Juan 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Jesus at ang Babaing Taga-Samaria
4 Nang malaman ni Jesus na narinig ng mga Fariseo na siya ay nakahihikayat ng mas maraming alagad at nagbabautismo ng mas marami kaysa kay Juan— 2 bagama't hindi naman si Jesus ang nagbabautismo kundi ang kanyang mga alagad,— 3 umalis siya ng Judea at nagtungo muli sa Galilea. 4 Kailangan niyang dumaan sa Samaria, 5 (A)kaya nakarating siya sa Sicar, isang bayan ng Samaria, malapit sa bukirin na ibinigay ni Jacob sa anak niyang si Jose. 6 Naroon ang balon ni Jacob, kaya't nang mapagod si Jesus mula sa kanyang paglalakbay, umupo siya sa tabi niyon. Magtatanghaling tapat[a] na noon 7 nang may isang Samaritanang dumating upang sumalok ng tubig. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pahingi nga ng inumin.” 8 (Ang kanyang mga alagad ay nakaalis na noon patungong bayan upang bumili ng pagkain.) 9 (B)Sinabi ng Samaritana sa kanya, “Ikaw ay isang Judio, bakit ka humihingi ng tubig sa akin na isang Samaritana?” (Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.) 10 Sumagot si Jesus sa kanya, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos at kung sino itong nagsasabi sa iyo, ‘Pahingi ng inumin,’ ikaw pa ang hihingi sa kanya, at bibigyan ka niya ng tubig ng buhay.” 11 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, wala kang pansalok ng tubig, at malalim ang balon; saan ka kukuha ng tubig ng buhay? 12 Mas dakila ka pa ba kaysa ama naming si Jacob na nagbigay ng balon sa amin, at siya mismo'y uminom mula rito, pati na rin ang kanyang mga anak at mga hayop?” 13 Sumagot si Jesus sa kanya, “Ang sinumang uminom sa tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 subalit, ang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging bukal ng tubig sa kanya patungo sa buhay na walang hanggan.” 15 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito nang hindi na ako mauhaw at hindi na rin pumarito para mag-igib.” 16 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Humayo ka at tawagin mo ang iyong asawa at bumalik ka rito.” 17 Sumagot ang babae, “Wala akong asawa.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tama ka sa iyong sinabing wala kang asawa, 18 dahil nagkaroon ka na ng limang asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo nga ang sinabi mo.” 19 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, sa tingin ko'y isa kang propeta. 20 Sumamba sa bundok na ito ang aming mga ninuno; ngunit kayong mga Judio'y nagsasabing sa Jerusalem dapat sumamba.” 21 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ginang, maniwala ka sa akin, na darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama hindi sa bundok na ito, ni sa Jerusalem. 22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nakikilala; kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Judio. 23 Ngunit ang oras ay dumarating, at ngayon na nga, kung saan ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat ganito ang hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya. 24 Ang Diyos ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.” 25 Sinabi ng babae sa kanya, “Alam kong darating ang Mesiyas, siya na tinatawag na Cristo; sa pagdating niya, ipaliliwanag niya sa amin ang lahat ng bagay.” 26 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako mismong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo.” 27 Dumating ang kanyang mga alagad at nagtaka sila dahil nakikipag-usap siya sa isang babae, ngunit wala ni isa mang nagtanong sa babae, “Anong gusto mo?” o kay Jesus, “Bakit kayo nakikipag-usap sa kanya?” 28 Pagkatapos ay iniwan ng babae ang kanyang sisidlan ng tubig at umalis papuntang lungsod, at sinabi niya sa mga tao, 29 “Halikayo, tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na nga kaya ang Cristo?” 30 Kaya't sila'y lumabas ng lungsod at nagpunta kay Jesus. 31 Samantala, pinilit siya ng mga alagad niya at sinabi, “Rabbi, kumain po kayo.” 32 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Mayroon akong pagkaing hindi ninyo alam.” 33 Kaya't sinabi ng mga alagad sa isa't isa, “Wala namang nagdala sa kanya ng pagkain, hindi ba?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang pagkain ko'y gawin ang kalooban niya na nagsugo sa akin, at tuparin ang kanyang gawain. 35 Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan na lang at anihan na?’ Sinasabi ko sa inyo, imulat ninyo ang inyong mga mata at tingnan ninyo ang mga bukirin at handa na ang mga iyon para anihin. 36 Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran, at nagtitipon ng bunga tungo sa buhay na walang hanggan. Sa gayon, ang nagtatanim at ang umaani ay magkasalong magagalak. 37 Dahil dito, totoo nga ang kasabihan, ‘Iba ang nagtatanim, at iba naman ang nag-aani.’ 38 Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo pinagpaguran. Iba ang nagpagod, at kayo'y umaani sa kanilang pinagpaguran.” 39 Maraming taga-Samaria mula sa lungsod na iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa patotoong ito ng babae: “Sinabi niya ang lahat ng ginawa ko.” 40 Kaya noong pumunta sa kanya ang mga taga-Samaria, hiniling nila kay Jesus na manatili sa kanila. Dalawang araw siyang nanatili roon. 41 At marami pa ang sumampalataya dahil sa salita ni Jesus. 42 Sinabi nila sa babae, “Hindi na dahil sa mga salita mo kung bakit kami sumasampalataya, sapagkat kami mismo ang nakarinig sa kanya. Nalalaman naming siya nga ang Tagapagligtas ng sanlibutan.”
Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Mayamang Pinuno
43 Pagkalipas ng dalawang araw, pumunta si Jesus sa Galilea, 44 (C)sapagkat siya mismo ang nagpatotoo na ang isang propeta ay walang karangalan sa sarili niyang bayan. 45 (D)Kaya nang dumating siya sa Galilea, tinangkilik siya ng mga tagaroon, dahil nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa sa Jerusalem noong kapistahan, sapagkat sila man ay naroroon din. 46 (E)Muli siyang nagpunta sa Cana ng Galilea. (Doon niya ginawang alak ang tubig.) Sa Capernaum, may isang mayamang pinunong may anak na lalaki na nagkasakit. 47 Nang mabalitaan nito na si Jesus ay dumating sa Galilea mula sa Judea, nagpunta ito sa kanya. Hiniling ng pinuno kay Jesus na puntahan ang kanyang anak na lalaki upang pagalingin, sapagkat malapit na iyong mamatay. 48 Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung hindi pa kayo makakita ng mga himala at mga kababalaghan, hinding-hindi kayo maniniwala.” 49 Sinabi ng pinuno sa kanya, “Ginoo, pumunta na po kayo bago mamatay ang anak ko.” 50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Humayo ka na, mabubuhay ang anak mo.” Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus at siya'y umalis na. 51 Habang siya'y naglalakad, sinalubong siya ng kanyang mga lingkod at ibinalita sa kanya na magaling na ang anak niya. 52 Tinanong niya sila kung anong oras ito gumaling, at ang sabi nila, “Ala-una[b] po kahapon nang mawalan siya ng lagnat.” 53 Naalala ng ama na iyon ang oras nang sabihin sa kanya ni Jesus na mabubuhay ang kanyang anak. At siya'y sumampalataya, pati na rin ang buo niyang sambahayan. 54 Ito ang pangalawang himalang ginawa ni Jesus. Nangyari ito nang siya'y dumating sa Galilea mula sa Judea.
John 4
English Standard Version
Jesus and the Woman of Samaria
4 Now when Jesus learned that the Pharisees had heard that Jesus was making and (A)baptizing more disciples than John 2 (although Jesus himself did not baptize, but only his disciples), 3 he left Judea and departed (B)again for Galilee. 4 (C)And he had to pass through Samaria. 5 So he came to a town of Samaria called Sychar, near the field (D)that Jacob had given to his son Joseph. 6 Jacob's well was there; so Jesus, (E)wearied as he was from his journey, was sitting beside the well. It was about the sixth hour.[a]
7 A woman from Samaria came to draw water. Jesus said to her, (F)“Give me a drink.” 8 (For his disciples had gone away into the city to buy food.) 9 The Samaritan woman said to him, “How is it that you, a Jew, ask for a drink from me, a woman of Samaria?” ((G)For Jews have no dealings with Samaritans.) 10 Jesus answered her, “If you knew the gift of God, and who it is that is saying to you, ‘Give me a drink,’ you would have asked him, and he would have given you (H)living water.” 11 The woman said to him, “Sir, you have nothing to draw water with, and the well is deep. Where do you get that living water? 12 (I)Are you greater than our father Jacob? (J)He gave us the well and drank from it himself, as did his sons and his livestock.” 13 Jesus said to her, “Everyone who drinks of this water will be thirsty again, 14 but (K)whoever drinks of the water that I will give him (L)will never be thirsty again.[b] The water that I will give him will become (M)in him a spring of water welling up to eternal life.” 15 The woman said to him, “Sir, (N)give me this water, so that I will not be thirsty or have to come here to draw water.”
16 Jesus said to her, “Go, (O)call your husband, and come here.” 17 The woman answered him, “I have no husband.” Jesus said to her, “You are right in saying, ‘I have no husband’; 18 for you have had five husbands, and the one you now have is not your husband. What you have said is true.” 19 The woman said to him, “Sir, I perceive that (P)you are (Q)a prophet. 20 (R)Our fathers worshiped on (S)this mountain, but you say that (T)in Jerusalem is (U)the place where people ought to worship.” 21 Jesus said to her, (V)“Woman, believe me, (W)the hour is coming when (X)neither on this mountain nor in Jerusalem will you worship the Father. 22 (Y)You worship what you do not know; (Z)we worship what we know, for (AA)salvation is (AB)from the Jews. 23 But (AC)the hour is coming, and is now here, when the true worshipers will worship the Father (AD)in spirit and (AE)truth, for the Father (AF)is seeking such people to worship him. 24 God is spirit, and those who worship him must worship in spirit and truth.” 25 The woman said to him, “I know that (AG)Messiah is coming (he who is called Christ). When he comes, (AH)he will tell us all things.” 26 Jesus said to her, (AI)“I who speak to you am he.”
27 Just then (AJ)his disciples came back. They marveled that he was talking with a woman, but no one said, “What do you seek?” or, “Why are you talking with her?” 28 So the woman left her water jar and went away into town and said to the people, 29 “Come, see a man (AK)who told me all that I ever did. Can this be the Christ?” 30 They went out of the town and were coming to him.
31 Meanwhile the disciples were urging him, saying, (AL)“Rabbi, eat.” 32 But he said to them, “I have food to eat that you do not know about.” 33 So the disciples said to one another, (AM)“Has anyone brought him something to eat?” 34 Jesus said to them, (AN)“My food is (AO)to do the will of him who sent me and (AP)to accomplish his work. 35 Do you not say, ‘There are yet four months, then comes the harvest’? Look, I tell you, lift up your eyes, and see that (AQ)the fields are white for harvest. 36 Already the one who reaps is receiving wages and gathering fruit for eternal life, so that (AR)sower and (AS)reaper (AT)may rejoice together. 37 For here the saying holds true, (AU)‘One sows and another reaps.’ 38 I sent you to reap (AV)that for which you did not labor. Others have labored, (AW)and you have entered into their labor.”
39 Many Samaritans (AX)from that town believed in him (AY)because of (AZ)the woman's testimony, “He told me all that I ever did.” 40 So when the Samaritans came to him, they asked him to stay with them, and he stayed there two days. 41 And many more believed (BA)because of his word. 42 They said to the woman, “It is no longer because of what you said that we believe, for we have heard for ourselves, (BB)and we know that this is indeed (BC)the Savior (BD)of the world.”
43 After (BE)the two days he departed for Galilee. 44 (For Jesus himself had testified (BF)that a prophet has no honor in his own hometown.) 45 So when he came to Galilee, the Galileans welcomed him, (BG)having seen all that he had done in Jerusalem at the feast. For (BH)they too had gone to the feast.
Jesus Heals an Official's Son
46 So he came again to (BI)Cana in Galilee, (BJ)where he had made the water wine. And at Capernaum there was an official whose son was ill. 47 When this man heard that Jesus (BK)had come from Judea to Galilee, he went to him and asked him to come down and heal his son, for he was at the point of death. 48 So Jesus said to him, (BL)“Unless you[c] see signs and wonders you will not believe.” 49 The official said to him, “Sir, come down (BM)before my child dies.” 50 Jesus said to him, “Go; your son will live.” The man believed the word that Jesus spoke to him and went on his way. 51 As he was going down, his servants[d] met him and told him that his son was recovering. 52 So he asked them the hour when he began to get better, and they said to him, “Yesterday at the seventh hour[e] the fever left him.” 53 The father knew that was the hour when Jesus had said to him, “Your son will live.” And he himself believed, (BN)and all his household. 54 (BO)This was now the second sign that Jesus did when he had come from Judea to Galilee.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.