Add parallel Print Page Options

Pagkatapos ng mga ito naglakbay si Jesus sa Galilea. Iniwasan niyang dumaan sa Judea, sapagkat gusto siyang patayin ng mga Judio roon. (A)Malapit na noon ang pista ng mga Kubol na ipinagdiriwang ng mga Judio. Kaya sinabi ng mga kapatid ni Jesus sa kanya, “Umalis ka na at pumunta ka sa Judea, upang makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo. Sapagkat hindi gumagawa nang palihim ang sinumang nagnanais na makilala. Dahil ginagawa mo ang mga ito, ilantad mo ang iyong sarili sa lahat.” Sapagkat maging ang mga kapatid niya ay hindi naniwala sa kanya. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ito ang panahon ko, ngunit ang panahon ninyo ay laging naririyan. Hindi kayo kamumuhian ng sanlibutan, ngunit namumuhi ito sa akin dahil nagpapatotoo ako na ang mga gawa nito ay masama. Kayo na lang ang magpunta sa pista. Hindi ako pupunta dahil hindi pa ito ang panahon ko.” Pagkasabi niya ng mga ito, nagpaiwan siya sa Galilea. 10 Subalit pagkaalis ng kanyang mga kapatid patungo sa pista, pumunta din siya nang palihim at walang pinagsabihan sinuman. 11 Hinahanap siya ng mga Judio sa pista at ipinagtanong kung nasaan siya. 12 At maraming usap-usapan tungkol sa kanya ang mga tao. Ang ilan ay nagsabi, “Siya ay mabuting tao.” Ang sabi naman ng iba, “Inililigaw niya ang mga tao.” 13 Gayunman, walang Judiong nagsalita nang hayagan tungkol sa kanya dahil sa takot sa kanilang mga pinuno. 14 Nang kalagitnaan na ng pista ay nagpunta si Jesus sa templo at nagturo. 15 Nagtaka ang mga Judio. Ang sabi nila, “Paanong nalaman ng taong ito ang mga kasulatan gayong hindi naman siya nakapag-aral?” 16 Kaya't sumagot si Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa kanya na nagsugo sa akin. 17 Ang sinumang naghahangad na gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin ay makaaalam kung ang itinuturo ko ay galing sa Diyos o nagsasalita lamang ako mula sa sarili. 18 Ang nagsasalita mula sa kanyang sarili ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang nagsisikap na parangalan ang nagsugo sa kanya, ang taong ito ay tapat, at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba si Moises ang nagbigay sa inyo ng kautusan? Subalit wala naman sa inyo ang tumutupad nito. Bakit sinisikap ninyo akong patayin?” 20 Sumagot ang mga tao, “Sinasaniban ka ng demonyo. Sino'ng gustong pumatay sa iyo?” 21 Sinagot sila ni Jesus, “Gumawa ako ng himala at lahat kayo ay namangha. 22 (B)Ibinigay sa inyo ni Moises ang batas ng pagtutuli bagama't hindi ito galing kay Moises kundi sa mga ninuno. Nagtutuli kayo sa araw ng Sabbath. 23 (C)Kung ang pagtutuli sa araw ng Sabbath ay hindi paglabag sa Kautusan ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin sa pagpapagaling ko sa isang tao sa araw ng Sabbath?” 24 Huwag kayong humusga batay sa panlabas na anyo, kundi maging matuwid kayo sa inyong mga hatol.” 25 Kaya’t sinabi ng ilang taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? 26 At narito siya at hayagang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabing anuman laban sa kanya. Kinikilala na kaya ng mga pinuno na siya ang Cristo? 27 Ngunit alam natin kung saan galing ang taong ito; at pagdating ng Cristo, walang makaaalam kung saan siya manggagaling.” 28 Kaya sumigaw si Jesus habang nagtuturo sa templo, “Kilala ba talaga ninyo ako at alam ninyo kung saan ako galing? Hindi ako naparito para sa sarili ko lamang. Ang nagsugo sa akin ay tapat, at siya ang hindi ninyo nakikilala. 29 Kilala ko siya, sapagkat galing ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.” 30 Dahil dito, tinangka nilang dakpin siya, subalit wala ni isa mang nangahas sapagkat hindi pa dumarating ang oras niya. 31 Gayunman, marami sa mga naroon ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming himala kaysa ginawa ng taong ito?” 32 Narinig ng mga Fariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa kanya, kaya nagpadala ang mga punong pari at mga Fariseo ng mga kawal para dakpin siya. 33 Kaya sinabi ni Jesus, “Sandaling panahon na lamang ninyo ako makakasama, at pagkatapos ay pupunta na ako sa kanya na nagsugo sa akin. 34 Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako matatagpuan. At kung saan ako naroroon ay hindi ninyo ako mapupuntahan.” 35 Nag-usap-usap ang mga Judio, “Saan ba nagbabalak pumunta ng taong ito na hindi natin matatagpuan? Pupunta kaya siya sa lugar ng mga kababayan nating nakatira kasama ng mga Griyego at magtuturo sa kanila? 36 Ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi niyang, ‘Hahanapin ninyo ako at hindi ninyo ako matatagpuan,’ at ‘Kung saan ako naroroon hindi ninyo ako mapupuntahan’?” 37 (D)Sa huli at natatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at sumigaw. Sinabi niya, “Lumapit sa akin ang sinumang nauuhaw at uminom. 38 (E)Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang ilog ng tubig ng buhay.’ ” 39 Sinabi niya ito tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naibibigay ang Espiritu, sapagkat hindi pa naluluwalhati si Jesus. 40 Nang marinig ng ilang tao ang mga salitang ito, sinabi nila, “Tunay na ito nga ang propeta.” 41 Ang iba’y nagsabi, “Ito ang Cristo.” Subalit sinabi ng ilan, “Sa Galilea ba manggagaling ang Cristo? 42 (F)Hindi ba sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lahi ni David at sa Bethlehem na pinanggalingan ni David?” 43 Kaya nagkaroon ng pagkakahati sa mga tao dahil sa kanya. 44 May ilang nais dumakip sa kanya, subalit walang nangahas na gawin iyon.

45 Bumalik ang mga kawal sa mga punong pari at mga Fariseo na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dala?” 46 Sumagot ang mga kawal, “Wala pa pong nakapagsasalita na tulad ng taong iyon.” 47 Tinanong sila ng mga Fariseo, “Pati ba kayo ay nalinlang na? 48 Mayroon bang mga pinuno o mga Fariseong naniwala sa kanya? 49 Ngunit ang mga taong ito na walang nalalaman sa kautusan ay mga sinumpa.” 50 (G)Si Nicodemo na nagpunta noon kay Jesus, at isa rin sa mga kasamahan nila, ay nagsabi sa kanila, 51 “Hinuhusgahan ba ng batas natin ang isang taong hindi man lamang natin napapakinggan at inaalam ang kanyang ginagawa?” 52 Sumagot sila sa kanya, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka at malalaman mong walang propetang magmumula sa Galilea.” 53 At nagsiuwi na ang lahat.

耶稣的弟弟不信祂

之后,耶稣周游加利利,不愿去犹太地区,因为犹太人想要杀祂。 犹太人的住棚节快到了, 耶稣的弟弟们对祂说:“离开这里,去犹太过节吧,好让你的门徒在那里也看见你所做的啊! 因为人想出名,都不会暗地里行事,你既然可以做这些事,就把自己显给世人看吧!” 原来连祂的弟弟们也不信祂。

耶稣对他们说:“我的时候还没有到,你们什么时候都很方便。 世人不会恨你们,只会恨我,因为我指证他们行为邪恶。 你们先去过节吧,我现在还不上去,因为我的时候还没有到。” 耶稣说完这些话,仍留在加利利。

耶稣过住棚节

10 他们走了以后,耶稣避开了人们的注意,暗地里上去过节。 11 节期到了,犹太人到处查问:“耶稣在哪里?”

12 众人对祂议论纷纷,有些人说:“祂是好人,”有些说:“不,祂欺骗民众。” 13 不过,没有人敢公开议论祂的事,因为害怕犹太人。

14 节期约过了一半,耶稣来到圣殿教导人。 15 犹太人感到惊奇,说:“这个人没有受过教育,怎么懂得这么多呢?”

16 耶稣说:“我的教导不是出于我自己,而是出于差我来的那位。 17 如果你们愿意遵行上帝的旨意,就能分辨这些教导是出于上帝,还是出于我自己。 18 凭自己讲论的人是要寻求自己的荣耀,但人子真实无伪,毫无不义,祂是为了使差祂来的那位得荣耀。 19 摩西不是把律法传给了你们吗?你们却没有一个人遵守。为什么想要杀我呢?”

20 众人回答说:“你一定是被鬼附身了!谁要杀你啊?”

21 耶稣说:“我行了一件神迹,你们都感到惊奇。 22 摩西把割礼传给你们,你们也在安息日行割礼。其实割礼不是摩西定的,而是从祖先们的时代就有了。 23 为了避免违背摩西的律法,行割礼的那一天就算是安息日,你们还是照行。那么,我在安息日使一个病人完全康复,你们为什么责怪我呢? 24 不要根据外表来断定是非,要按公义的原则判断。”

耶稣是基督吗

25 有些住在耶路撒冷的人说:“这不是他们要杀的那个人吗? 26 你看祂这样公开讲道,居然没有人说什么,难道官长也真的认为祂是基督吗? 27 可是基督来的时候,根本没有人知道祂从哪里来,我们却知道这个人是从哪里来的。”

28 于是,耶稣在圣殿里高声教导人说:“你们知道我是谁,也知道我是从哪里来的。其实我来不是出于自己的意思,差我来的那位是真实的,你们不认识祂。 29 但我认识祂,因为我是从祂那里来的,差我来的就是祂。” 30 他们听了,想捉拿耶稣,只是没有人下手,因为祂的时候还没有到。

31 人群中有许多人信了耶稣,他们说:“基督来的时候所行的神迹,难道会比这个人行得更多吗?”

32 法利赛人听见众人这样议论耶稣,就联合祭司长派差役去抓祂。 33 耶稣对众人说:“我暂时还会跟你们在一起,不久我要回到差我来的那位那里。 34 那时你们要找我却找不到,你们也不能去我所在的地方。”

35 犹太人彼此议论说:“祂要去哪里使我们找不着呢?难道祂要到我们犹太人侨居的希腊各地去教导希腊人吗? 36 祂说我们找不到祂,又不能去祂所在的地方,是什么意思?”

活水的江河

37 节期最后一天,也是整个节期的高潮,耶稣站起来高声说:“人若渴了,可以到我这里来喝。 38 正如圣经所言,信我的人,‘从他里面要流出活水的江河来’。” 39 耶稣这话是指信祂的人要得到圣灵,但当时圣灵还没有降临,因为耶稣还没有得到荣耀。

40 听见这些话后,有些人说:“祂真是那位先知。” 41 也有些人说:“祂是基督。”还有些人说:“不会吧,基督怎么会出自加利利呢? 42 圣经上不是说基督是大卫的后裔,要降生在大卫的故乡伯利恒吗?” 43 众人因为对耶稣的看法不同,就起了纷争。 44 有些人想抓祂,只是没有人下手。

犹太官长不信耶稣

45 祭司长和法利赛人看见差役空手回来,就问:“你们为什么不把祂带来呢?”

46 差役答道:“从未有人像祂那样说话!”

47 法利赛人说:“难道你们也被祂迷惑了吗? 48 哪有官长和法利赛人信祂呢? 49 这群不明白律法的民众该受咒诅!”

50 曾经夜访耶稣、属于他们当中一员的尼哥德慕说: 51 “难道不听被告申辩,不查明事实真相,我们的律法就定祂的罪吗?”

52 他们回答说:“难道你也是加利利人吗?你去查查看,就会知道没有先知是从加利利来的。”