Add parallel Print Page Options

Ang Salita ng Buhay

Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Nasa kanya ang buhay,[a] at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

Sinugo(A) ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa pamamagitan niya. Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.[b]

10 Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.

14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”

16 Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos[c] na pinakamamahal ng Ama, ang nagpakilala sa Ama.

Ang Patotoo ni Juan na Tagapagbautismo(B)

19 Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng mga pari at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. 20 Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, “Hindi ako ang Cristo.”

21 “Sino(C) ka kung gayon?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?”

“Hindi ako si Elias,” tugon niya.

“Ikaw ba ang Propeta?”

Sumagot siya, “Hindi rin.”

22 “Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” tanong nilang muli.

23 Sumagot(D) si Juan ayon sa nasusulat sa aklat ni Propeta Isaias,

    “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang,
    ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’”

24 Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. 25 Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbabautismo, gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?”

26 Sumagot si Juan, “Ako'y nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala. 27 Dumarating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.”

28 Ang mga ito'y nangyari sa Bethania, sa silangan ng Ilog Jordan na pinagbabautismuhan ni Juan.

Ang Kordero ng Diyos

29 Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 30 Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong ang dumarating na kasunod ko ay higit sa akin, sapagkat siya'y naroon na bago pa man ako ipanganak. 31 Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako'y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”

32 Ganito ang patotoo ni Juan: “Nakita ko ang Espiritu na bumababa na parang isang kalapati na buhat sa langit at nanatili sa kanya. 33 Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siyang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makitang bumabâ at manatili ang Espiritu, siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’ 34 Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”

Ang Unang Apat na Alagad ni Jesus

35 Kinabukasan, naroon muli si Juan kasama ang dalawa sa kanyang mga alagad. 36 Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos!”

37 Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus. 38 Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila'y tinanong niya, “Ano ang kailangan ninyo?”

Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro.

39 “Halikayo at tingnan ninyo,” sabi ni Jesus.

Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas kuwatro na ng hapon.

40 Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, “Nakita na namin ang Mesiyas!” Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo. 42 At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.

Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas”[d] (na ang katumbas ay Pedro[e]).

Ang Pagkatawag kina Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, minabuti ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nakita niya roon si Felipe at sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Bethsaida, tulad nina Andres at Pedro.

45 Nakita ni Felipe si Nathanael at sinabi niya dito, “Natagpuan na namin ang tinutukoy ni Moises sa kanyang isinulat sa aklat ng Kautusan at gayundin ng mga propeta. Siya'y si Jesus na taga-Nazaret, na anak ni Jose.”

46 “May mabuti bang maaaring magmula sa Nazaret?” tanong ni Nathanael.

Sumagot si Felipe, “Halika't tingnan mo.”

47 Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.”

48 Tinanong siya ni Nathanael, “Paano ninyo ako nakilala?”

Sumagot si Jesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.”

49 Sumagot si Nathanael, “Rabi, kayo nga po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!”

50 Sinabi ni Jesus, “Sumampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa riyan ang masasaksihan mo.” 51 At(E) sinabi niya sa kanya, “Pakatandaan mo: makikita ninyong bukás ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Footnotes

  1. 3-4 Nilikha…buhay: o kaya'y Ang lahat ng nilikha ay may buhay sa kanya .
  2. 9 dumarating ito…tao: o kaya'y nagbibigay liwanag ito sa lahat ng taong ipinapanganak sa sanlibutan .
  3. 18 Diyos: Sa ibang manuskrito'y Anak ; at sa iba nama'y Anak ng Diyos .
  4. 42 CEFAS: Sa wikang Aramaico, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.
  5. 42 PEDRO: Sa wikang Griego, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.

基督耶稣-永恒之言

最初有道 [a],道与上帝同在,道即是上帝。 这道最初就与上帝同在。 万物通过他而产生,没有他,什么也不会产生。 他蕴含着生命,这生命给人类带来了光明。 光明在黑暗中闪耀,但是黑暗无法战胜光明。 [b]

上帝派来了一个人,名叫约翰, 他来是为光作见证的,以便通过他使所有的人相信这光。 约翰本身不是这光,而是来为这光作证的。 真正的光将要来到这个世界,这是照亮所有人的光。

10 他(道)已在这个世界上了。这个世界通过他而产生,但这个世界却不认识他。 11 他来到自己的家,可是他自己的人却不接受他。 12 不过,对于接受他的人,也就是信仰他的名字的人,他都赋予了他们成为上帝孩子的权力。 13 这些人不是靠自然传宗接代、情欲或人的愿望而生的,而是上帝所生。

14 道变成了肉身,生活在我们中间。我们看到了他的荣耀-父之独子的荣耀,他从天父那里来,充满了恩典和真理。

15 约翰为他作证,呼喊道∶“关于这个人,我曾说过∶‘那个在我之后来的人比我更伟大,因为他在我之前就存在了。”

16 我们都领受到了他丰盛的恩典与真理,得到他赐与的无尽福泽。 17 律法是通过摩西颁布的,而恩典和真理是通过耶稣基督而来的。 18 没有人见过上帝,但是在父亲身边的独子 [c]-也是上帝-使他为众所周知。

约翰讲述米赛亚(基督)

19 耶路撒冷的犹太人派祭司和利未人去见约翰,问他道∶“你是谁?”下面是约翰的证言:

20 约翰直言不讳地回答了,他承认说∶“我不是基督。”

21 他们问他∶“那么你是谁呢?是以利亚 [d]吗?”

他说∶“不是。”

他们又问∶“你是那位先知 [e]吗?”

他回答道∶“不是。”

22 所以,他们对他说∶“那么你是谁?告诉我们,好让我们回答那些派我们来的人。你自己说,你是什么人呢?”

23 约翰回答说:

“我是在旷野里那个呼唤人的声音∶‘为主修直道路!’” (A)

24 这些人是法利赛人派来的。 25 他们问约翰道∶“如果你不是基督、以利亚,也不是先知,那么你为什么施洗礼?”

26 约翰回答他们说∶“我用水给人们施洗礼,在你们中间,站着一位你们不认识的人, 27 他是那位在我之后来的人,我甚至都不配当给他解鞋带的奴仆。” 28 这一切发生在约旦河对岸的伯大尼,约翰在那里为人们施洗礼。

耶稣-上帝的羔羊

29 第二天,约翰看见耶稣向他走来,便说∶“看,上帝的羔羊 [f],他除掉世上的罪孽。 30 关于他,我曾说过∶‘在我之后来的那个人比我伟大,因为在我之前他就存在了。’ 31 我自己不认识他,但是我来用水为人们施洗礼,为的是使他的名字传遍以色列。”

32 然后,约翰作见证说∶“我已看到圣灵像鸽子一样从天堂而降,落在他的身上。 33 虽然我自己不认识他,但是派我来用水施洗礼的人告诉我∶‘你将看到圣灵降落在那个人身上,他就是用圣灵施洗的人。’ 34 我已经看见了这一切,我作证他就是上帝之子。”

耶稣最早的门徒

35 第二天,约翰和他的两个门徒又在那个地方。 36 当他们看见耶稣走过时,约翰说∶“看,上帝的羔羊。”

37 两个门徒听到了他的话,便跟着耶稣走了。 38 耶稣转过身,看到他们跟着他,就问∶“你们要什么?”

他们对他说∶“拉比(老师),您住在哪里?”

39 耶稣对他们说∶“你们来看吧。”于是,两个人就去看他住的地方,并和他共度了那天,当时大约四点左右。

40 听了约翰的话后跟耶稣走了的两个人当中,其中一个是西门彼得的兄弟安得烈。 41 他立刻找到他的兄弟西门,告诉他∶“我们找到弥赛亚了。”

42 他带着西门去见耶稣,耶稣看着他说∶“你是约翰的儿子西门,你以后要叫彼得 [g]。”

43 第二天,耶稣决定到加利利去。他找到腓力,对他说∶“跟从我。” 44 腓力来自伯赛大,和安得烈、彼得是同乡。 45 腓力找到了拿但业,告诉他说∶“我们找到了摩西律法和先知记载的那个人,他是来自拿撒勒的耶稣,约瑟的儿子。”

46 拿但业说∶“拿撒勒能出什么好东西呢?”

腓力说∶“你来看吧。”

47 耶稣看到拿但业朝他走来,关于他,耶稣说道∶“过来的这个人是一个真正的以色列人,他心里没有任何诡诈。”

48 拿但业说∶“您怎么知道我呢?”

耶稣回答说∶“腓力叫你之前,我看见你在那棵无花果树下。”

49 拿但业说∶“拉比(老师),您是上帝之子,您是以色列王。”

50 耶稣回答道∶“你是因为我说我看见你在无花果树下,才信仰我的吗? 51 你将会看到比这更伟大的事情,”耶稣接着对他说,“我实话告诉你们,你们将看到天堂开启,看到上帝的天使在人子身上上下往来。”

Footnotes

  1. 約 翰 福 音 1:1 道: 希腊文意为任何形式的交流。也可被译为“信息”。在此意指基督-上帝向人们讲诉自己的途径。
  2. 約 翰 福 音 1:5 或黑暗并不理解光。
  3. 約 翰 福 音 1:18 或“但是唯一的上帝与父非常近。”一些希腊本“但只有独子与上帝非常近。”
  4. 約 翰 福 音 1:21 以利亚: 公元前850年的一位先知。犹太人盼望着在弥赛亚到来之前,他能重返。见《玛拉基书》4:5-6。
  5. 約 翰 福 音 1:21 那位先知: 也许就是那位上帝告诉摩西要来的那位先知。
  6. 約 翰 福 音 1:29 上帝的羔羊: 耶稣的名字。意为耶稣就像羔羊一样祭献给了上帝。
  7. 約 翰 福 音 1:42 彼得: 阿拉米语“矶法”。

Nagkatawang tao ang Salita

Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Kasama na niya ang Diyos noong simula pa. Nilikha ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha. Ang lahat ng nilikha ay nagkaroon ng buhay sa pamamagitan niya, at ang buhay na ito ay ilaw ng sangkatauhan. Ang ilaw ay nagliliwanag sa kadiliman at ang kadiliman ay hindi nanaig sa ilaw. (A)Isinugo ng Diyos ang isang taong nagngangalang Juan. Dumating siya bilang isang saksi at upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi siya ang ilaw, kundi isang magpapatotoo lamang tungkol sa ilaw. Dumarating sa sanlibutan ang tunay na ilaw upang magliwanag sa bawat tao. 10 Siya ay nasa sanlibutan, at nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya subalit hindi siya naunawaan nito. 11 Dumating siya sa sarili niyang bayan subalit hindi siya tinanggap ng bayan niyang ito. 12 Subalit sa lahat ng tumanggap sa kanya, sa mga sumampalataya sa pangalan niya, sila'y binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos; 13 na hindi ipinanganak ayon sa dugo, ni ayon sa laman o kalooban ng tao, kundi ayon sa Diyos. 14 Naging tao ang Salita, at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa-isang anak na nagmula sa Ama. 15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at sumigaw na sinasabi, “Siya ang tinukoy ko nang sabihin kong, ‘Siya na dumarating kasunod ko ay higit kaysa akin, sapagkat siya'y nauna sa akin.’ ” 16 At tumanggap tayong lahat mula sa kanyang kapuspusan; kagandahang-loob na sinundan pa ng kagandahang-loob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y walang nakakita sa Diyos; ang natatanging Diyos[a] na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya.

Ang Pagpapatotoo ni Juan

19 At ito ang patotoo ni Juan nang nagpadala ang mga Judio ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem upang tanungin siya, “Sino ka ba?” 20 Nagpahayag siya at hindi nagkaila, kundi sinabi niya, “Hindi ako ang Cristo.” 21 (B)At tinanong nila si Juan, “Kung gayon, ikaw ba si Elias?” Sinabi niya, “Hindi ako.” “Ikaw ba ang propeta?” At sumagot siya, “Hindi.” 22 Kaya't sinabi nila sa kanya, “Sino ka? Bigyan mo kami ng kasagutang maaari naming ibigay sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili mo?” 23 (C)Sinabi niya,

“Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon,’

tulad ng sinabi ni propetang Isaias.” 24 Ang mga ito ay sugo mula sa mga Fariseo. 25 Muli silang nagtanong sa kanya, “Kung gayon bakit ka nagbabautismo, kung hindi ikaw ang Cristo, hindi rin ikaw si Elias, ni ang propeta?” 26 Sinagot sila ni Juan, “Nagbabautismo ako sa tubig, ngunit may nakatayong kasama ninyo na hindi ninyo kilala; 27 siya ang dumarating na kasunod ko; hindi ako karapat-dapat na magkalag man lamang ng kanyang sandalyas.” 28 Nangyari ito sa Betania sa kabilang ibayo ng Jordan kung saan nagbabautismo si Juan.

Ang Kordero ng Diyos

29 Nang sumunod na araw, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya, at sinabi niya, “Narito ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! 30 Siya ang binanggit ko sa inyo, ‘Kasunod ko ang lalaking mas una kaysa sa akin sapagkat siya'y nauna sa akin.’ 31 Hindi ko siya nakilala; ngunit ako'y dumating at nagbabautismo sa tubig, upang siya'y maihayag sa Israel.” 32 Pagkatapos nito'y nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumaba gaya ng isang kalapati mula sa langit at nanatili ito sa kanya. 33 Hindi ko siya nakilala; ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ay nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bababa at mananatili ang Espiritu ay siyang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’ 34 Nakita ko't napatunayan na ito ang Anak ng Diyos.”

Ang Mga Naunang Alagad ni Jesus

35 Nang sumunod na araw, naroon muli't nakatayo si Juan kasama ng dalawa sa mga tagasunod niya. 36 Minasdan niya si Jesus habang naglalakad ito at sinabing, “Narito, ang kordero ng Diyos!” 37 Narinig ng dalawang tagasunod niya nang sabihin niya ito kaya sumunod sila kay Jesus. 38 Paglingon ni Jesus, nakita niya silang sumusunod kaya sinabi niya sa kanila, “Ano ang hinahanap ninyo?” At sinabi nila, “Rabbi, saan po kayo nakatira?” (Ang kahulugan ng “Rabbi” ay guro.) 39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo nang makita ninyo.” Sumama nga sila at nakita kung saan siya nakatira; at nanatili silang kasama niya nang araw na iyon, at mag-iikaapat na ng hapon noon. 40 Isa sa dalawang nakarinig sa sinabi ni Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. 41 Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesiyas” (na ang katumbas ay Cristo). 42 Siya'y dinala niya kay Jesus. Tumingin si Jesus sa kanya at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang itatawag na sa iyo ay Cefas[b] ”(na ang katumbas ay Pedro).

Si Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, nagpasya si Jesus na magpunta sa Galilea. Doon ay natagpuan niya si Felipe at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Bethsaida, lungsod nina Andres at Pedro. 45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa rito, “Natagpuan na namin siya na tinutukoy ni Moises sa Kautusan, na siya ring isinulat ng mga propeta, si Jesus na taga-Nazareth, ang anak ni Jose.” 46 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “May mabuting bagay ba na maaring manggaling sa Nazareth?” Sinabi ni Felipe sa kanya, “Halika at tingnan mo.” 47 Nakita ni Jesus si Nathanael na lumalapit kung kaya't siya'y nagsalita ng tungkol sa kanya, “Narito ang isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya.” 48 Sinabi ni Nathanael sa kanya, “Paano po ninyo ako nakilala?” Sinagot siya ni Jesus, “Bago ka tawagin ni Felipe, nakita kita habang nasa ilalim ng puno ng igos.” 49 Sinagot siya ni Nathanael at sinabi, “Rabbi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang hari ng Israel!” 50 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniniwala ka ba dahil sinabi ko sa'yo na nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Mga dakilang bagay na higit pa sa mga ito ang makikita mo.” 51 (D)At sinabi pa niya sa kanya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, makikita ninyong bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na umaakyat at bumababa sa Anak ng Tao.”

Footnotes

  1. Juan 1:18 Sa ibang manuskrito ay Anak.
  2. Juan 1:42 Cefas salitang Aramaiko na ang kahulugan ay bato.