Add parallel Print Page Options

39 Sinabi ni Jesus, “Nagpunta ako rito sa sanlibutan upang humatol; at upang ang mga hindi nakakakita ay makakita, at ang mga nakakakita ay maging bulag.” 40 Narinig ito ng ilan sa mga Fariseong naroon kaya sinabi sa kanya, “Bulag din ba kami?” 41 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kung kayo ay bulag, hindi sana kayo nagkasala. Ngunit ngayong sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.

Read full chapter

39 At sinabi ni Jesus, (A)Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, (B)upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.

40 Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din?

41 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, (C)Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.

Read full chapter