giặt rửa, nếu tư tế thấy vết bệnh vẫn không đổi màu, mặc dù vết bệnh ấy không lan ra, món đồ ấy đã trở thành vật ô uế. Các ngươi phải đem thiêu nó trong lửa, bất kể vết phung ấy ở mặt trong hay mặt ngoài của món đồ.
56 Nếu tư tế khám nghiệm món đồ và thấy vết bệnh đã nhạt màu sau khi được giặt rửa, người ta sẽ cắt bỏ chỗ vết bệnh ra khỏi bộ y phục, bất kể bộ y phục ấy được đan hay dệt, hoặc cắt bỏ chỗ da bệnh ra khỏi món đồ làm bằng da.
57 Nếu sau đó trên món đồ lại thấy xuất hiện vết bệnh mới, bất kể đó là y phục được đan hay dệt, hoặc bất kể đó là món đồ gì được làm bằng da, các ngươi phải đem thiêu món đồ có bệnh đó trong lửa, vì món đồ ấy đã bị bệnh phung và phung đã lan ra. 58 Nhưng nếu bộ y phục được đan hay dệt, hoặc món đồ được làm bằng da, mà sau khi đem giặt rửa, chỗ có vết bệnh đã biến mất, thì phải đem giặt rửa nó thêm một lần nữa, sau đó món đồ ấy sẽ được sạch.
59 Ðó là quy luật về bệnh phung cho y phục được đan hay dệt bằng lông thú hay bằng vải gai, hoặc bất cứ món đồ gì được làm bằng da, để quyết định vật ấy là sạch hay ô uế.”
Footnotes
- Lê-vi 13:2 Một từ dùng chung cho các thứ bệnh ngoài da
- Lê-vi 13:9 Một từ dùng chung cho các thứ bệnh ngoài da
- Lê-vi 13:42 Bệnh phung trong đoạn nầy chỉ chung về những bệnh ngoài da, chứ không hẳn là bệnh cùi như chúng ta thường nghĩ
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Copyright © 2011 by Bau Dang