Print Page Options

15 At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:

16 At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:

17 At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

Read full chapter
'Levitico 1:15-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

15 Ito ay dadalhin ng pari sa dambana, puputulan ng ulo, susunugin sa ibabaw ng dambana, at ang dugo'y patutuluin sa tabi ng dambana.

16 Aalisin niya ang butsi pati ang mga laman nito, at ihahagis sa silangang bahagi ng dambana, sa kinalalagyan ng mga abo.

17 Bibiyakin niya ito sa mga pakpak, ngunit hindi hahatiin. Ito'y susunugin ng pari sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy, bilang isang handog na sinusunog. Ito ay isang handog na pinaraan sa apoy, na isang mabangong samyo sa Panginoon.

Read full chapter

15 Itoʼy dadalhin ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar. 16 Pagkatapos, aalisin niya ang butsi at bituka[a] nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar sa pinaglalagyan ng abo. 17 At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, pero hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:16 butsi at bituka: o, balahibo; o, pakpak.

15 The priest shall bring it to the altar, wring off the head(A) and burn it on the altar; its blood shall be drained out on the side of the altar.(B) 16 He is to remove the crop and the feathers[a] and throw them down east of the altar where the ashes(C) are. 17 He shall tear it open by the wings, not dividing it completely,(D) and then the priest shall burn it on the wood(E) that is burning on the altar. It is a burnt offering, a food offering, an aroma pleasing to the Lord.

Read full chapter

Footnotes

  1. Leviticus 1:16 Or crop with its contents; the meaning of the Hebrew for this word is uncertain.