Juan 4:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Sinabi sa kaniya ng babaeng taga-Samaria: Bakit ka humihingi sa akin ng maiinom? Ikaw ay isang Judio samantalang ako ay isang babaeng taga-Samaria sapagkat ang mga Judio ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga taga-Samaria.
10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung alam mo ang kaloob ng Diyos at kung sino siya na nagsasabi sa iyo: Bigyan mo ako ng maiinom, ay hihingi ka sa kaniya. At ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.
11 Sinabi ng babae sa kaniya: Ginoo, wala kang panalok at malalim ang balon. Saan magmumula ang iyong tubig na buhay?
Read full chapter
Juan 4:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 (A)Sinabi ng Samaritana sa kanya, “Ikaw ay isang Judio, bakit ka humihingi ng tubig sa akin na isang Samaritana?” (Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.) 10 Sumagot si Jesus sa kanya, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos at kung sino itong nagsasabi sa iyo, ‘Pahingi ng inumin,’ ikaw pa ang hihingi sa kanya, at bibigyan ka niya ng tubig ng buhay.” 11 Sinabi ng babae sa kanya, “Ginoo, wala kang pansalok ng tubig, at malalim ang balon; saan ka kukuha ng tubig ng buhay?
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.